Cj' s Pov.
Di ko akalain na ganon ang pinagawa sa akin ni Miss Lopez, inatasan ba naman ako na magsulat sa board. Kung pwede naman gamitin iyong projector, para sa ganon , makapag take note ako.
At ang nakakapikon pa don, pinanood niya lang ako magsulat sa harapan. Wala nga siyang ginagawa sa upuan niya.
Nagagalit ako sa kanya dahil ang haba pa naman ng isinulat ko. Tapos pag uwi ko magsusulat na naman ako, instead na mag aral na lang.
Napapansin ko rin na nagsusulat ang dalawang kamay ni Dwen. Umiling na lang din ako kung anong trip ng kaibigan ko, bakit dalawang kamay ang ginagamit niya sa pagsusulat. Bale, left and right ang tingin niya at ang pagsusulat nito. Yes,nakakapagsulat siya gamit ang dalawang kamay niya, how talented Dwen is.
Pagkatapos kong maisulat lahat ang kailangan isulat sa board. Ibinigay ko na rin kay Miss Lopez iyong book saka chalk. Atsaka bumalik na rin ako sa aking upuan.
” Hey, ano trip mo bakit dalawang kamay ang ginagamit mo. " komento ko dito.
“Tingnan mo kaninong notebook ang sinusulatan ko.” wika niya pa.
“ Akin to ah, thank you Dwen Dale. " pasalamat ko dito dahil sinulatan niya ako.
”Naawa ako sa iyo? " komento niya pa.
“ Bakit naman?" tanong ko dito.
“ Kanina ka pa kasi pinag iinitan ni Miss, kahit sa tingin man lang, parang nakakatunaw ang mga tingin niya sayo. " bulong nito sa akin.
“ Hayaan mo na iyan, seguro may dalaw or nag away sila ng jowa niya kaya ganyan. Kaya ako ang pinagiinitan niya dahil seguro, napapangitan siya sa akin or nagwagwapohan. " biro ko pa dito.
“ Pero salamat dahil sinulatan mo ko, kaya ililibre kita ng meryenda mamaya. " pabalik na bulong ko dito. Dahil nakiliti si Dwen sa ginawa ko kaya napatili siya, kaya agaw pansin ito sa kaklase namin lalo na kay Miss Sungit.
“ You two, kung tapos na kayo sa pagsusulat pwedeng wag mag ingay, nakaka-abala kayo sa kaklase niyo." masungit na saway ni Miss Lopez sa amin.
Kaya tumahimik na lang kaming dalawa baka pagalitan na naman kami ni Miss Lopez.
Natapos na magsulat ang lahat ng mga kaklase namin.
“ Class we don't have enough time to tackle about our lesson , maybe , next meeting we'll discuss it. Our class for this morning, is already dismiss. Goodbye class. " she said.
“ Goodbye Miss." sabay naming sabi at tayo na rin dahil aalis na para makapag meryenda.
“ Tika lang Miss Francisco." tawag sa akin ni Miss Lopez. Aaminin ko kinabahan ako sa awra niya dahil parang kakain ng tao. Biro lang, yong awra na may kasalanan ka, ganon. Pero sa isip ko ,wala akong ginawa na masama sa kanya.
“ Bakit po, Miss Lopez?" tanong ko dito.
“ Pwede mo ba akong tulungan dito sa mga gamit ko." pakiusap niya sa akin. Ang unfair naman non, sa dinami dami ng studyante niya ako patong napakiusapan sa mga gamit niya.
“ Guys, susunod na lang ako. Dwen mamaya na lang iyong sinabi ko sayo huh. Ihahatid ko lang ito sa office ni Miss. " saad ko sa kanila.
“ Ok, hihintayin ka namin sa cafeteria." tugon naman nila sa akin.
Nakita ko na umirap si Miss Sungit, dahil nakita niya ang matamis na ngiti ni Dwen.
Medyo mabigat nga ang ibang libro na dala ni Miss Lopez.
Sumunod na lang din ako sa kanya, di ko alam iyong office niya.
Tahimik lang ako na sumunod sa kanya, saka wala naman kaming pag usapan pa.
Pagdating namin sa tapat ng office niya ,agad niyang binuksan ito.
“ Miss saan ko po ito ilalagay?" magalang kong tanong sa kanya, kahit kinakabahan ako.
“ Sa table na lang, " sagot naman niya, medyo sa tuno ng pananalita niyang naiinis.
“ Aalis na po ako, Miss." paalam ko dito.
“ Teka lang sandali, pwede mo bang hilutin sandali iyong mga balikat ko, medyo sumasakit kasi." kunyaring nasasaktan, pero kanina wala naman siyang iniinda ah.
“ Miss sorry, di ako masyadong marunong maghilot. Seguro mas mabuti po sa clinic na lang kayo pumunta ,para malaman kung bakit sumasakit ang mga balikat mo po." hayag ko pà dito.
“ Miss Francisco, pwede alisin mo iyong po, kanina pa ako naririndi diyan. Lagyan mo lang ng po kamag nasa public area tayo pero kung tayong dalawa lang, Miss na lang. At isa pa, pwede hilutin mo na lang ang mga balikat ko, alam ko naman na iniiwasan mo lang ako eh." masungit niyang wika.
I dont have a choice, kaya sumunod na lang din ako.
“ Hmm," ungol niya atsaka ang pangit pakinggan, baka akalain ng ibang makakarinig sa labas may ginagawa kami dito sa loob.
Hinubad niya ang longsleeve niya, ang tanging naiwan ay iyong sleeveless niya.
“ Mas masarap sa pakiramdam kung sa balat ko dumampi ang mga kamay mo. Maramdaman ko iyong sarap at sakit." mapang akit niyang wika sa akin.
Sinimulan ko na nga, dahil naudlot ang pagmasahe ko sa balikat niya. Dahil naghubad pa siya ng longsleeve niya.
Ilang minuto din ang lumipas,natapos na rin ako pagmamasahe sa kanya.
“ Miss aalis na ho ako." paalam ko dito.
“ Teka lang." awat niya sa akin. Lumingon ako kung anong kailangan niya. Hindi ko akalain na halikan niya ako, idiniin niya pa ang sariling katawan sa akin. Aaminin ko na naramdaman ko ang malalambot niyang hinaharap.
Natulala ako sa ginawa niya sa akin, bumalik lang ako sa ulirat ng pitikin niya ang noo ko. Mahina lang naman, di naman siya masakit.
“ You want more?" nakangiting tanong niya sa akin.
“ Aalis na po ako." dali-dali akong lumabas, di ko alam kung bakit ako pinagpawisan don, may aircon naman.
Pagdating ko sa cafeteria nakita ko agad ang mga kaibigan ko.
“ Im sorry kung medyo natagalan ako, inutusan pa ako ni Miss Lopez eh." hinging paumanhin ko dito.
Tinupad ko na iyong pangako ko na ililibre ko si Dwen Dale, pero sinama ko na rin ang ibang kaibigan ko.
Kumain lang kami sa cafeteria, after non,pumunta na rin sa next subject namin.
Pagpasok namin sa loob wala pang teacher, tamang kwentuhan lang ang ginawa namin tulad ng ibang studyante sa loob.
Maya-maya dumating si Shaira Dominguez, dahil lonely siya, tinawag ko siya para paupuin sa gawi namin. Wala naman siyang pagtutol sa akin.
Lorraine's Pov
Nagagalit ako, nagseselos ako sa mga nakita ko kahapon , mas nadagdagan ngayon dahil kinakausap niya ang kaibigan niyang babae. Na parang ang lapit nila sa isa't isa.
Ginawa ko talaga iyong group activity , dahil wala ako sa mood na magturo, ayoko naman maapektuhan iyong mga studyante ko. Nagkamali yata ako ng desisyon mas lalo akong nakaramdam ng selos lalo na kung paano kausapin ni Francisco si Shaira.
Well mabait naman talaga si Francisco, mas lalo lang akong nainis sa kanya dahil sa trato niya sa babae, sobrang sweet niya dito.
Wala naman talaga akong karapatan na magselos , dahil di naman kami, sa ngayon pero balang mapasa akin pa rin siya.
Sinasadya ko talaga siyang utusan, sa pagsusulat sa board at pagdadala ng mga gamit ko para masolo ko siya kahit saglit lang.
Pagkalagay niya sa mga gamit ko sa table, agad naman siyang nagpaalam Sa akin. Siyempre gusto ko siyang makasama saglit, kaya kunwari sumasakit iyong balikat ko, inutusan ko lang naman siyang magmasahe sa balikat ko. Nong una nagrarason pa siya na di siya marunong, pero wala siyang choice kaya ginawa niya pa rin na masahiin ako. Sinadya ko rin na hubarin iyong longsleeve ko tanging naiwan na lamang ay iyong sleeveless ko, kita ang hinahanarap ko.
Natapos na nga siya sa pagmasahe sakin, nagpaalam ña rin siya sa akin ,ng pigilan ko.
Ayon hinalikan ko siya saka diniin ko iyong sarili ko sa kanya. Na maramdaman niya rin ang naramdaman ko para sa kanya. Di ko mapigilan na mahalikan siya dahil sa pinkish lips nito. Napangiti na lang din ako sa naging reaksiyon niya sa ginawa ko sa kanya. Well di lang iyan gagawin ko sa kanya, makikita niyo.
TBC

YOU ARE READING
PINIKOT
RomanceWorks of romance, A Girl Love Story Between a Professor and Her Students. If you are not comfortable reading it, you can skip it. If comfortable reading, I hope you'll support voting for the story. Thank you so much ahead. Warning: It contains paren...