CHAPTER 52

110 1 0
                                    


“ Miss Francisco, " panimula Ni Miss Lopez sa akin. Medyo kinabahan lang ako ng konti dahil nakasara ang pintuan baka anong isipin ng mga studyante na makakita sa aming dalawa sa loob ng classroom.

“ Bakit po Miss, ano pong ipag uutos niyo sa akin." kinakabahan kong tanong parang naka intimidate kasi ang mga tingin niya sa akin. Parang nang aakit base sa mga galawan niya.

“ Wala naman, gusto ko lang malaman mo na iwasan mo lang lumapit sa ibang babae." pabulong na banta niya sa akin na kami lang dalawa ang tanging nakarinig. Kinilabutan ako bigla sa sinabi niya sa akin, wala naman akong atraso sa babaeng to bakit naman niya ako babantaan.

“ Excuse me Miss, are you joking? ” natatawang sagot ko, “ Di kasi nakakatawa at isa pa wala naman po akong kasalanan sa inyo eh. Kung wala naman po kayong ipag uutos sa akin, aalis na po ako kasi naghihintay na ang mga barkada ko po sa labas. " magalang kong sabi sa kanya.

Di ko alam kung bakit siya ngumiti na wala naman dapat ika saya don sa sinabi ko.

Aalis na sana ako ng magsalita siyang muli.

“ Im just kidding, Miss Francisco. Gusto ko lang na pumunta ka sa office ko mamaya after ng class mo since wala namang klasi tomorrow dahil weekend na rin may ipapagawa ako sa iyo. You got it? ”  wika niya pa.

“ Yes, Miss. I'll go ahead na po. " paalam ko sa kanya.
“ Ok see you, after your class Miss Francisco." may pang aakit na sabi ni Miss Lopez.

Umiling na lang ako sa sinabi niya..

Paglabas ko sa room busy sa pakikipag kwentuhan ang mga kaibigan ko. Di na namalayan ang paglabas ko , tumikhim muna ako bago magsalita.

“ Guys, tara na. ” aya ko sa kanila.
“ Oh, anong pinagusapan niyo ng guro natin? ”tanong ni Shawn Roy sa akin.
“ Sabi niya lang na papuntahin niya ako sa office niya dahil may ipapagawa siya sa akin, wala rin siyang sinabi kung ano. " sago ko na lamang sa taning ni Shawn Roy.
“ Parang bet ata ka ng guro natin ah, sa dinami dami natin ikaw talaga ang napansin niya. " saad pa ni Dwen Dale.
“ Baka nagkataon lang naman. " sagot ko naman dito.
“ Di eh, may something talaga." laban naman ni Shane Rey.
“ Hey, magsitigil nga kayo, ang mabuti pa kumain na tayo, kanina pa kayo diyan. " reklamo ni Mikaela.
“ Oy si Mika nagseselos, gusto seguro niya si Miss Lopez. " Komento pa ng kambal.
“ For your information di ako bading." sagot ni Mikaela.
“ Ba't ka affected ." laban pa ni Shane Rey.
“ O baka, may gusto ka kay Cj kaya ka ganyan. " dugtong pa ni Shawn Roy.
“ Di ah." depensa niya pa.
“ Defensive girl.” komento pa ni Dwen Dale.
“ Tama na iyan, kumain na lang tayo para  naman tumahimik na kayo.” aya ko sa kanila parang patungo na sa pag aaway ang mga ito eh.

“Mas mabuti pa nga  kanina pa ako nagugutom. " reklamo ni Mikaela.

@Cafeteria

Umorder na rin kami, mabuti na Lang may bakanteng upuan na kasya kaming magkaibigan.

“ Mabuti na kang may bakante pa" komento naman ni Dwen Dale.
“ Oo nga eh." sagot ni Mikaela sabay subo sa pagkain niya.

Habang kumakain kami, bigla na lang umingay ang studyante most especially mga studyanteng kalalakihan.

Kaya tiningnan ko Kung sinong dumating ang mga babaeng guro lang pala, Infairness magaganda pwedeng isali sa pageant. Pero isa lang ang gumugulo sa isip ko, kung anong ipapagawa sa akin ni Miss Lopez  sa akin na kasalukuyang umorder ngayon ng pagkain kasama ang mga co- teachers niya.

Nagpatuloy na rin ako sa pagkain, naririnig ko pa ang mga bulong bulongan ng mga studyante tungkol sa mga guro.

“ Pre, ang ganda talaga ng mga guro na iyan, kung may pagkakataon man na magpaligaw ang  isa sa mga iyan, liligawan ko talaga. " komento ng isang studyante.
“ Asa ka pa, kung magpapaligaw sayo. Ni hindi ko pa nakitang may nobyong pumunta dito para sunduin man lang, lalo na iyang si Miss Lopez. ”ani pa ng kasama ng lalaki.
“ Seguro iba ang gusto, " sagot ng lalaki.
“ Ano ibig mong sabihin?" tanong ng isa.
“ Seguro bading." natatawang saad ng kasama niya.
“ Pre, di naman seguro ang gaganda nila eh, saka sayang ang lahi nila. " pagsalungat ng isa.
“ Edi ligawan mo para malaman mo ang sagot. " wika ng lalaki.
“ Kaso nga Lang masungit ang mga yan, lalo na si Miss Lopez narinig ko sa mga dating mag aaral dito. " paliwanag ng isa.

Di nila alam na malapit lang sa kanila ang mga guro, tuloy natahimik sila ng magsalita si Miss Lopez.

“ Sinong masungit, Mr? ” taas kilay na tanong ni Miss Lopez.
“ Kanina pa namin naririnig ang mga saloobin niyo tungkol sa amin. "  dagdag ng kasama ni Miss Lopez.
“ Mababait kami kapag mabait rin ang mga studyante. Kaya kung ako sa inyo tumahimik na lamang kayo kung ayaw niyong ibagsak ko kayo. ” masungit na wika ni Miss Lopez.

Tama lang din na marinig ng mga lalaki ang pinagsasabi ng mga guro, medyo malapit lang talaga kami sa kanila kaya di ko naman sinasadya na marinig lahat ng pinaguusapan nila.

Nagpatuloy lang din ako sa pagkain, nang may naramdaman akong may tumititig sa akin. Hinanap ko kung sino ang nakatitig sa akin, sino pa nga ba ang isang masungit na guro na si Miss Lopez.
Nagiwas agad ako ng tingin dahil parang iba siya kung makatingin parang inaakit ka nito.

“ Hey, may nakatitig sa iyo ramdam mo ba iyon.?" bulong ni Dwen Dale sa akin.
“ Oo ramdam ko." sagot ko na lamang alam ko naman kung sino iyon.

After naming kumain nagsitayuan na rin kami ng mga kaibigan ko. Handa na rin para sa susunod na klase namin. Sa di inaasahan na pagkakataon at di ko rin inakala na mapadaan kami sa tapat ng mesa nina Miss Lopez. Nang pagdaan ko sa tapat ng mesa nila may humawak sa kamay ko. Tiningnan ko ito, di ako nagkamali si miss Lopez nga. Tiningnan niya ako sa mata parang pinaalahanan niya ako sa kanyang sinabi bago kami pumunta ng cafeteria.

Sinagot ko naman siya sa pamamagitan rin  sa pag tingin ko sa kanya para na rin bitawan niya iyong kamay ko. Di rin naman masyadong pansin dahil  nasa ilalim ng mesa ang mga kamay namin.

“ Later” bulong niya saktong aalis  na ako.

Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa ginawa niya.

To be continued...

PINIKOTWhere stories live. Discover now