April's Confession <3

225 3 3
                                    

AHMMMMMMMMMMM...

<<<<<<<<<<<<<--------------------  PA-CLICK PO!!! HAHAHAHA :)))))))

APRIL'S POV______________

Kanina tinawagan ako ni Kim sa Cellphone, ewan ko kung bakit??? saturday ngayon at wala namang homeworks or activities.  So sinagot ko na lang yung tawag niya.  Sabi nya na she and Cedrick need my help.  Kala ko kung anong help ang kelangan niya, yun pala help para magkausap si Sophia at Cedrick, di ba nila alam na ang sakit??? ang sakit???? ayyyy.. oo masakit talaga, ako?? di ba gusto ko Cedrick, tapos tutulong ako para makausap niya ang karibal ko?? no way!!!  Pero biglang nabanggit sa akin ni Kim na tutulong daw si Hiroshi.  Ewan ko ba, parang biglang nagbago ang ihip ng hangin, parang bigla akong na excite na makita si Hiroshi..  Paano kasi ilang linggo na din na hindi niya ako kinukulit. eh....  oo na..aamin na ako, miss ko na ang kakulitan niya at pag-apungot niya sa akin.  Ang boring ng life ko mula nung nilayuan ako ni Hiroshi. 

At ayun, magkakatulong kami nina Kim sa pagdecorate ng kwarto ni Cedrick.  Ang ganda ganda, ang swerte naman ni Ms. campus, ang wafu wafu ni Cedrick at ang bait pa.  Kaya lang tanggap ko na naman eh, na kahit kailan di niya ako nagustuhan.  Noon, alam ko naman na si Kim ang gusto niya eh, deny lang siya ng deny.  Tapos ngayon si Sophia naman.  Oo na!! ako na ang walang appeal kay Cedrick,  kay Hiroshi lang naman nagana ang appeal ko eh..  Speaking of Hiroshi, ang laki na ng pinagbago niya, naging mature na sya kumilos, binatang binata talaga?? ang porma na niya, tapos nandededma na nga siya eh.  Nagmukha siyang hot...  Nakakamiss ang kumag na iyon.  Pag naman magta try akong lumapit, nalayo siya.. tamang iwas talaga eh.  Ang sarap jombagin.

Gabi na, and timing na timing ang pagdating ni Sophia, ayos na ang lahat, ang flowers, ang candles at ang music, pati ang foods,  Wow!! how romantic. Ang sweet,  Pero it's breaking my heart.  Lumabas na kami nina Kim para maiwan sina Sophia at Cedrick.  

At ito ako ngayon, nandito sa labas ng bahay nina Cedrick, naka upo sa swing, ang tahimik ng paligid, at ang daming stars , ang moon ang liwanag din.

"April?"

"Hiroshi?? anong ginagawa mo dito sa labas, bakit di ka manood ng tv sa loob at mag-snack??"

"Gusto kong magpahangin, pwede bang makiupo dito sa isang swing?"

"oo naman?? di ko naman ito pag-aari eh, nakikiupo lang din ako"

Tapos ugoy ugoy lang si Hiroshi ng swing nya gamit ang mga paa niya, di sya nagsasalita.  Nasaan na ba ang dating Hiroshi na madaldal at masayang kasama.  Yung hindi ganito.  Miss na ktia.. miss na miss..

"Hiroshi??"

"huh?"

"Kamusta ka na???"

"Ok lang, ikaw?? "

"ok lang din."

"April, di ka ba nasasaktan ngayon?? yung mahal mo may kausap na ibang babae"

"Hiroshi?? ahm.. medyo, pero wala naman na akong magagawa eh"

Bigla siyang tumayo sa swing at iniabot ang kamay nya sa akin. 

"Can we dance?"

"Pero?? wala namang music"

"Let's just dance. using the beat of it"

Nakaturo ang kamay niya sa tapat ng puso niya.  using the beat of it.  Pwedeng kiligin??? nakakakilig.  Ayyyy! teka bakit naman ako kinikilig???  Iniabot ko ang kamay ko kay Hiroshi at nagsimula kaming sumayaw, inilapit niya ang ulo ko sa dibdib niya. 

"Naririnig mo ba??"

"Ang alin Hiroshi??"

"Ang tibok niya,? alam mo ba kung anong sinasabi niya sayo?"

"Ano naman Hiroshi?"

"My heart is telling you, that I still love you"

Nagulat ako, kaya di ako nakapagsalita.   Pero nanatili ang ulo kong nakatapat sa dibdib niya at pinapinggan ko talaga ang tibok ng puso niya.  Hanggang sa maramdaman ko din ang malakas na pagdugudug ng puso ko.  Pinakiramdaman kong mabuti, at sabay ang bilis ng tibok ng puso naming dalwa.

"April, I miss you"

Inalis ko ang ulo ko sa dibdib niya at sinubukan kong tumingin sa kanya.  May tumulong luha sa mata ko, at di ko napigilang yakapin siya.

"Hiroshi, miss na miss na din kita. miss na miss"

"Oy!! wag ka ngang umiyak, dyan para kang tanga eh"

"Hiroshi eh kung jombagin kita?? umiiyak na nga,, sasabihan mo pang tanga"

"Kasi, matagal ka ng tanga, pakipot ka pa mahal mo din naman ako"

"Hoy, kapal mo, who told you??"

"LAgi kitang nahuhuling natingin sa akin sa classroom, lagi kitang napapansin na sumusunod sa akin pauwi, at lagi ka ding nagttxt sa akin"

"Na rereceive mo ang mga txt ko?"

"Malamang?? sinesend mo eh"

"Eh abnoy ka pala eh, alam mo bang halos ubusin ko ang extra load ko sayo, kasi smart ako at globe ka, kahit pa macheck off ako, nagttxt ako, tapos gago ka Hiroshi di ka nagrereply?"

"Eh, aning ka ba??? di ba nga sabi ko iiwasan muna kita??  Palagay mo pag nag reply aq,, iniwasan kita?? syempre, dedma muna kita"

"Ang eng eng mo din noh??? paano mo nakayang iwasan ako ng ganun??"

"Kasi alam kong gusto mo din ako at nagpapakipot ka pa, gets mo?"

"Eh, aning ka?? alam mo naman pala na gusto na kita, bakit ka sumuko sa panliligaw sa akin??"

"Olags ka ba?? di naman ako tumigil ah, nag pamiss lang??? feeling mo susuko ako agad, kailangan ko lang lumayo muna para naman lumabas ang katotohan at maramdaman mo na gusto mo din ako, na itinatanggi mo lang kasi ang akala mo si Cedrick ang gusto mo"

"Gago ka pala eh, oo gusto din kita, kuha mo?? kaya wag na wag mo ng uulitin yun, kung hindi uupakan kita"

"sadista ka, so tayo na??"

"Oo na, tayo na,,, "

"Talaga april??"

"OO nga eh, sinabing na oo,, gusto pang ulitin?? paulit - ulit??"

Niyakap niya ako.  Grabe di ako makapaniwala ang bilis ng pangyayari,  pero hindi naman mabilis eh, kasi noon pa man alam ko na gusto ko na si Hiroshi, hindi ko lang sinasabi sa kanya kasi masaya ako na sa tuwing sasabihin ko na si Cedrick ang gusto ko, expected ko na, na by tomorrow may sweet surprise na naman sa akin si Hiroshi.  Kung baga eh, gusto ko na kinukulit niya ako.  Gusto ko na lagi siyang nandyan, kasi paano na kung sabihin kong gusto ko na siya noon, eh di hindi na siya todo effort para ligawan ako?? di ba ganun naman talaga ang mga lalaki??? kapag napasagot na ang mga girls, hindi na masyado sweet.  Kaya lang di ko naman inasahan na susuko sya eh, kaya ayun.  Natakot ako na mawala siya sa akin,  na may ligawan siyang iba,  kaya ngayon sinagot ko na siya.  Ang saya saya pala ng pakiramdam na ang taong gusto mo, ay sobrang gustong gusto ka din..   Ang saya ko.!!!

Time after time......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon