chapter 47 .........

146 1 0
                                    

<<<< dun po sa mga readers na nagtatanong ng something about the 1st chapter of this story,,  ito na po yun.. >>>

>>> sorry din po kung late ang aking pag update hah!! talagang, dami ko po kasing ginagawa ngayon, nag wowork po kasi ako, at dami ko pong typing na documents.. <<<

..................................................................................................................................................................................

After three years..Di ko mai-magine na magtatagpo pang muli ang aming landas, na makikita ko muli sya, na maririnig ko  yung boses nya at never din sumagi sa isipan ko na sa pangyayaring ito, sa isang iglap, lahat ng ala-ala masasariwa, mga ala-alang tatlong taon ko ding pilit binabaon sa limot..

Eto ako (si Kim) ngayon, nakaupo, hawak-hawak ang napakagandang  bouquet na toh.  Actually di ko inaasahan na ako yung makakasalo nito nung inihagis ito ng tropa kong bride, (si April)  iwas na iwas nga ako sa pagsalo.. kaya lang dahil sinuswerte nga naman ako, sakin pa rin tumapat to'ng bouquet na toh,. Look at this guy (si RD) oh, nakaluhod na sya ngayon sa harapan ko hawak  yung garter na nasalo nya sa groom (si hiroshi), nakatingin sya sa akin, habang iniintay yung sasabihin ng Emcee kung ano yung gagawin namin dito.  Ang aning lang kasi, ang tagal - tagal magsalita.  Tapos itong lalaking to' kung makatingin para bang ipinipinta nya yung mukha ko sa isipan nya, *tunaw na oh!! tunaw na ang mukha ko*..

Ang awkward naman kasi sa dami daming lalaking pwedeng sumalo ng garter, bakit sya pa?.  Sinadya ba nyang saluhin?? o gaya ko lang sinuwerte lang din sya or para mas magandang pakinggan minalas lang, ay!!! ang tagal naman ng announcement ng pa VIP masyadong Emcee na toh'!!!  Nakakangawit umupo dito, tapos yung attention ng mga tao, na samin lang. Naks!! feeling artista lang men...

"I miss you"...

hah???? ano daw??? I miss you daw?? sabi nitong lalaking to'.  Tama ba yung narinig ko.. Ano ba yan, gusto kong magsalita pero wala, as in walang nalabas na boses sa bibig ko.  Parang namanhid bigla katawan ko ah, di ako makapag react, I miss you??? ganun na lang yun.. pagkatapos ng lahat.. I miss you.. What the...............

<<<<<<<<<<<<<<<<<< tanda nyo pa ba ang part na ito...?? ahahahah.. ito yung 1st chapter ng story.. kung naaalala nyo..??? kung hindi balik kayo sa 1st page.. ahahaha..,<<<<<<<<<<<<<<<<<<<hahah.. padaan lang...

"I miss you" "I miss you" "I miss you" "I miss you" "I miss you" "I miss you" "I miss you" "I miss you" "I miss you" "I miss you" "I miss you" ayyyy.. kelangan talagang mag echo?? oh mag play paulit ulit sa isipan ko ang katagang "I miss you??" 

Sorry ang gusto kong marinig, sorry lang.. kahit isa lang...

"Mr. Romnick Dee, pwede mo ng isuot sa kanya ang garter"

Ayaw ko.. ayaw ko talaga..  Pero di bale makinis naman binti ko, mag laway ka..   Ayyyy.. ano ba namang napasok sa isip ko.  

Ayan na, isinusuot na niya.. ayan na...

"Higher!! Higher!!"

Ano ba?? kelangan talagang sabay sabay sumigaw?? pa higher higher pa.. eh,, kung kayo kaya ang umupo dito..

"Higher.. higher!!"

Kelangan talaga paulit ulit...????

Teka naman?? yung garter nasa tuhod ko na.. stop na dyan.. stop na...

"Higher,,, higher!!"

Mga sira kayong lahat,, stop na.. stop na..  Nakaka tense naman.  1st time ko ma experience ito.  Dati isa lang ako sa mga nakikisigaw ng higher!! higher!! eeeeeehhhh.. naman ganito pala ang pakiramdam..  spell Karma??

"Kim??"

Anla pa!! kelangan talagang tawagin ang pangalan ko?? RD naman, galit ako,, galit ako sayo..

"Kim, kausapin mo naman ako!"

Yung mga tao lalong   nagtinginan sa amin nung nagsalita si RD.  Hey!! ano ito teleserye lang??  artista?? sikat kami?? sikat?? gusto niyo authograph?? picture picture kaya??  Syempre di ako nagsalita.. di ko na nga alam bigkasin ang <<ah.. eh... ih...>  di ako makapag salita.. para akong namanhid na ewan.

"Ok na yan.  Now, kelangang pumunta kayo dito fresh couple. April and Hiroshi,  then dito naman kayo Miss Kim and Rd"  nagsalita si Emcee  panira ng moment naman oh..

 kelangan talaga may pwesto??  < Hiroshi nakaharap kay April.. then nakatalikod ako kay April at nakaharap kay RD >  Wow!! ano ito?? si RD nakatitig lang siya sa akin, yung mukha ko,, parang nag iinit... blushing..

"Ok, konting lapit naman,, for picture taking lang"  sabi na naman ni Emcee..

yung camera man, naka stand by sya.  TApos may binubulong kay Emcee.. ano naman kaya yun??

"Ok,  katuwaan lang naman ito, pwede bang nose to nose kayo?"

"nose to nose.. nose to nose.. nose to nose."

Mga audience nga naman oh.. anong nose to nose.. kelangan laging chorus.. sabay sabay lagi.. pedi isa isa lang...  nose to nose your face..  ano kami vhong and anne..???

tapos biglang lumapit si RD, inilapat niya ilong niya sa ilong ko, .,. syempre nagulat si ako.  Kasi busy ako sa paglingon lingon sa mga nagsisigawang mga tao.   Ano ito, ang bilis ng tibok ng puso ko,.  tapos biglang may pumatak na luha sa mata ko.  bakit ganito??

Di ko na kinaya ang pakiramdam ko, sasabog na talaga ako, kaya nagtatakbo na ako, palayo.  Siguro nagulat ang mga tao sa ginawa ko.  Pero, di ko na talaga matiis, naiyak  na ako.  Pumasok ako sa car at doon ako nag iiyak.

Lahat ng sakit, naramdaman ko,.  Lahat ng masasakit na ala-ala nag flashback sa isipan ko.  Sobrang sakit.. 

"Kim!!"

Kinakatok ni RD ang salamin ng car, tinatawag niya ako ng paulit-ulit,  pero.. di ko na siya kayang makita.  di ko siya kayang harapin ngayon.  Galit ako eh.. galit ako.. kasi iniwanan niya ako dati.  galit ako sa kanya.  kasi di man lang niya mabigkas ang salitang sorry.  Galit ako kasi gusto ko siyang kausapin para marinig ang explanation niya pero di ko kayang gawin., at galit ako.. kasi hanggang ngayon mahal ko pa rin siya. 

Time after time......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon