Time after time......

2K 10 0
                                    

After three years..Di ko mai-magine na magtatagpo pang muli ang aming landas, na makikita ko muli sya, na maririnig ko  yung boses nya at never din sumagi sa isipan ko na sa pangyayaring ito, sa isang iglap, lahat ng ala-ala masasariwa, mga ala-alang tatlong taon ko din pilit binabaon sa limot..

Eto ako ngayon, nakaupo, hawak-hawak ang napakagandang  bouquet na toh.  Actually di ko inaasahan na ako yung makakasalo nito nung inihagis ito ng tropa kong bride, iwas na iwas nga ako sa pagsalo.. kaya lang dahil sinuswerte nga naman ako, sakin pa rin tumapat to'ng bouquet na toh,. Look at this guy oh, nakaluhod na sya ngayon sa harapan ko hawak  yung garter na nasalo nya sa groom, nakatingin sya sa akin, habang iniintay yung sasabihin ng MC kung ano yung gagawin namin dito.  Ang aning lang kasi, ang tagal - tagal magsalita.  Tapos itong lalaking to' kung makatingin para bang ipinipinta nya yung mukha ko sa isipan nya, *tunaw na oh!! tunaw na ang mukha ko.. Ang awkward naman kasi sa dami daming lalaking pwedeng sumalo ng garter, bakit sya pa?.  Sinadya ba nyang saluhin?? o gaya ko lang sinuwerte lang din sya or para mas magandang pakinggan minalas lang, ay!!! ang tagal naman ng announcement ng pa VIP masyadong MC na toh'!!!  Nakakangawit umupo dito, tapos yung attention ng mga tao, na samin lang. Naks!! feeling artista lang men...

"I miss you"...

hah???? ano daw??? I miss you daw?? sabi nitong lalaking to'.  Tama ba yung narinig ko.. Ano ba yan, gusto kong magsalita pero wala, as in walang nalabas na boses sa bibig ko.  Parang namanhid bigla katawan ko ah, di ako makapag react, I miss you??? ganun na lang yun.. pagkatapos ng lahat.. I miss you.. What the...............

__________________________________________________________________

"Ms. Perrer!!!, Ms. Perrer!!!.. Ms. Perrer!!!"

"Ayyyy, kalabaw...."

"Ms. Perrer, masyado bang boring ang subject ko para tulugan mo lang???, sabihin mo lang at madali akong kausap, gusto mong matulog?? pwede namang pauwiin na kita kung yan ang gusto mo, tama?"

"tama po... Ayyyyyy!!!! Teacher sorry po, di na po mauulit"

"We'll tama pala hah, i warning you, sa susunod na tulugan mo pa ang klase ko, .. i will kick you out, understand?"

"Yes teacher"

"Ok, class............

blah!!blah...blah.. blah.. ang terror talaga ng teacher na to'. I hate her. kasalanan ko ba kung boring talaga yung subject nya, we'll di ko naman hate ang social studies eh, kaya lang pasaway lang talaga itong mga mata kong to' ayaw makisama eh. haizt!! ayun si teacher oh nag didiscuss, kaya lang parang wala akong naririnig sa sinasabi nya, bahala na lang.. ang tagal naman kasi mag lunch time.. haist....

"Ok, class mag review kayo for our long test tomorrow.  Good bye and see you again."

"good bye teacher"

maka goodbye naman tong mga classmates ko, parang wala nang bukas si teacher ah..  Teka!! tama ba yung narinig ko??? Long test?? Oh my gulay!!!

"ui!!! "

"Ayyyy!!! kalabaw!!!, ano ba naman Popoy... nagulat mo ako hah,"

"Best friend Basha, tulog ka pa rin ba??? hahahaha.. hahahahahha.. hahahahahha"

"makatawa ka dyan Popoy parang ang saya saya talaga hah, nitatawag mo pa akong best friend, tatawanan mo lang, nice Poy!! nice!!"

"Kasi naman best, bakit ka kasi natulog, hahahhaha,, di ko mapigilan Bash, nakakatawa masyado"

"oo na lang, sige lang, dyan ka na nga mag la lunch na ako, mukhang di ka pa gutom ng lagay na yan, wagas ka,,,eh wagas"

Time after time......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon