RD'S POV
Nandito ako sa labas ng company na pinagtatrabahuhan ni Kim, isang buwan na yung lumipas mula nung naospital ako at nagka ayos kami ng future wife ko na si Kim. Bilis noh? At hanggang ganito na lang muna kami, ipinagpapatuloy namin yung college time namin, tapos ang daily routine, hahatid ko siya sa campus nila, then sunduin ko siya pag lunch, then hatid ko naman sya sa company, then sunduin ko sya every 6 pm. then sabay kami mag didinner.. at ayun na nga ang daily routine..
At thanks God, Sunday na bukas,. Ang pinaka hihintay kong araw.. ang Day namin ni Kim..
"RD!!"
"Kim, ano pagod ka ba?? gutom ka na ba?"
"RD?? bine baby mo ako masyado? araw araw hah!"
"Baby naman talaga kita eh, kelan mo ba sasagutin ako?"
"Naiinip ka na ba? napapagod??? Nagsasa......"
"Naku Kim!! ako ba ang tinatanong mo?? hindi yan?? ako pa"
"Weh?? akala ko naiinip ka na eh"
"Hindi noh, tara na nga.. "
Hinila ko kamay ni Kim, dadalhin ko na siya sa pinaka malapit na simbahan. Ekzzzdieee.. Syempre joke lang yun. Nag dinner kami sa Resto.. Kulitan, Lambingan,, ayun busog kami pareho...
"uwi na tayo Kim?"
"RD!! ayaw ko pang umuwi"
"Bakit naman? gusto mo pa akong makasama noh?"
"Spell asa? "
"Sus! Pakipot ka pa hah!"
"Pakipot.. duh??"
"Alam ko na., tara sa car dali"
hinila ko ulit kamay nya, kasi mabagal maglakad itong si Kim, ang kupad..eh pero mahal ko talaga..
"Saan tayo pupunta?"
"Sikreto"
"Sya ako ay bababa na"
"Kim, pag bumaba ka naku, magsisisi ka"
"Weh?? sige na kasi saan tayo pupunta hah?"
"Basta wag ka na maingay dyan"
KIM'S POV
"RD anong ginagawa natin dito sa beach?? mag na night swimming? eeeehh.. ang lamig!!"
Sinuot sa akin ni RD yung dala nyang jacket. Sobrang nilalamig talaga ako. TApos hinila niya kamay ko.
"Kim dali, tara dun"
Bakit ba lagi na lang niya hinihila kamay ko?? hello?? babae kaya ako, at naka heels pa? sakit kaya sa paa .. pero bakit ganun, pag si RD na ang humila at humawak sa kamay ko, di ko magawang magreklamo,, di ko magawang bumitaw....
"Kim, upo tayo"
"Sa lupa??"
"May nakita ka bang upuan??"
"RD naman?? "
"Joke lang Kim,"
Umupo kami sa tabing dagat,, konti na lang ang tao, malamig kasi para mag night swimming. Tumingin ako kay RD, di siya nagsasalita, nakatingin lang siya sa kung saang parte ng dagat. Ang gwapo niya talaga. Ayyy.. naku naman.. PEro ang cute nya talaga, lalo na kapag ganito,, yung seryoso siya.. Ang gwapo niya.
"Kim, baka matunaw ako"
Hinampas ko nga,,
"Kapal hah!"
"Kim..."
teka bakit parang ang seryoso ng boses nitong si RD.?
"Bakit?"
"Next week ikakasal na si Erwin. Si Cedrick at Sophia, mukhang may balak na din? si April at Hiroshi happily ever after na.."
"Oh?? ngayon?"
"Gusto kong tanungin sana kung, willing ka ba na makasama ako forever?"
"RD? bakit mo natanong yan?"
Di sya nagsasalita.. tapos tumingin lang siya sa langit..
"RD?"
"Kim, gusto na kitang pakasalan, pero alam kong di pa pwede. PEro pwede bang, akin ka na lang.. maghihintay ako ng tamang panahon, hihintayin ko na makagraduate tayo pareho.. pero pwede bang,, sabihin mo na akin ka na??"
Di ako makapagsalita,, ang seryoso kasi talaga ni RD, at feel na feel ko ang sincerity ng bawat salita na lumalabas sa bibig niya. TApos bigla pa siya tumingin sa akin... nakatitig lang siya sa akin..
"Kim.. can you be my girl??"
Di ako makasalita, sobrang sincere nya.. bakit ganito.. di sya nag jojoke or anything. Basta feel mo talaga na seryoso sya.. Oo RD,, oo,, I want to be your girl friend.. OO... ano ba yan. di ko magalaw labi ko.. di ako makasagot.. pero oo.. oo talaga..
"Kim..?"
Bigla niyang hinawakan ang mukha ko, at nakatitig siya sa akin.. Ang lamig ng mga kamay niya,, di ko napigilan na napatitig na rin sa kanya, Nagdikit yung mga labi namin. At ramdam ko yung passion sa halik niya. Iba ito,, iba pala yung feeling na ito,, yung feeling na.. sa bawat galaw ng labi niya sa labi ko, nararamdaman ko na mahal niya talaga ako. Ramdam na ramdam ko yun, kaya di ko na rin napigilan ang pagpatak ng luha ko. MAsaya ako. Masayang masaya kasi, may nagmamahal sa akin ng ganito.. Ilang minuto pa,, nung naghiwalay ang mga labi naming dalawa.
Niyakap ako ni RD.. Mahigpit na mahigpit.. tapos bumulong siya..
"Kim, please be mine.. be my girl friend.. and soon be my wife"
"Yes!! RD,, yes!! i will"