After taking a bath? Here I am now, sitting in front of the mirror. Gusto ko kasing magmukhang presentable ngayon, lalo na at si R-D na habulin ng chicks ang kasama ko. Naku, baka kuyugin na naman kami ng flirt na girls. I admit, ang wafu naman talaga ni R-D, kapag tumitingin sya sa akin, wala na, parang ice cream na lang ako, matutunaw na. yung smile nya? oh my!!!! killer talaga as in!!, kaya lang nakakapanibago talaga sya, ibang iba sya, super! Yung R-D sa school, ang sungit, pilosopo at ang yabang. Nakakainis for short. Pero itong R-D na kasama ko ngayon,? Iba talaga eh, mabait, may sense of humor din minsan, at wafu talaga, nakaka..................????? Whatever, No Way!!! Duh!! Pero nagsisimula ko na syang magustuhan... as friend sana di na bumalik yung pagiging masungit nya. And oh!! I love this mirror, ang ganda ko,!! then naglagay ako ng konting lipgloss, nagcream ako ng face, then konting blush on!!! Then, I curl my hair. Tingin sa mirror! and oh!!! WoW Kim ikaw ba yan?? ganda mo ah!! ahahahha, pinuri ang sarili noh!! Time to Dress Up!. *striped girly poloshirt , color nya combined pink and violet, then black skinny jeans, then dark brown doll shoes.* Tik. tak,. tik.. tak.. Oh gosh!! 42 minutes, n lang pala ang remaining time, bago mag start ang mass.. Bagal bagal ko kasi talaga eh..
Nagknock-knock ako sa kwarto ni R-D, pero wala na sya dun. Siguro iniwan na ako??.. Baba ng hagdanan... and... look!! nakatayo si R-D sa baba ng stairs, nakatingin lang sya sa akin. Ano ba yan? parang magdedebut lang ako, tapos sya yung escort ko. Ayan, na dahan-dahan ang pagbaba ko ng hagdan, habang nakatingin sya.
"Kim??? parang naglalakad lang sa buwan ah!"
"Ayyy.. sorry naman, halika na nga.. panira ka eh"
Nauna na ako sa labas ng pinto, then nauna ako naglakad. Kasi naman eh, nasa gitna na ako ng imagination ko, tapos sinira lang nya. Ganda na eh.
"Wait lang Kim, anong panira?"
"Wala yun, bilisan mo nga, ma-lelate na tayo sa mass"
"OK!"
R-D'S POV_________________
Oh! Wow, ang ganda ni Kim, simple lang ang porma nya, bagay sa kanya ang curly hair. Nag-ayos ba talaga sya para sa akin?? Naku, imposible yan. Bakit ang bagal nya bumaba sa hagdan?? tapos parang lutang ang isip nya?? anong meron?? Sinabihan ko sya kung naglalakad sya sa buwan, tapos panira daw ako sagot niya sabay walk out na, at ito na kami sabay kaming naglalakad papunta sa church, walking distance lang naman kasi ang simbahan dito eh. Siguro mga 25-30 mins. nandun ka na,, pero kapag mabilis ka naman mag lakad o tumatakbo ka papunta dun , 15 mins. nandun ka na, pero kapag may kasama ka namang matanda?? ahhhmmmm.. mag tricycle ka na lang! Nakakatawa naman mga naiisip ko.
"R-D, bakit ka nakangiti dyan? tumatawa mag-isa?? share mo naman happiness mo!"
"wala Kim, may naalala lang, ahmm... Kim matanong ko lang, bakit 2nd section ka lang?"
"Bakit mo naman alam na 2nd section ako,? pwede namang 3rd, 4th, 5th or 1st section?"
"Alam kong 2nd Section ka, pero bakit di ka nag-eenroll sa 1st section? di ba qualified ang grades mo?"
"Bakit mo naman naisipang itanong?? ikaw ano bang section mo? di ba Señior ka din?"
"1st section ako!"
"Ah talaga??? Wow genius pala ang kasama ko eh"
"Genius?? eh mas matataas nga ang grades mo sa akin eh"
"Huh!! paano mo nalaman?"
"Basta, narinig ko kasi sa mga teachers sa faculty before na qualified daw ang average mo sa 1st section, pero kahit daw ilista ka nila sa 1st section,. pagdating ng enrollment, nagpapatransfer ka daw sa 2nd section, bakit Kim?"