Wala kami ginawa sa buong maghapon bukod sa kumain at magkwentuhan sa mga nangyari sa buhay namin ng di kapilng ang isa't isa.Kinagabihan uuwi na sana sina papa sa kanilang bahay, which is, my Lola's house.
“ Thank you sa oras na binigay niyo sa amin, uuwi na rin kami dahil gumagabi na rin. " paalam ni Papa.
“ Papa , pwede naman po kayong matulog dito sa bahay may bakanteng kwarto naman po eh. " pagpigil ko sa kanila.
“ Kung ok lang sa Mama mo." sabay tingin sa Mama ko, parang Kinikilig si Mama dahil tinitigan ito ng Papa saka pinamulahan siya ng mukha.
“ Ok lang iyan kay Mama , Papa. Tingnan mo nga iyong mukha niya namumula. " tukso ko pa dito tuloy napalo iyong pwet ko, nakatayo kasi ako habang siya naman nakaupo a sofa.
“ Sure, may bakanteng kwarto naman diyan eh, saka bonding na rin mag aama, at magiina di ba. " sagot na lamang ni Mama.
“ Yes." masayang saad ko.
“ O kuya rinig mo iyon dito na raw kayo matulog" pahabol ko pa dito.“ Oo naman bunso, magsasama sama na tayo." sagot ng kuya.
Dahil gumagabi na rin, naghahanda na rin ng hapunan. Sina Mama at Papa ang nagluluto ng hapunan namin. Kami naman ang naggagayat ng mga sangkap. Habang kaming magpamilya nagkwekwentuhan minsan nagtatawanan.
Di ko alam kung ok na ba talaga sina Papa at Mama. Napapansin ko kasi may awkwardness sa kanilang dalawa. Lalo na pagnagkalapit silang dalawa, minsan ko rin napansin namumula ang tenga ng Papa sa tuwing nalalapit siya kay Mama , ganon rin su Mama pinamulahan siya ng mukha.
Parang teenager ang dalawang to ah, sa isip ko. May kalokohan naman akong naisip. Kunwari aalis kami ng kuya pero makikinig lang pala kami sa usapan ng magulang namin.
“Kuya pwede ba kitang makausap saglit lang . " wika ko, naiintindihan niya naman ang ipinahihiwatig ko.
“ Yeah, sure. Mom, Dad usap muna kami ng Kapatid ko . Tapos na rin kaming maggayat ng mga sangkap. " paalam niya pa.Nasa gilid lang kami ng kuya nakikinig sa mga usapan nila. Akala nila umalis na kami , nasa gilid lang pala kami na hindi nila masyadong mapapansin.
“ Bunso ano ginagawa natin dito bakit tayo nagtatago.?" tanong ng kuya pero mahina lang boses niya.
“ Eh, kanina pa tingin ng tingin si Papa kay Mama eh, parang may gusto siyang sabihin. Kaya andito tayo nagtatago. " rason ko pa.
“ Eh pwede naman tayong nandon ah. " laban niya pa.
“ Paano din sila makapag usap ng maayos kung andon tayong dalawa, wala silang quality time dalawa. Saka kuya maya ka na magtanong ulit gusto ko marinig ang pinaguusapan nila ni Mama at Papa. " saway ko dito. Laging nagtatanong ang hina naman pala nito eh.
“ Lee, ” tawag ni Papa kay Mama na parang nahihiya pa ito.
“ Yes, " sagot ni Mama nahihiya rin.
“ May pag asa pa ba ako?" tanong niya kay Mama, pero pinigilan ko lang iyong kilig baka mabuko kami ng kuya ko.
“ Ano ba iyang sinasabi mo, Christoff? " curious na tanong ni Mama.
“ Iyong maging tayo ulit?" tanong ni Papa kay Mama.
“ Ngayon pa ba ako magpapakipot na malaki na ang mga anak natin. " sagot ni Mama sa tanong ni Papa. Titili na sana ako kaso pinigilan ako ng kuya.“ Bunso wag kang maingay, baka marinig ka ng mama at papa, masisira moment nila. " bulong niya sa akin.
“ Ok fine." sagot ko , pinigilan ko na lang iyong kilig ko, habang tinitingnan silang dalawa naguusap. Habang kami nasa gilid nagtatago, si kuya nakaupo, ako naman nasa likod niya nakatayo.Nilapitan ng Papa si Mama , si Mama naman paatras rin ng pa atras. Hanggang sa na corner ni Papa si Mama, parang nanonood kaming dalawa ng kuya ng drama. Kadalasang nangyayari sa palabas ng telebisyon.
Hinawakan ni Papa iyong mukha ni Mama, sabay nakaw ng halik, tuloy napalo siya nito. Gusto ko nang tumili pero di pwede baka mahuli kami ng kuya.
Di na rin nila napigilan ang mga emosyon nilang dalawa, masuyong hinalikan ni Papa si Mama habang nakasandal sa lababo. Yon piling na sobrang tagal na di mo nakakasama ang minamahal mo. Ramdam ko lang naman, iyon kasi ang nakita ko sa kanila.
“ Christoff, baka makita tayo ng mga bata." hingal na saway ni Mama dito.
“ Wala naman sila dito eh, " bitin na sagot ni Papa.
Napalo tuloy siya ni Mama sa balikat.“ Mamayang gabi natin itutuloy, " mapang akit na wika ni Papa kay Mama. Kagat labi pa nitong tiningnan si Mama. Kaya napalo ulit siya ng Mama, gamit ang sandok na hawak nito.
Nagulat na lang ako bigla tinakpan ng kuya ang bibig ko, nababahing na rin kasi ako dahil sa alikabok.
“ Wag kang maingay maririnig tayo eh. " sabay alis sa pagkakatakip sa bibig ko.
“ Sorry na, nababahing na talaga ako." laban ko pa.
“ Hala, saan na sila Mama at Papa." bulalas ko.
Hinanap namin ni kuya, andon pa rin kami sa pwesto namin. Nang biglang may nagsalita sa likod namin.“ Sinong hinahanap niyong dalawa? " tanong ni Mama.
“ Bakit kayo nagtatago diyan, sa gilid?" tanong rin ni Papa.
“ Patày." bulong ko.
“ Ikaw kasi. " bulong din ni kuya sa akin.
” Hoy, dalawa tayo noh. " laban ko pa.
“ Wala po." pagsisinungaling ni kuya.
“ Talaga ba, Son? " tanong ni Daddy.
Nagkamot na lang si kuya sa batok niya.“ Ikaw CJ anong ginagawa niyo, alam ko kapag nagsisinungaling ka. " wika ni Mama.
“ Wala po , mama. Ganito po kasi iyon, gusto namin na may quality time kayo ni Papa, at makapag usap na rin kayo , gusto lang namin na makitang naguusap kayo. " sabi ko pa dito.
“ Totoo ba?" ulit niya.
“ Opo Mom, " sagot naman ng kuya.
“ So, both of you saw what we did ? " nahihiyang tanong ni Mom, sabay hampas sa balikat Ng Daddy. Dahil panay titig ito sa kanya.Tumango kami pareho dahil Seryosong nakatingin sila sa amin.
“ Sorry na dahil nakita namin iyong ano, alam niyo na." kinikilig kong sabi sa kanila.
Siniko naman ako ng kuya.“ Kuya bakit." tanong ko sa kanya.
“ Bakit ka kinikilig ,seguro may boyfriend ka na kaya ka ganyan." ani niya pa.
“ Seguro kuya wala ka pang girlfriend kaya ka bitter diyan." laban ko dito.“ Tigil niyo na iyan," awat sa amin ng Mom.
Nasa hapag kainan na kami ngayon magpamilya. Magkatabi sila Mama at Papa, magkatabi naman kami ng kuya.
Nagkwekwentuhan lang kami hanggang sa mapunta ang usapan sa pakikipagrelasyon.
“ Do you have a boyfriend, bunso? " tanong ng kuya, nabulunan tuloy ako sa sinabi niya.
“ Heto tubig. " sabay bigay niya sa akin.
“ Wala kuya, bakit mo naman natanong iyan sa akin? " balik kong tanong sa kanya.
“ Natanong ko lang." sagot niya naman.
“ Ahh ok, ikaw ba may girlfriend ka na ba? " tanong ko naman sa kanya.
“ Yes, soon ipakilala kita sa kanya. " sagot naman ng kuya.
“ Sana all my love life." sagot ko na lamang.
“ Manliligaw meron bah?" balik niyang tanong sa akin.Umiling nalang din ako.
“ Actually Son, siya iyong nanliligaw. " bunyag naman ni Mama.
“ Mom." maktol ko dito dahil binuko niya ako.
“ So you're a gay?" tanong ni kuya. “ I'm not bullying you nor hate you, I'm just asking, I accept who you are. You're my only sister that I have . " he added.
“ I don't know the exact answer , but I'm intersex person kuya. " sagot ko.Kaya natulala silang dalawa ni Daddy.
Ayon, nalinawan sila kung bakit ganon ang pananamit ko. Tanggap nila ang buong pagkatao ko, di dahil pamilya kami dahil mahal nila ako bilang tao kahit may kaibahan sa pagkatao ko.
To be continued
YOU ARE READING
PINIKOT
RomanceWorks of romance and fiction, A Girl Love Story Between a Professor and Her Students. If you are not comfortable reading it, you can skip it. If comfortable reading, I hope you'll support voting for the story. Thank you so much ahead. Warning: It co...