anong gagawin mo kung masaya ka na sa buhay mo. Nakamove on ka na sa malulungkot na nangyari sa nakaraan mo., Masigla mong hinaharap ang bawat bukas kasama ang babaeng pinakamamahal mo, tapos biglang malalaman mo na ikaw ay isang produkto ng kasinungalingan??
Namatay si Mama nung bata pa lang ako, dahil sa car accident., Nung mga panahong yun, sinisisi ko ang sarili ko, kasi wala akong kayang gawin kung hindi ang umiyak ng umiyak. Isa lang akong ordinaryong bata na mahina, at di kayang kontrolin ang mga bagay bagay. Lumaki ako sa piling ni Dad, na busy naman sa business. Alam nyo ba yung pakiramdam na,.
nasa school ka, tapos biglang umuulan, sobrang lakas, yung mga parents ng classmates ko, nagsidatingan na para sunduin ang kanilang mga anak. Habang ako, nakatingin lang ako sa kanila, di ko mapigilan ang maawa sa sarili ko.,pero matiyaga pa rin akong nag iintay at nakatingin sa may pintuan, iniintay ko si Dad, wala na si Mama eh, kaya alam kong kahit busy si Dad, susunduin nya din ako. Pero ang laging nangyayari, umuuwi ako sa bahay ng basang basa, at umiiyak. At sa halip na asikasuhin ako ni Dad, pinapagalitan pa niya ako. Mahirap ang walang Mama..
Lumaki ako na walang ibang nag aalaga ng maayos sa akin, kung hindi ang sarili ko. Ayaw ko sa mga katulong, ayaw ko sa kahit na sino. Gusto ko ako lang ang mag-aayos ng mga gagamitin ko. Ako lang kasi, wala na si Mama at Busy si Dad. Oo, sanay na ako eh. Tanggap ko na naman yun eh.
"Dad anong tungkol kay Mama?"
Nanginginig ang boses ko, di ko alam kung anong nangyayari, ang tanging gusto ko lang ngayon ay ang malaman ang totoo. Dahil ang alam ko patay na ang Mama ko.
"Roi anak!!,"
"Dad, ano ?? mag salita ka!"
Di makapagsalita si Dad, pero kita ko ang luhang pumatak sa mga mata nya, habang nakatungo siya sa akin.. Biglang nasalita si..... si Tita Lhian.
"Roi, iho..!!"
"Lhian??"
"Aljhon, panahon na para malaman ni Roi ang totoo"
"Ano po ba yon?? sabihin nyo nga sa akin. wag nyo akong pahirapan"
Biglang nagtatakbo si Dad, umakyat siya sa kwarto niya, at kita ko sa mukha niya ang takot nung lumingon siya sa akin. Umiiyak si Dad.. ano bang nangyayari??
"Ti... tita Lhian?"
"Roi,. hayaan mong ipaliwanag ko sayo ang lahat"
Ipinaliwanag sa akin ni Tita Lhian ang lahat lahat. Di ko alam kung anong mararamdaman ko, nang malaman kong buhay ang Mama ko,,.. ang totoo kong Mama.. Dahil ang Mama na nakasama ko noong bata ako, na nagparamdam sa akin ng pagmamahal at pag-aaruga, ay hindi ang tunay kong ina. Si Mama Tina ang tunay kong ina. Nagkahiwalay sila ng Dad ko, nung 10 months baby pa lang ako, dahil ayaw daw ng mga magulang ni Mama kay Dad, isa daw itong babaero. Ayaw din nila sa akin, para maging apo, kaya't pilit nilang kinuha si Mama, at naiwan kaming dalwa ni Dad.
Nang malaman ko yun, hindi ko alam kung matutuwa ba ako kasi may Mama pa pala ako at nandun lang siya sa states kasama ang mga totoo kong grand parents,, o malulungkot kasi nalaman kong may sakit si Mama at may taning na ang kanyang buhay.. Di ko alam ang gagawin ko ng mga sandaling iyon, binata na ako., pero bakit ganito, para akong grade 2 student na walang kayang gawin kung hindi ang umiyak.
Nagkulong ako sa kwarto ko, at nag isip isip... Litong lito ako at gulong gulo. Gusto kong makasama ang Mama ko, ang totoo kong Mama, bago pa man siya mawala ulit sa akin.. Nung gabi ding yon, tinawagan ko si Kim, ang Bebz ko, ang babaeng alam kong makakapag paginhawa sa loob ko,.
_________________________________________________________________________
NOTE: YUNG NAKA Italic po = si RD ung nagsasalita