I finally meet again my crush ^_^

211 4 4
                                    

Maya maya bumaba na sa kwarto si Popoy at Sophia, magka holding hands sila??? so it means???  hoorey!!!!

"Mama, Basha!! hatid ko na po si Sophia, gabi na po kasi, baka hanapin siya sa kanila eh"

"Teka, naman anong nangyari Popoy??"

"Basha kwento ko sayo pamaya, sige hatid ko na sya"

"Ba-bye po Tita, bye Kim"

Umalis na sina Popoy, ang saya saya niya, overflowing ang happiness niya. ramdam na ramdam ko talaga.  Sila na ba?? ayeeeehhhh.. kinikilig ako.. para sa kanilang dalwa.  Then biglang pumasok sa loob sina April at Hiroshi and look, magkaholding hands din sila.  Oh gosh!!! don't tell me??

"Kim, Tita, we need to go home na po,"

"Ahm.. april???? anong ??"

"Kim, kwento ko sayo bukas, pagod na ko eh, sakit ng braso ko"

"Tita una na po kami ni April hah! Kim, so pano, dyan ka na??"

"Sige Iho, salamat sa inyo ni April, sa pagtulong ninyo hah!"

Then umuwi na din ako.  Haaayyyy ang daming nangyari, nagkaroon agad ng happy ending ang dalwang love teams.  Kainggit naman!!! kainggit?? ano ba namang iniisip ko?? PAg-uwi ko sa bahay, ayun si R-D, nakalugmok sa sala.  Tulog siya.  Sa bagay gabi na din.   Tinapik tapik ko ang braso niya, para gisingin, grabe ang hirap niya gisingin!!

"R-D, gising na ikaw!!, ui, ui,  lipat ka sa kwarto mo."

Halos pagaw na ako.  Bago pa siya nagising,.

"Kim, oh ikaw pala!"

"Gulat effect ka pa dyan, heller kanina pa ako dito, ginigising ka"

"Bakit naman?"

"Kasi po kelangan mo ng lumipat sa kwarto mo, para matulog, baka malawayan mo pa ang sopa namin eh,"

"Ang bad mo! di naman ako ganun, pagkatapos kong mag-hintay dito sayo,??.........."

"Hah!! maghintay??"

"Wala Kim, sige na akyat na ako sa kwarto"

"Teka R-D, anong maghintay??"

"Kim, matulog ka na din, gigisingin kita ng maaga bukas, kasi linggo, sasamahan mo akong magsimba, at magde-date tayo after the mass"

"Hah??"

di na siya sumagot, diretso na siya sa kwarto niya .  Grabe siya.  anong date???? kami?? date??? kami???. ay anu ba namang isip ito, paulit ulit? unli lang???

Ano ba yan ang aga mang gising ni Mama Leah,.  antok pa ako, gabi na ako nakatulog eh.  Paulit-ulit ang pagtapik sa braso ko.  Kaya lang tinatamad pa talaga ako magmulat ng mata eh.

"Kim, gumising ka na!! ano ba??"

Teka si Mama Leah naging Papa Leah?? bakit boses lalaki??? tapos naninigaw pa??.  Nanaginip ba ako??

"Kim naman eh, ang kulit! gumising ka na dyan, kung hindi halikan kita dyan"

Ayyy.. adik na si Mama LEah, may pa kiss kiss pa na nalalaman eh.  Pero di ako nasisindak, antok pa talaga ako.  Maya ako gigising,,Mga ilang minuto din na tinigilan akong gisingin ni Mama Leah, hayyyy salamat, kaya lang maya maya, naramdaman ko na parang may marshmallow na malamig na malambot ang nakadampi sa labi ko.  Minulat ko ang mata ko and oh!!!!  Si R-D!!!  mabilis niyang inalis ang pagkakahalik sa akin at nagkatinginan lang kaming dalwa.  Isa .... dalwa... mga pitong minutong katahimikan.

"Oh! Kim, nagising ka din, kiss ko lang pala ang makakagising sayo eh"

"Kapal mo!"

"Aray, bakit mo ako binato ng unan??"

Time after time......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon