"Cedrick, buti na lang half day tayo ngayon, mas matagal ang oras na makakabonding kita"
"Sophia, di ka pa ba nagsasawa??? halos 1 week na tayong nagba-bonding eh"
"Bakit?? sawa ka na Cedrick??"
Ano ba naman itong babaeng ito, naka-pout pa? tapos parang naiiyak na, dahil sa tanong ko kung di siya nagsasawa.
"Teka Sophia, wag kang iiyak, di naman ako nagsasawa eh, nag eenjoy nga ako eh"
"Talaga Cedrick!!!"
Sabay hug pa siya sa akin. Tuwang-tuwa siya. Pero saglit lang yung yakap na yon. Ang kulit niya, para siyang bata na nakahanap ng kalaro. Pero sa totoo lang, sa araw araw na kasama ko siya. Nag-eenjoy naman talaga ako eh. Minsan nga lang namimiss ko si Basha. Kamusta na kaya siya??? Di ko na siya nakakasabay pumasok at umuwi. PAti maglunch si Sophia na ang kasama ko. Ang alam nga ng mga students sa school girlfriend ko na si Sophia eh. Sabi ni Sophia sakayan na lang namin.
"Cedrick dun tayo oh, dali"
"Sophia, di ka talaga napapagod noh??"
"Oo Cedrick, masaya eh."
Andito kami ngayon sa beach, gusto kasi ni Sophia eh. Grabe, takbo lang siya ng takbo, wala siyang kapaguran. Unlimitted ang happiness niya. Swim doon, swim dito. Ang kulit niya,. hila hila niya ako sa dagat, at ayun para kaming mga batang ewan, nagtatampisaw at nagkukulitan kami sa tubig kahit mainit ang sikat ng araw. Napapangiti ako kapag nakikita kong masaya si Sophia. Ang ganda ganda niya, mabait, matalino, masayahin, talented pa. Lagi nga niya akong kinakantahan eh. Ang kulit niya talaga.
"Cedrick, teka nakakapagod pala"
"Wow! first time kong narinig yan sa'yo ah"
"Hinihingal ako, tara higa tayo dun"
Dali dali na naman niyang hinila ang kamay ko, pumunta kami silong ng malaking puno. Doon humiga siya, pati ako napahiga na din sa pagod.
"Cedrick ang saya noh?"
"Oo nga eh"
"Ang ganda ganda ng sikat ng araw, ang ganda ng ulap , ang payapa lang nila, ang alon ng dagat, rinig na rinig mo mula dito. Tingnan mo yung mga ibon na iyon oh, ang saya saya nilang lumilipad, Cedrick, sabihin mo lang kung nagsasawa ka na hah!"
"Sophia??"
Di siya umiimik, ako nagsasawa?? Bakit di ako makaramdam ng pagsasawa?? Bakit simula ng unang beses na naka-date ko si Sophia naeexcite akong gumising sa umaga?? Bakit kapag umuuwi ako ng bahay galing sa ilang oras na paglabas namin ni Sophia, iniintay ko agad ang mga txt niya?? Bakit ganito?? si Basha mahal ko siya. pero hindi ganito ang nararamdaman ko, iba ang nararamdaman ko kay Sophia. Iba talaga?? Nilingon ko si Sophia, natutulog siya. Siguro kasi napagod siya sobra. Pinagmasdan ko siya, ang ganda ganda niya talaga, habang pinagmamasdan ko siya, napapangiti ako na parang kinakabahan na parang ewan. Umupo ako mula sa pagkakahiga, tumingin ako sa ulap, at dinampi ko ang aking kamay sa tapat ng puso ko. Ang lakas, ang lakas talaga ng tibok nito. Love???? Hindi, kasi si Basha lang ang mahal ko. Pero??? ang labo naman oh!!
"Cedrick??"
"Sophia gising ka na pala"
"Gusto mo na bang umuwi??"
"Ah, eh,, ikaw gusto mo na ba?"
"Ah sige tara na uwi na tayo, gusto ko na atang magbanlaw, mukhang nangangati na ako."
Nagkatinginan lang kaming dalwa at nagtawanan. Inihatid ko siya sa bahay niya gamit ang motor ko.
"Bye Cedrick..... ,muaaaahhhhh"
Nagtatakbo na siya sa loob ng bahay nila. At ako??? naiwan akong nakatameme dito sa labas ng gate nila. May ilang sigundo din ako, bago nakarecover tsaka umalis na. Hinalikan niya ang pisngi ko. Hawak hawak ko buong hapon at gabi ang pisngi ko. Hanggang sa nakatulog ako.
Limipas pa ang ilang araw, at lagi pa rin kaming lumalabas ni Sophia, nagmo-mall kami, sumisimba, nagpipicnic ng kaming dalwa lang. At nasanay na din ang pisngi ko sa mga kiss niya tuwing ihahatid ko siya sa bahay nila. Pero isang gabi, paghatid ko sa bahay niya........
"Cedrick, ito na ang huling date natin"
"Sophia??"
"Cedrick, alam ko naman na ginagawa mo lang ito para samahan ako, para makalimot, para maka move on kay R-D. At good news nakamove - on na ako"
"Sophia??"
"Cedrick, salamat."
"Sophia teka lang, wag ka munang pumasok sa loob, kausapin mo muna ako"
"Cedrick, salamat talaga, napagod ako ngayon eh, kaya magpapahinga na muna ako. uwi ka na"
Di na ako nakapagsalita. Gusto ko siyang pigilang pumasok sa loob ng bahay niya. KAsi baka ito na ang huling beses na makakasama ko siya. Meron na ba siyang ibang gusto??? May iba na ba siyang mahal?? Di ba usapan namin habang wala pa yung Mr. Lucky niya, magde-date pa rin kami?? Bigla akong nalungkot, parang gumuho ang mundo ko, nung sinabi ni Sophia, na ito na ang huling date namin. Sumakay ako sa motor ko at pagkadating sa bahay, dumiretso na ako sa kwarto. Di ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. Bakit ako umiiyak??? Dapat nga masaya ako, kasi magkakaoras na ulit ako kay Basha eh. Pero bakit??? Sinubukan kong itxt si Sophia. Tinatanong ko kung seryoso siya na huling date na namin ngayon?? kung may nakilala na ba siyang Mr. Lucky?? kung bakit?? Pero wala... wala ni isang reply. Nag try din akong tawagan siya, pero naka-off ang cp niya.
SOPHIA'S POV__________
Ilang araw din kaming nag date ni Cedrick, pero sa ilang araw na iyon, natutunan ko na siyang mahalin. MAsaya ako kapag kasama ko siya, ayaw kong matapos ang oras na naglalaro kami sa mall, kumakain, nagtatampisaw sa dagat, nagsisimba. Ayaw kong matapos ang bawat araw na iy0n. Pero natatakot ako... natatakot ako na kapag pinagpatuloy ko na sanayin ang sarili kong kasama si Cedrick, baka masaktan na naman ako. Paano kung sa patuloy naming pagde-date eh, lalo ko siyang mahalin??? Paano ko kakayaning masaktan muli??? alam kong hindi niya ako gusto, alam kong ginagawa lang niya yun, para lang makalimot ako at gusto niyang tumupad sa usapan na magde-date kami hanggang mameet ko si Mr. Lucky, pero nameet ko na si Cedrick, siya ang Mr. Lucky ko. Paano ko sasabihin sa kanya na mahal ko na siya, na tapos na ang pinag-usapan namin dahil nameet ko na ang Mr. Lucky na iyon.?? Masasaktan lang ako, kaya kailangang itigil ko na ang lahat. Kailangang iwasan ko na siya, dahil alam kong marereject niya lang feelings ko kasi di niya ako gusto. Alam ko din na si Basha!! siya lang ang babaeng mahal ni Cedrick. At kasalanan ko kung bakit di na sila nagkakausap at nagkakaoras sa isa't isa.