A Good morning :))))))

328 5 3
                                    

Bakit ganun?? Pati ako naiiyak sa nangyari??  Kinuwento sa akin ni April ang lahat lahat, sinabi nya.......

"Kim, ayaw ko naman talaga saktan si Hiroshi eh, ayaw ko lang talaga syang pahirapan at paasahin.  Mahal na mahal ako ni Hiroshi, alam ko naman yun eh, Nararamdaman ko yun, kaya nga ayaw ko na syang saktan,  sinabi ko na sa kanya na si Cedrick talaga ang gusto ko.  Tama Kim si Cedrick lang talaga ang gusto ko noon pa man, kahit na sinusungitan nya ako, binabalewala, iniiwasan, kahit ano pa, si Cedrick lang talaga ang mahal ko. Kim"

Bakit ganun? GAnun ba talaga kalabo at kagulo ang love?  Mahal ka nya, ikaw naman Mahal mo sya, sya naman mahal yung isa, yung isa may mahal ding iba.  Bakit ba di pwedeng kung sino yung mahalin mo? sya na lang din ang magmahal sayo?  Bakit ang gulo?  Wala akong experience sa love na iyan, pero bakit pati ako nasasaktan sa mga nangyari?  Naaawa ako kay Hiroshi, pero di ba dapat matuwa ako? Kasi kaibigan ko sya at alam kong tama na tigilan na nya si April dahil wala syang pag-asa.  Si Popoy naman mukhang wala namang gusto kay April, samantalang si April mahal na mahal nya si Popoy.. Ang gulo naman nila, buti na lang talaga ako, wala akong gusto at sure ako na walang may gusto sa akin.  Haaaayyyy...  kapagod ang araw na ito, ang daming nangyari... And look oh! ang daming stars, ang gaganda nila, favorite ko talaga silipin ang mga friends kong little stars mula dito sa bintana, sila kaya na-iinlove din??? ahahahah.. natatawa na naman ako sa sarili ko! pati stars pinapakealaman, kulit kulit ko talaga.  Eh si Ms. Moon??, sya kaya nainlove na?? sabi sa akin ni Mama LEah nung bata pa lang ako, si Ms. . moon daw inlove kay mr. sun, kaya lang kahit anong gawin nila, di magkatagpo ang mga landas nila, kaya daw nagkakaroon ng eclipse, un lang daw ang time na nagkakasama silang dalwa.  Ang sweet naman nila Ms. Moon at Mr. sun, sana maging maganda ang bukas ko.  Now, here I am, lying in my bed, grabe kapagod talaga ......ZZZZZZZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz..

R-D's POV_________

Haaayy;.  unat unat!! grabe ang taas na ng sikat ng araw, silo ang mga mata ko.  Napasarap ang tulog ko kagabi.   Eh si Kim kaya? gising na ba sya? Ang bilis ng araw, ang 2 months ko nabawasan na naman ng isang araw, pero ok lang yun, at least kasama ko si Kim.

*tok... tok... tok...*

"Kim??? ang aga mo naman mangatok?"

"Ayyy.. kasi po senyorito yung almusal lalamig na, grabe ka tanghali ka na gumising ah!"

"Uyyyy.. concern ka, kasi di pa ako nagbebreakfast hah?"

"Excuse me! si Mama Leah po kasi eh, ayaw akong pakainin hangga't di ka nababa at nagising dyan, kaya bilisan mo nga, gutom na ang tammy ko oh!"

"Ganun ba yun? sa bagay matakaw ka kasi kaya ayaw ka paunahin ni Tita LEah, ubusan mo pa ako eh"

"Oo na lang, bilis na kasi"

"Teka Kim, wag mo akong hilahin"

"Gutom na ako, wag ka ng maarte dyan"

Haaayyy.. ang heaven naman oh! Hawak ni Kim ang right hand ko, grabe lambot ng hand nya, nagamit siguro sya ng joy dishwashing Check sa lambot .. ayyyy.. poooottteeekkk..  Parang huminto ang oras, para bang slow-mo lang kaming natakbo sa isang beach, white sand, walang ibang tao, fresh air, ang lakas ng alon ng dagat, tapos holding hands while running. 

"Ahhhhh!!!!!"

"Hahahahaha... hahahahaha R-D?? nakakatawa ka, 2 steps na lang nalaglag ka pa sa stairs grabe ka,, oh sha una na ako dun sa mesa hah!, para kang timang tulog ka pa ata eh"

Nakakahiya ako, nahulog ako sa hagdan.  Ang bilis kasi ng pangyayari eh, kanina nasa beach lang kami, ayyyy.. sorry imagination ko nga lang pala yun.  Ayan tuloy pinagtawanan ako ni Kim, ang tawa nya heaven din, parang angel na bumaba lang ah!. 

", gruuuugg*

Ang tyan ko nagda-drum na! gutom na pala ako, hindi na ako nakapag-dinner kagabi sa sobrang pagod.   eh.. Breakfast.... here I come..

"R-D, ano na sakit ba?"

"Ok lang, wow! sarap naman ng breakfast, cheesdog + egg+ pandesal na mainit = almusal.  Sarap"

"Uyyy.. tipidin mo pagkuha ng cheesdog hah! mag egg ka na lang ng mag egg, favorite ko cheesdog eh"

"Teka naman Kim, favorite ko rin ang cheesdog eh, share naman tayo"

"Ayaw,, sarap nito eh, ayan oh! oh ito pa!!! sayo na lang mga eggs.."

"Kim naman eh, sige na, sarap nyan eh, mag share ka naman"

Nakatitig lang sa akin si Kim, parang sinasadya nya na inggitin ako,  ginagawa ba nya akong bata ng lagay na yan??  Pero gusto ko talaga ng cheesdog,, ang ginawa ko nag pout ako, tapos pa cute ng konti, tapos sabay sabing...........

"Kim sige na please"

Di sya umiimik, pero pansin kong nagpipigil sya ng pagtawa?? Ano bang itsura ko?? naka-pout lang naman lips ko, then pacute lang,, syempre cute ako nun.. pero bakit,.. bakit.....

"R-D, hahahahahah,, hahahahahah,, aray ko.. sakit ng tyan ko... ahahahaha.. nakakatawa ka"

"Kim, wagas makatawa ah!"

"ahahah.. oh ito na! cheesdog mo, hahahah,, teka,, yaan mo muna akong tumawa mga 3 mins. nakakakatawa ka kasi talaga"

At ayun si Kim, utas na talaga sya ng tawa.  Nakakatawa ba talaga ako?? 3 minutes daw,, nakakatawa naman sya, kakaiba talaga sya,  And look, ang saya saya nya, ang ganda ganda nya tumawa kahit medyo nag-pipink yung pisngi nya. ang Ganda nya talaga kahit anong mood nya. Yayain ko kaya sya lumabas.. sumama kaya sya?? sunday ngayon gusto ko sya makasama magsimba, kahit 2nd mass na.

"R-D, times up! tapos na ang 3 minutes, dami ko natawa dun, bakit ka ba kasi nagpout pout pa dyan,?"

"ayaw mo mamigay ng cheesdog eh, Kim...??"

"Oh ano!?"

"Samahan mo ako,"

"Saan naman?"

"Simba tayo"

"R-D??? tao ka?"

"OO naman, anong tingin mo sa akin?"

"Ah, wala sige ba, basta ba treat mo ako ng pizza after ng mass eh"

"Pizza?? sure, sige dyan ka na, ligo na ako"

"Teka dami pang cheesdog oh!"

"Sa'yo na lang, busog na ako, bilisan mo dyan hah! mag-ayos ka na agad Kim, ayaw kong mahuli sa 2nd mass"

"Ah... ok.."

KIM'S POV____________

Bilisan ko daw, nakakatawa sya, parang excited mag simba.  1st time siguro nya?? katawa naman.  Ang dami pang tirang cheesdog, pero dahil napatingin ako sa relos ko, and 2 hrs. na lang magsisimula na ang 2nd mass, di ko na inubos lahat ng cheesdog, bagal kasi ako mag - ayos eh.  Nice naman pala si R-D eh, nakakatawa, mabait, maka-diyos at cute!, cute??? oo cute sya.  

Lalalalal.lalalalal.. and here I am now, guys welcome to my studio ....Ang bathroom.  Yeah bathroom ang studio ko, dito kasi nakanta ako, sumasayaw, umaarte pa nga eh, kulit ko lang talaga kasi eh, saan ka pa, trip trip lang yan.. saya saya talaga.  Ooppppss.. kelangan kong bilisan ngayon, baka ma-late kami sa mass... lagot ako kay R-D na masungit!!!

Time after time......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon