kasi naman... Chapter 3

467 7 3
                                    

Spell Boring???

Balik na sana ako ngayon sa classroom, para mag attend ng 3 subjects, kaya lang may 10 minutes pa bago mag start yung next subject class namin, so siguro magpapahulas muna ako sa garden.. "Garden is my favorite tambayan..  ang ganda kasi ng garden ng campus eh, ang mga pictures ko nga sa fb, puro taken sa garden.  Ang gaganda ng bulaklak, tapos, ang sariwa ng ha........................

"R-D, please naman act as my boyfriend.. nakalimutan mo na ba?? you are my boyfriend, bakit mo ba ako binabalewala, iparamdam mo naman sa akin na girlfriend mo ako, gaya ng dati"

"Pwede ba Sophia, kung ano man yung dating tayo, dati yon, iba na ang sitwasyon natin ngayon,"

ayyyyy.. si mr. yabang at si ms. ganda ba yun?? di naman ako chismosa di ba?? nagkataon lang na narinig ko yung pag - uusap nila.  Dito pa talaga sa favorite tambayan ko, hay!! unexpected nga naman, pero tama, gusto kong malaman yung mga sagot sa mga tanong ko kanina, about sa kanila, siguro ito na yung time.. Nagtago ako sa likod ng malagong halaman na medyo malapit sa kanila, para marinig ko ng maayos..  ayyyy.. mukha na ata akong chismosa talaga?? pero gusto ko lang naman ng sagot eh.

"R-D, sorry na kung nagkamali man ako sayo before, pero R-D, di ba sabi mo napatawad mo na ako??, sabi mo pa, magsimula tayo muli??, sabi mo tayo na lang dalwa ulit?"

"Pwede ba Sophia!!, sinabi ko lang yun para hindi ka magmukhang tanga sa mga tao sa paligid mo, para hindi ka maging kawawa sa paningin nila, at para hindi mo na iyakan ang lalaking ipinalit mo sa akin, na niloko ka din naman"

"R-D, huk*, sorry na, please, huk*, ibalik na natin yung dating tayo"

"Pwede ba Sophia, ayaw ko ng iniiyakan ako, eh. Anong dating tayo?? hindi ko na kayang mahalin ka tulad ng dati.  Iba na ako Sophia"

"R-D, nahihirapan na ako ng ganito"

"Sophia, wag mo akong sumbatan na nahihirapan ka na, kasi madali akong kausap, kung gusto mo ng break-up, eh di mag....."

"No!! R-D, hindi .. ayaw ko ng break - up!! akin ka lang R-D. huk*, akin ka lang, huk*"

*Beeeppp*

Ano ba yan, pooottteeekkk na cellphone to' ngayon pa tumunog,  siguro naman di nila narinig, naka beep once lang naman to' .. kaya lang naka volume 5.. tyming kasi masyado mag txt.. sino b........

"Hei, sino ka?? anong ginagawa mo dyan??"

"Ah,, ah... eh.. ih.. oh..uh!!"

"alam mo kung balak mong kabisaduhin ang a-ba-ka-da, di ba dapat umaattend ka ng class mo??"

"Ayyy.. oo nga pala speaking of class, my klase na kami, sige hah, una na ako"

"hep!!"  aray naman, hinila ba naman ang braso ko.

"Ahmm. bakit?? aray!! masakit, bitiwan mo ako"

"Nakikinig ka ng usapan namin noh?? tutal naman nandito ka na din, pwede ba patahanin mo sa pag -iyak si Sophia?? hah!! may klase pa ako, dyan na kayo"

"Pero.. teka lang hoy, may klase din ako, hoi,, tek...................."

"ahmm. huk*, ok lng ako ms. pwede mo na akong iwanan huk*, "

Naku naman, nakakakonsensya namang iwanan itong babaeng ito. iyak sya ng iyak..

"ahm, So-sophia?.. sorry hah, kung nakinig ako sa pag-uusap nyo kanina, pwede bang makiupo muna dito, kasi naman, ahmmm. ang totoo nyan, nung nakita ko kayo sa canteen kanina, nagtaka ako kung bakit ganun ang trato sayo ni R-D, di ba boyfriend mo sya at......"

Time after time......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon