KIM'S POV
lakad lakad.. Bakit ganito.. di ko mapaliwanag yung nararamdaman ko nung nagdikit yung lips namin.. short for kiss.. PArang nahihiya ako na naiilang na kinikilig... Ayyy.. nakakaloka naman,, pero super miss ko talaga si RD.. Lakad pa.. lakad...
"Kim!! Kim!!"
"Excuse me?? ako ba yung tinata...... Erwin??"
"Kim.. I miss you!"
Bigla akong niyakap ni Erwin..
"Erwin bakit ka nandito??"
"Kim long story,, nag lunch ka na ba???"
"Actually hindi pa eh"
"Sige tarah!!"
Hinila hila niya kamay ko...
"Teka, nagmamadali??"
"Kim, gutom na din kasi ako eh, dun may malapit na resto.. treat kita"
"Ayyy.. sige ba.... gusto ko yan.."
Sa Resto...
"Erwin, bakit ka nga ba nandito? kamusta na yung sak..."
"Kim, magaling na ako,, nagpagaling ako sa states, at ngayon malakas na malakas na ako"
"Erwin,, buti naman kung ganon! masaya ako para sayo.. eh,bakit ka nandito?"
"Hinanap talaga kita Kim.. actually galing na ako sa bahay mo, at sabi ng mama mo nandun ka daw sa ospital"
"Ah.. oo si RD kasi... teka... si RD nga pala.. siguradong hinahanap na ako nun.. baka gutom na din yung taong yun.. naku,, kelangan.."
"Kim, wag kang mag alala, mag papa take out na lang tayo para sa kanya, pero ngayon gusto muna kitang kausapin.."
"Tungkol saan..??"
"Eto oh!!"
May binigay sa akin si Erwin na isang sobre.. isang invitation.. isang wedding invitation??
"Erwin?? ikakasal ka na?"
"Oo Kim., nung nagpunta ako ng states, may nakilala akong babae, kagaya mo siya masiyahin, maganda at masarap mahalin"
Nagblush naman ako sa sinabi ni Erwin.
"Talaga, eh nasaan siya,, naku actually busy kami ngayon eh, nandun sya sa bahay, nag li live-in na kasi kami, nag-aayos kami ng mga kelangan para sa wedding, pero pag may time ka.. ipapakilala kita sa kanya"
"Ah, sige ba.. teka, abay ako sa wedding mo?"
"Oo at ang escort mo syempre ay si RD"
"Hahaha,, adik ka talaga.. ang bilis ng panahon noh. ikakasal ka na ngayon"
"Oo nga eh, pero Kim, mahal pa din kita,, ikaw yung 1st love ko eh, at 1st love never dies. kaya Kim sabihin mo lang sa akin.. uurong ako sa kasal para sayo.."
"Arrgg"
Nabulunan ako sa sinabi ni Erwin..
"Ahehehe.. oh ito tubig,, joke lang yun,, Kim. "
"Grabe ka hah.. nabulunan tuloy ako sa sinabi mo."
Siguro 1 hour din kaming kumain at nagchikahan nitong si Erwin.. Grabeh. nakakatawa siya.. puro pa rin siya kalokohan.. At infairness nagbago na nga siya,, di na siya yung sakitin na nakilala ko non.. nakakatawa siya.. Sinamahan niya ako sa ospital, dala yung take out food namin para kay RD.
Nakatalukbong ng kumot si RD.. baka nakatulog sya, sa kahihintay.
"RD.. nandito na ako"
Bigla niyang inalis yung kumot na parang batang excited maglaro..