I Miss My Bestfriend :((

236 3 1
                                    

Dalwang araw na din na nakakasabay ko na ulit si Popoy sa pagpasok, sa paglunch, sa pag-uwi.  Bakit di na sila nagde-date ni Sophia??  Napapansin ko din na hindi masyado nagsasalita si Popoy kapag kinakausap ko siya.  Ang lungkot niya at parang laging lumilipad ang isip niya.  Sa klase, di siya nakikinig.  Tapos kapag yayayain ko siyang manood ng movie o kaya kumain, wala lang ang tamlay lang niya.  May isa pa akong napansin, lagi niyang sinisilip ang cellphone niya.  Parang may iniintay siyang magtxt.  At ito kami ngayon sa kwarto niya, nakigamit ako ng internet, kasi nawalan ng connection sa bahay eh, nagkaproblema.  Nagreresearch ako para sa assignments namin.  Pero si Popoy, halos di talaga siya bumabangon sa kama niya, nakahiga lang siya.  Nakakamiss naman ang bestfriend ko, sa ilang araw na di ko siya nakasama dahil sa date nila ni Sophia, napansin ko yung saya ng aura niya.  Yung liksi niya, alam ko na gusto na niya si Sophia.  At nakakamiss yung mga ngiti niyang iyon na nakikita ko nung mga oras na kasama niya si Sophia.  Nakakamiss ang masayahin kong bestfriend.  Di ko na napigilan ang sarili ko, kasi sobrang naguguluhan ako eh.  Kaya...............

"Poy bakit di na kayo nag de date ni Sophia??"

*silence*

"Poy?? bakit malungkot ka?? may sakit ka ba??"

Pero di talaga siya nagsasalita.  Sinubukan kong kulitin siya.  Baka sakaling magsalita siya.  Kaya kiniliti ko siya ng kiniliti.  Pero bakit ganun parang manhid lang ah,  Dati ang lakas ng kiliti niya, pero ngayon, walang react.???

"Poy naman eh!! ano bang nangyayari sayo??"

"Miss ko na siya"

"Poy?? Miss mo?? sino?? si Sophia??"  with a big smiley face pa ako niyan.  Kasi kung miss niya si Sophia,? ibig sabihin gusto niya ito.

"OO Basha, miss na miss ko na siya"

Bigla siyang umupo mula sa pagkakahiga.  May pumatak na luha sa mga mata niya.  

"Miss na miss ko na si Sophia BAsh, bakit ba niya ako iniiwasan?? bakit di siya makipag-usap sa akin,?? bakit di siya nagtetxt??"

"Poy!! wag ka ng umiyak.  Alam na ba ni Sophia??"

"Alam??/ ang alin??"

"Na gusto mo siya??"

"Ako??? gusto ko siya???"

"Poy?? inuulit mo lang ang sinasabi ko eh,  oo gusto mo siya.  ito ang unang beses na nagkaganyan ka dahil sa babae, kaya ang tawag dun, gusto mo nga siya"

"Paanong nangyari yun?"

"Poy?? sa akin mo talaga nitatanong?? aba malay ko, basta ang malinaw niyang gusto mo siya, kaya kailangan mong sabihin sa kanya"

"Pero Basha, paano?? eh iniiwasan nga niya ako?"

"so gusto mo nga siya??"  yung face ko... ganito oh O__O ahmmm.. parang ganan,, ahahah nakalaki yung mata, na super big ng ngiti. 

"ahmmm??"

"Poy!! pakipot much, gusto mo siya, gusto mo siya,, gusto mo siya,, gust..................."

"Oo na!! oo., gusto ko siya, masaya ako na lagi ko siyang kasama, nasanay na ako na lagi siyang nandyan para maging kakulitan ko, at ngayon malungkot ako dahil iniiwasan niya ako.. at yun ay dahil gusto ko siya"

"Yes!!!!  I'm so happy"

"Happy????"

"Finally may love team na ang best friend ko"

"Basha, can you help me?"

"Help??? oo, help me na makausap si Sophia, please??"

"Sige plano tayo."

Time after time......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon