CHAPTER 71

288 6 1
                                    


Third person POV


It's Friday na rin kaya, naisipan na rin ni CJ na umuwi sa kanila. Dahil dalawang linggo siyang di nakauwi sa kanila. At isa na rin sa rason dahil may pagtitipon sa kanila. Dahil paguusapan ang kasal ng kanyang parents.

Buti na lang din sinabihan niya ang kuya na magpapasundo siya. Nagtaka siya bakit maingay sa labas, kaya tiningnan niya ito. Ang kuya niya pala dumating, kaya pinagkaguluhan ng mga kababaihan.

" Oh kuya ikaw lang pala, akala muna naman kung sinong artista dumaan." bungad niya dito na natatawa. Aba, feel na feel niya rin kasi ang lakad na para bang ang taas ng posisyon niya sa bansa.

" Di ba ang gwapo ng kuya mo, di mo ba ako papasukin sa apartment mo. Nangangawit na ako dito sa kakatayo." reklamo niya.

" Ok lang yan, madami ka namang fans doon sa labas." natatawang saad ni Cj sa kuya niya habang papasok sila loob.

" Alam mo naman magandang lalaki ang kuya mo." proud na saad ng kuya niya.

" Kuya sobrang hangin mo,kumain ka na nga lang diyan." saad ni Cj sa kuya niya.

Pumunta naman ang kuya niya sa fridge ng bunsong kapatid at kumuha ng maiinom at pagkain.
Habang hinihintay ang kapatid dahil nagaayos pa ito ng mga gamit sa kanyang apartment.

Di rin nagtagal natapos na rin si Cj ,nadatnan niya sa labas ang kuya niya na kumakain ng Cake. Siya nakahanda na rin sa pag alis, hinintay niya nalang matapos ang kuya niya sa pagkain.

Wala naman siyang dadalhin na mga gamit dahil di rin naman siya magtatagal sa kanila dahil babalik naman siya sa linggo sa apartment.

Kasalukuyang nasa byahe na rin silang dalawa ng kuya niya. Habang nasa biyahe nagkwekwentuhan rin sila about sa pag aaral nila. Until sa napag usapan nila ang girlfriend ni Cj.

Sinagot rin naman niya, yon lang di siya nakaligtas ng sabihin ng kuya na wag muna buntisin ang nobya baka makabuo agad sila nasa first year college palang siya. Saka na raw kapag graduate na siya sa college.

Di na rin sumagot at ngumiti at tango lang ang sinagot niya sa kapatid. Kung alam lang ng kapatid niya kung anong ginawa nilang dalawa ng nobya. Seguradong babatukan siya nito dahil nauna ang honeymoon bago kasal.

Handa rin naman siya na panagutan ito kapag may nabuo silang magkasintahan. Pero ililihim niya na muna, sasabihin niya na Lang kapag buntis na talaga.

After an hours, narating na rin nila ang bahay. May mga sasakyan ng nakaparada sa labas ng bahay nila. Pagdating nila sa tapat ng bahay sinalubong agad sila ng mga tiyahin at mga pinsan sa mother side nila.

Nagmano muna sila dito, bago pumunta sa parents nila, at pakikipagkilala na rin ni CJ sa father side nito. Ayon, ngayon lang din nila nalaman na may pamangkin pa pala sila na di nakilala.

Maayos naman ang paguusap ng magkabilang pamilya tungkol sa pagpapakasal, naka set na rin ang kasal kung kailan at saan gaganapin. Di na rin pinapatagal dahil magkakaroon na rin ulit sila ng baby. At ayaw nilang tumagal pa, dahil lalaki na ang tiyan at mahihirapan na rin sila sa gown nito.


After nilang magusap napagpasyahan nila na kumain na rin sa mga inihanda na pagkain Habang kumakain , nagkwekwentuhan rin sila, at nagtatawanan. Hanggang mapunta ang topic sa kay Lian, tinanong siya tungkol sa girlfriend niya. Sinagot naman niya ito ng maayos. Hanggang mapunta kay CJ, muntikan pang mabulunan dahil sa tanong ng Lola nito, " Apo magkakaroon na ba ako ng apo sa tuhod. " . Mabuti na lang din binigyan agad siya ng tubig ng kapatid niya.

Nagtanong din siya dito kung bakit natanong sa kanya ng Lola niya. Agaran namang sinagot ng lola na nagtanong lang daw siya dahil malambing ang nobya sa kanya. Tumango lang din si Cj , biglang pag sang-ayon dito.

Hanggang natapos na rin sila sa pagkain, nagtulong tulong na rin sila sa pagligpit. Mabilis lang natapos dahil madami silang gumawa. Ngayon naman nasa sala sila lahat para manood ng movie, at kwentuhan na rin dahil matagal na silang di nagkikita, at pakikipagkilala na rin sa pamilya ng papa niya. Dahil nahihiya pa siya nong una na magtanong or makipag usap dahil bago niya pa lang nakita.



Nong una nakaramdam siya ng awkward but then, nawala na rin ng tumagal. Hanggang sa di nila namalayan ang oras, malalim na rin ang gabi. Ang iba nagpaalam na rin na umuwi dahil may gagawin pa sila kinabukasan. Tanging naiwan na lamang ang mga dalaga at binata. Dahil bonding nga raw nila yon, na magpipinsan. Hanggang napagpasyahan nila na sa sala sila matulog lahat ,dahil manonood pa naman sila ng Movie. Kumakain rin sila ng sitsirya at may juice rin. Ang iba naman kinakain ay chocolate, fries, at pizza.


Hating Gabi napagpasyahan ng lahat na matulog na rin. Kinabukasan nagising na lang sila ng maamoy nila ang nilutong pagkain ng mother ni Cj na si Lina katulong ang papa nito sa pagluluto.

After ng agahan nila nagpaalam na rin ang mga ito dahil uuwi na sila sa kanila.

Sila na lang rin magpamilya ang naiwan. Nagsimula na ring maging clingy ang mother sa kanya dahil na miss raw siya nito. Dahil nakita ng kuya niya na nagsimulang maging clingy ang Mom nila kay Cj. Nagsimula na rin itong mang asar sa kapatid. Dahil laging nakadikit ito sa kanya. Di rin pinakealaman ng Daddy nito dahil baka magtampo ang fiance niya sa kanya.

Tuwang tuwa na man si Lian sa nakita na sobrang dikit ng Mom niya sa kapatid. Pati sa pagkain dapat tabi sila. Ramdam niyang naiinis ang kapatid dahil sa masama ang tingin nito sa kanya. May binulong si Cj sa Mom nila kaya nabaling ang tingin dito kay Lian. Aalis na sana siya ng tawagin ng Mom nito, kaya lumapit siya dito. Akala niya makakatakas siya pero nagkakamali siya dahil siya ng pumalit sa kapatid niya. Tuloy siya ang inaasar ni Cj ngayon.


Pinandilatan siya ng kapatid at mabilis na tumakbo sa itaas para makaiwas sa Mom nila sa sobrang clingy. Mukhang nagseselos na rin ang Daddy nila dahil di ito masyadong pinapansin ng Mom nila.

After two day's, balik na rin ulit siya sa apartment niya. But before that, nagkita muna sila saglit ng nobya niya. Napapansin niya na may laging nakasunod sa kanila. Nong nakalipas na buwan may napansin siyang nakasunod na itim na sasakyan. Nong una, akala niya lang coincidence lang yon. But now, parang hindi, at kinilabutan siya bigla. Baka may mangyari sa kanila, o sa nasa kanilang dalawa. Pero wala naman siyang naisip na motibo na may gagawa sa kanya ng masama. At isa pa, wala naman siyang naalala na may kaaway silang dalawa or siya. Minsan naiisip niya baka may possibility bang ang professor niya ang may pakana n sundan siya.


Binalewala niya lang, nong magkahiwalay na rin sila ng nobya niya. Sinabihan niya itong mag-ingat sa biyahe niya. Dahil ihahatid siya ng kuya sa apartment kaya di niya ito maiihatid, may sasakyan din naman itong dala.


Bago pa man nakaalis si Cj, sinegurado niya na muna na makaalis ng maayos ang nobya. Bago pa man sila nakaalis namataan niya na andon pa rin ang sasakyan.

Nasa isip niya, baka magkapareho lang ng sasakyan. Inaya na rin niya na umalis na sila ng kuya niya.

Habang nasa biyahe sila may napapansin siyang nakasunod sa rearview mirror ng sasakyan. Same car na nakita niya kung saan sila pumunta ng girlfriend niya. Di niya tinantanan ng tingin ang sasakyan hanggang sa nawala bigla ito. Kaya di na rin niya namalayan na nasa tapat na rin siya ng apartment niya. Nagpasalamat siya sa kuya niya sa paghatid. At di rin nagtagal ang kuya niya, umalis na rin ito.

Aakyat na sana siya ng biglang may humila sa kanya at dinala siya sa likurang bahagi ng building na di masyadong dinadaan ng tao.

" Sino ka, nagmamakaawa po ako wag niyo po akong saktan." natatakor nasaad ni Cj dito, dahil naka mask ng lalaki saka balot na balot ito.

" Di kita sasaktan, basta layuan mo ang mahal ko." saad ng lalaki.

" Hindi kita naiintindihan, di ko alam ang sinasabi mo." sagot naman ni Cj dito.

" The person you love the most, and I want you to break her heart , then I make her fall in love again, or else, I'll k.ll you. Either one of your family." pagbabanta nito saka biglang umalis. Parang nawalan siya ng lakas dahil sa takot, at sa magulong isip na rin.


To be continued......

PINIKOTWhere stories live. Discover now