POPOY'S POV____
Ang saya saya maging bata, laro doon, laro dito, taya siya, taya ako, takbo dyan, takbo pa doon. Malaya akong nakakapaglaro ng kahit ano at kahit anong oras. Ang sarap ng buhay ng isang ordinaryong bata gaya ko.
Matapos ang isang masaya at nakakapagod na maghapon ng araw na ito, kinailangan ko ng umuwi para magpahinga, kumain at maglinis ng katawan.. Sa paghakbang ng mga paa ko, pauwi sa bahay, may nakita akong isang batang babaeng umiiyak, nakakaawa siyang tingnan.
"Bata bata bakit ka umiiyak? dyan ba ang bahay mo?? bakit di ka napasok sa loob?"
*huk... huk... huk,,,*
"Bata wag ka ng umiyak, gusto mo maglaro tayo?"
*huk... huk... huk,,,*
"Bata napagalitan ka ba ng mommy mo kaya ka umiiyak??"
*huk... huk... huk,,,*
Pinagmasdan ko sya.. pero iyak lang talaga siya ng iyak, hindi nga nya ako kinakausap, kahit isang sagot lang sa napakarami kong tinanong, di niya nasagot. Ayaw niya siguro makipaglaro sa akin. Uwi na lang ako.
"Sige bata uwi na ako, baka hinahanap na ako ni mama"
*huk... huk... huk,,, huk..huk.. aha huhuhuuhu huk, aha huhuhuhu*
"Bata!! naku bakit lalo kang umiyak??, wag ka ng umiyak, bata. Baka akala nila pinaiyak kita eh"
*huk... huk... huk,,,*
"Alam ko na siguro nagugutom ka no?? kukuha ako ng maraming candies, chocolate at snacks sa bahay. Diyan ka muna hah"
*silence*
Tumigil siya sa pag-iyak, pero hindi pa rin siya sumasagot. Tama!! baka gusto nya ng chocolates kaya siya tumigil..
Dali dali akong umuwi para kumuha ng maraming chocolates.
"Cedrick, san ka na naman pupunta??, bakit ang dami mong dalang pagkain?"
"Mama, ibibigay ko po ito sa batang umiiyak.. sige mama aalis na po ako"
"Cedrick!!!! anak!!! sige umuwi ka agad bago mag gabi"
Di ko na narinig ang sinabi ni mama, binilisan kong maglakad, at ayun nandun pa nga yung bata, pero hindi na sya umiiyak, iniintay ba niya ako?
"Bata, ito oh chocolates"
Umiling lang sya. Pero di sya umiimik, kala ko pa naman gusto niya ng chocolates.
"Bata ito na lang candies"
Umiling ulit siya. Ibig sabihin ayaw niya.
"Bata, ito nova, piatos, cheezring, roller coaster, chiz it, ahmmm.. ito lahat ito sayo na lang"
Umiling ulit siya. Mukhang ayaw niya talaga akong maging kalaro. Ayaw niya siguro sa akin. Susuko na sana ako, at uuwi na lang, nang biglang nalaglag ang isang piraso ng pulvoron.
"Ano yan?"
Nagulat ako!, bigla siyang nagsalita. Ang ganda ng boses nya,
"Bata ano yan?"
Nagsalita ulit siya.
"Ah, eh,, ah.. ito ba?"
Tumango tango lang siya, habang nakatingin sa nalaglag na pulvoron.
"Ito! pulvoron ito. gusto mo?"
"Makakain ba iyan"
Pulvoron??? di niya alam???