chapter 50

289 1 3
                                    

maaga pa lang pumunta na ako sa school garden.  Iniwan ko dun ang isang box.  Isang doll ang laman nun.  Si Bebe Mau, siya ang aming 1st baby ng Bebz ko.  Nag dikit ako ng isang maliit na papel at nakalagay dun na para sa bebz ko ang regalo.  Sa Damit ni Bebe Mau (nung manika) sa likod may isinipit akong isang letter.  Sana mabasa ni Kim ang sulat ko. 

Bebz ko,

Happy 4th monthsarry.!! mahal na mahal kita. 

Sorry kung di ako makakarating ngayon, para samahan ka, para magcelebrate tayo.  Mahalaga ang araw na ito, alam nating dalwa yun.  Kim, di ko na alam ang gagawin ko.  Sorry kung di ko magawang sabihin sa yo ng personal, ayaw ko kasi na maging malungkot ka. 

Bebz, nalaman ko na buhay pa pala ang totoo kong Mama.  Nasa states siya kasama ang mga totoo kong Lolo at Lola, ngunit may sakit siya at dalwang taon na lang ang taning ng buhay niya.  Bebz, gusto niya kaming makasama ni Dad, sa kahit konti at mga huling sandali niya dito.  Gusto ko din na magpinta ng mga masasayang ala-ala sa isip ko kasama ang totoo kong ina.

Bebz, alam kong maalalahanin ka, at alam kong maiintindihan mo kung bakit kelangan kong lumayo at iwan ka muna.  Swerte ako at nakilala kita.  Bata pa lang ako ikaw na ang nagtatanggol sa akin.  Naalala mo nung inaway ako ng mga higante kong kaklase Bebz.  Di ko alam kung anong ginawa mo at nagsitakbuhan sila Bebz.  Ako si Romnick Dee ang batanga pinatigil mo sa pag -iyak.  Ang batang nagmamahal sayo ng sobra. 

Bebz dalwang taon kitang hindi makakasama., hindi ko alam kung kakayanin kong malayo sayo.  Pero sana Bebz,. sa dalwang taong wala ako, wag kang malulungkot, wag na wag kang iiyak.  Ayaw kong mag-alala ka.  Bebz, ikaw na ang pinakamagandang babaeng nakilala ko, kaya natatakot akong baka biglang may umagaw sayo habang wala ako. Bebz ayaw kong pigilan ka na magmahal ng iba, habang malayo ako.   Pero Bebz tandaan mo sana na sa mga araw na hindi tayo magkakasama,, ikaw lang at wala ng ibang papalit sayo dito sa puso ko. 

Mahal na mahal kita Bebz. 

Siguro sa mga sandaling binabasa mo ito.  Nasa eroplano na ako. kasama si Dad...

RD.

Sumakay na ako sa kotse at itinext si Kim, na pumunta sa school garden.  Habang nasa sasakyan ako, di ko napigilan ang sarili ko sa pag-iyak.  Ang hirap iwanan ang taong mahal ko at nagbibigay sigla sa mga araw ko.  Pero kelangan kong magsakripisyo at lumayo muna para naman sa isa pang babaeng mahalaga din sa buhay ko.  Sana lang maintindihan ni Kim ang sitwasyon ko.  Mahal na mahal ko siya.  AT alam kong malakas siya at kaya niyang harapin ang bawat bukas ng masaya habang wala ako. 

Nung hapon na iyon, na cancel ang flight namin dahil sa biglang lakas ng ulan.  Kaya na stranded kami sa airport para hintayin ang bukas.  Di ko alam pero, nang mga oras na iyon, bigla akong kinabahan,.  Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko.  Di ko napigilan ang umiyak,.  Nag aalala ako.  PAkiramdam ko may maling nangyari kay Kim.  Biglang naramdaman ko ang yakap ni Dad sa akin.  Bulong siya ng bulong, na ok lang daw si Kim, magiging ok daw ang lahat sa amin, magtiwala land daw ako.  Di ko napigilan ang sarili ko, lalong umagos ang luha sa mata ko.  Siguro dahil, ito ang unang pagkakataon na, naramdaman ko ang pag-aalala sa akin ni Dad,  ito ang unang pagkakataon na naramdaman ko na may Dad ako. 

Time after time......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon