"Kim ano??? hindi mo na siya gusto??"
"Kim naman ano ka ba?? wag mong sabihing all this time pinapaasa mo lang si R-D sa wala?"
"April.. Oo di ko na siya gusto at Sophia, di ko siya pinapaasa sa wala .. kasi....."
April/Sophia: kasi ano???
"Kasi i think i'm inlove na!!"
"Talaga???"
"Oo April, inlove na ako"
"Wow, Kim, sabi ko na nga ba eh"
"Sophia, ganito pala ang feeling ng inlove.. masaya, masaya, masaya,, basta masaya!!!"
"Oo Kim, masaya din ako para sa inyo"
"Eh, Kim, kelan mo siya balak sagutin??"
"Ahmmm... teka.... teka lang hah!! pwedeng kiligin muna???"
"Ang O.A mo Kim, sige na mag kilig factor ka muna dyan"
"Ayeeehhh.. ayeeehhh.. mahal ko na talaga siya"
"Kim, ayeeh talaga?? with matching blushing.. naks.. kilig to the bones na yan ah..."
"Sophia, hindi lang basta kilig yan... wagas na kilig ang tawag dyan, tamo oh, parang nilalamig lang"
"hahahaha.. hahahahha"
"Tawanan nyo lang akong dalwa .. ok lang..."
"sus!! Eh Kim kelan mo nga ba balak sabihin kay R-D yang feelings mo??"
"ah.. eh.. ewan.. parang di pa ako ready, Sophia"
"Kim naman, di pa ready,?? almost two months kayong magkasama, tapos ilang linggo ka ng nililigawan ni R-D, tapos ngayon inlove ka na, di pa rin ready?"
"April natatakot kasi ako eh."
"Hah> saan naman?"
"April, Sophia. kasi paano kung makakita siya ng ibang mas maganda, mas sexy?? paano naman ako?"
"ayyyy.. ewan ko sayo.. paano naman kung mapagod sya sa pag-iintay sa matamis mong oo..."
"at paano kung kapag nainip siya, maghanap nga siya ng iba??"
"naman, April at Sophia, naku, lagot siya sa akin pag ginawa niya yun"
"Sus!! pamayang gabi, dapat sagutin mo na siya!! "
"april?? paano?"
"bahala na!!"
At ayun nga nung gabi ding yun, naglaro kami ng truth or consequence. Kaya lang natakot pa din akong sagutin ang tanong ni April kaya ito kami ngayon nasa harap ng hapag kainan, pero ewan parang ang lungkot ko. Si R-D, di niya ginagalaw ang foods niya. Kung inamin ko na kaya kanina??? naku tama lang siguro na wag muna. Ayyy!!! ang gulo naman..
"Ahm.. wala akong gana, busog pa ako, una na ako sa kwarto hah! parang pagod na ako eh"
"R-D, teka wala ka pang nakakain ah!"
"Ok lang po, DAd! busog na po ako kanina sa miryenda"
Umalis na si R-D, at ayun parang may kung anong kabog sa dibdib ko na hindi ko maintindihan. "parang pagod na ako" anong ibig niyang sabihin?? sa akin ba siya pagod?? naku.. hindi naman siguro.
"Kim, ikaw bakit parang di mo ginagalaw din ang foods mo??"
"Ahmm.. ma!! kasi po.. parang inaantok na po ako, sige po punta na po ako sa kwarto"
"teka Kim... blah..blah...."
di ko narinig ang sinasabi nina Mama. Basta nawalan na din ako ng ganang kumain. Gusto kong puntahan si R-D, para kausapin siya. "parang pagod na ako""parang pagod na ako""parang pagod na ako". Ano ba naman, parang sirang plakang nagpeplay sa kokote ko ah. Please naman wag ka namang mapagod sa akin R-D. Nakasandal lang ako dito sa labas ng pinto ng kwarto naming mga girls, habang nakatitig sa tapat na pinto ng kwarto ng mga boys.
RD's POV_______
Wala talaga akong gana ngayon. Ano bang araw ito.? parang pinaglalaruan ako. Ayaw ko munang makita si Kim. kasi.... kasi.... ayyyy pootttteeeekkk.. ito na naman ako, ang pasaway kong mata nagluluha na naman. Grabe paano na lang kung personal kong marinig mula kay Kim ang katagang, Hindi na kita gusto, hindi kita gusto. ayyyyy.. siguradong end of the world na. Di ko mapigilan, bakit ba ang adik ng luhang ito, ayaw huminto sa pagdaloy ah. Napahiga na lang ako sa kama. Nagsaklob ng kumot!!. Ayaw ko na. Ayaw ko ng makita muna si Kim. Hindi pa ako handang mareject niya. Ang sakit naman oh!! dude.. ang sakit na talaga. Para akong namanhid na ewan. basta tanging sakit lang ng puso ang nararamdaman ko ngayon. Ganito na lang ba>?? mula elementary ako, si Kim na ang babaeng nakasulat sa listahan ng mga plano ko para sa future, siya na ang nakapinta sa isipan ko, siya din ang babaeng gusto kong bigyan ng singsing at sabihan na will you marry me.?? siya ang babaeng panaginip ko, at siya din ang babaeng dahilan ng paggising ko. Hanggang ngayon, ganito pa rin ako. Ayaw kong mapagod, kasi hindi ko talaga kayang mapagod kung si Kim ang dahilan. Pero?? paano kung nahihirapan na pala si Kim sa akin, kung nakukulitan na siya.?? Pwede ko syang pakawalan any time, kung sasabihin lang niya.
Pootteeekkk na luha ka naman oh.. parang bakla lang ah.. ang bakla ko na.. ayaw ko ng umiyak. Mahal kita kim, mahal na mahal...........
KIM's POV ____________
Gusto kong kausapin si R-D, kaya lang, natatakot ako. Ewan basta natatakot akong kumatok sa pinto niya, at kausapin siya, Paano kung sabihin niya na pagod na siya sa akin, at may iba na siyang gusto?? Hindi ko kakayanin yun, siya ang 1st love ko eh,, at ayaw ko ding maheartbroken for the 1st time. Ayyyy.. correction pala, si batang iyakin ang 1st love ko!! kaya lang, di ko alam kung nasaan siya. Kaya si R-D na talaga ang 1st love ko. Ano ba naman ako?? nasisiraan na ata?? Paano ba at kelan ko dapat sabihin kay R-D ang feelings ko.?? Natatakot lang naman ako, na baka magbago siya pag naging kami. Ayyyyy.. ang gulo..
"Kim, bakit pala di ka na kumain kanina ah??"
"ayy.. April kasi, wala akong gana!"
"Dahil wala ding gana si R-D??"
"Ewan ko ba Sophia. parang may mali!!"
"anong mali??"
"ewan,. pwedeng matulog na?? pagod na ako sa kaiisip"
"Ok, Kim, bukas na lang tayo mag chikahan, Good night Sophia, good night Kim"
"Good night April"
Di na ako nagsalita, nagtalukbong na lang ako ng kumot. Wala talaga ako sa mood......
Dear God, sana po maging ok na ang lahat bukas. Sana po bumalik na si R-D sa dati, yung makulit at masiglang R-D, at sana po masabi ko na kay R-D ang feelings ko. Sleep na po ako, good night po... I love you...