chapter 51

186 1 0
                                    

Pagdating namin sa states dumiretso agad kami sa bahay nina Mama.  Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang umaakyat ako sa hagdan papunta  sa kwarto ng Mama ko.  Kinakabahan na masaya na excited.  Hawak ko ang tapat ng dibdib ko habang sumusunod kay Dad.  At   Ang bilis ng tibok ng puso ko ngayong nasa harap na kami   ng kwarto ni Mama.  Parang gusto kong lumipad, gusto kong tumalon, para akong bata. 

Nung bumukas ang pinto.......

Napatulala na lang ako, habang nakatingin kay Dad na yakap yakap si Mama..  Nagsimula na akong umiyak nung kunuha ni Dad ang kamay ko para lumapit kay Mama.  Iyak ako ng iyak.  Di ko mapigilan ang patuloy na pag agos ng luha sa mata ko lalo na nung niyakap ako ng Mama ko. 

  Ang ganda nya.  Ang ganda ganda ng Mama ko.  Ang lambing ng mala anghel niyang boses, ang sarap pakinggan sa tuwing babanggitin niya ang pangalan ko.  Ang lambot ng mga kamay niyang dumadampi sa mukha ko.  Ang sarap niyang yakapin..   Tumingin sa akin si Mama.  Nginitian niya ako.  Yung ngiti niyang iyon... Ang pinaka magandang ngiting nakita ko.  Si Mama.  Masayang masaya ako at nakilala ko ang totoo kong Mama.  Di ko mapigilan ang sarili ko.  Muli ko siyang niyakap.  Sabik na sabik ako na makasama ang Mama ko. 

  Sa mga araw na dumadaan, nararamdaman ko ang saya.  Saya na makita at makasama ang iyong pamilya.  Ngayon ko lang naramdaman ang magkaroon ng kompletong pamilya.   Bumuo kami ng masasaya at bagong ala-ala.

   Lumipas ang mga buwan... April na Ngayon, ang buwan na dapat magtatapos ako ng sekondarya at kasama si Kim , magcecelebrate kaming dalwa.  Miss na miss ko na talaga si Kim.  Miss na miss ko na siya.

"Roi anak... bakit ang lalim ng iniisip mo dyan?? may problema ka ba??"

"Ma!. alam nyo po ba ang pakiramdam na aakyat ka ng entablado, tapos kukunin mo yung diploma mo habang nakatingin at nakangiti sayo ang taong pinakamamahal mo?"

Bigla akong niyakap ni Mama, ramdam ko ang lungkot ni mama habang yakap nya ako.

"Anak, sorry hah. sorry kung napabayaan kita.  sorry kung di kita naipaglaban.. kayong dalwa ng dad mo.  Sorry kung dahil sa akin, malungkot ka ngayon. sorry talaga anak.."

Biglang umiyak si Mama habang yakap nya ako.

"Ma, di po ako malungkot, masayang masaya nga po ako at kasama ko kayo ngayon.  Ma wag ka na pong umiyak.."

Nung araw na iyon, sinubukan kong tawagan si Kim gamit ang phone ni Dad , pero, wala,  walang ring.. di ko na talaga sya macontact.  Siguro, nagpalit na sya ng digits.  Miss na miss ko na talaga sya.  Sana masaya sya ngayon.  Sana di sya malungkot,  sana yakap yakap nya si  bebe Mau. 

Time after time......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon