"Kim, R-D, musta naman ang araw ninyo ah?"
"Mama Leah, ito po sobrang pagod at....... medyo gutom po"
"Ayyyy.. ang saya po tita Leah, nakakatuwa pong kasama itong si Kim"
"Aww, wag mong i-tap ang ulo ko, R-D"
"Sorry,"
"Alam nyo nakakatuwa kayong dalwa para kayong bata, oh sha, gutom na ba kayo kamo?, punta kayo sa mesa, maghanda ako ng miryenda, nagluto ako ng isa sa favorite nitong si Kim"
"Yes! Miryenda,"
"Takaw mo talaga R-D, wait palit muna ako ng damit"
"Sige ako din, teka Kim, di ka na ba inaantok?"
"Slight lang"
Kulit much talaga ni R-D, nakakatawa sya, ibang ibang side ang pinakita nya sa akin ngayon. And I really like that, R-D na sumimba, in fairness ang seryoso nya kanina sa simbahan, sa jeep, nung sumakay kami ramdam ko na nangangamba sya, takot ba sya?, pero in the middle of the trip di na, feel ko na cool na sya, pag dating namin sa mall, grabe kitang kita ko na super enjoy sya sa paglalaro, super concentrate pa nga siya habang kinukuha yung maliit na cute na hello kitty eh. At di ako nagkamali, he got it. Ang saya saya talaga nya, parang yung tipong 1st time lang nya na experience lahat ng yun. Siguro nga 1st time nya lang yun, kasi pareho kami eh, yung Dad nya busy din sa work gaya ng parents ko, pero ako si Mama naman yung kasama ko pag nagmo-mall, once a month, pero di kami naglalaro hah! si Popoy ang kasama ko lagi pag sa mga ganung kalokohan. Pero speaking of Mama, asan kaya ang Mama ni R-D????
Habang bumababa ako sa hagdan naamoy ko ang mabangong spagetti na prepared ni Mama Leah, na excite tuloy ako, kaya supah takbo na ako papuntang table and taran!!! nakahanda na nga ang spagetti, one of my favorite foods. uber..
"Kim, ayan na ang plate"
"Thanks mama Leah, hmmmm.. amoy pa lang nakakabusog na"
"The best talaga ang mga foods dito sa bahay mo Kim, ayaw ko ng matapos ang 2 months stay ko dito"
"asus! Ikaw talaga Iho, sha sige, Kim, dyan muna kayo, mag-aayos lang ako ng mga damit sa sampayan"
"Yes! Mama Leah"
Kain lang kami ni R-D, walang umiimik sa amin, siguro kasi sarap na sarap din si R-D sa spagetti gaya ko. Gusto ko syang tanungin about sa Mama niya, kaya lang di ko alam kung paano simulan.
"Kim, the best!! ito na ang pinakamasarap na spagetti na natikman ko sa buong buhay ko!"
"Ah, sinabi mo pa, favorite namin ito ni Popoy eh, ah. speaking of Popoy pala, ano na kayang nangyari dun??"
"Gusto mo puntahan natin, after"
"Ah, yeah, nice idea yan"
Grabe 5:30 pm na din pala, ang bilis ng oras, pansin ko sa labas mukhang kulimlim, parang uulan.. di ko man lang naalala si Popoy. Nakakamiss si Bestfriend.
"Oh! Kim, may problema ka? nakakunot na naman mukha mo oh"
"Ah, wala wala, ahmm. tapos na ako, kain ka lang dyan, kuha lang ako ng lalagyan para madalhan ko si Popoy nitong spagetti"
"Tapos ka na agad???"
"Yeah, busog na ako oh!!"
Habang nagbabalot ako ng spagetti, napapatingin ako kay R-D, gusto ko talagang malaman kung nasaan ang mama niya. Bakit Dad lang niya ang kasama niya. Haayyyy.. ano ba yan, bigla namang umulan, ang lakas lakas, kaya naman pala ang dilim na sa labas eh, pero kanina ang ganda ganda ng sikat ng araw. Pero sa totoo lang i really love rain. Paglingon ko kay R-D, di na nya ginagalaw ang spagetti nya. Siguro busog na.