The Call..?? the last call??

223 3 1
                                    

Habang patuloy akong nakatitig sa mga stars at sinasariwa ang mga masasayang memories namin ni RD, biglang nagring ang cp ko., and olah,!! ang bebz ko pala ang natawag.,

bebz???

Oh, Bebz, bakit ka tumawag??

KAsi bebz di ako makatulog eh., ikaw tulog ka na ba??

Bebz ayy.. oo tulog na ako, actually itong kausap mo ngayon. kaluluwa ni Kim ito.. tulog na sya eh.. tulog na..

Bebz naman?? vice ganda??

Joke lang bebz ko, kasi naman tatanong mo pa kung tulog na ako eh, ito nga at nakasagot pa ako ng tawag mo.  Bebz,, bakit di ka pa natutulog??

kasi po magulo ang isip ko ngayon.. magulong magulo..

Bakit?? may problema ka ba??

Ahmmm... wa... wala naman bebz.. ko. Bebz, happy 4th monthsarry ha!

Bebz, sayo din, happy 4th monthsarry..  Excited na ako Bebz!

Talaga Bebz.??

Oo naman!! syempre.  Biruin mo, ang bilis ng panahon noh..?? 4th monthsarry na agad natin.

Oo nga Bebz. Basta Bebz, kahit anong mangyari bukas,. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita.. at ikaw lang ang babaeng, gusto kong suotan ng singsing at iharap sa lahat ng simbahan.

Bebz??

Sige bebz. matulog ka na.. hah! i love you

I love you too..

toooot..toooot.. toooo

 Bakit ganito ang pakiramdam ko,?  bakit may mga namumuong luha sa mata ko.?? bakit ang sikip ng dibdib ko??  Naiiyak na ako.  Para bang bigla akong kinabahan na may kasamang sobra sobrang takot sa puso ko.  Nung sinabi ni RD na magulong magulo ang isip niya.... Di ko na mapigilan ang pagpatak ng mga luha sa mata ko.  Si RD?? bakit parang may mali?? bakit parang pakiramdam ko, mawawala siya sa akin? 

Humiga ako sa kama, nakatingin ako sa kisame, pero ang mga luha sa mata ko di pa rin tumitigil sa pagdaloy.  Bakit ganito?? takot na takot talaga ako.  Parang ayaw kong makita ang pagsikat ng araw bukas, parang ayaw ko munang matulog,.  Gusto kong kausapin ulit si RD, pero...... naka tatlong dial na ako, puro ring lang ang naririnig ko.... di niya sinasagot....  Lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa sobrang takot.  Ano bang nangyayari?? ang gulo... sinubukan ko ulit na ih dial ang number ni RD..... and oh.....

Bebz?? di ka pa natutulog may problema ba?

RD kasi...

Bebz.. umiiyak ka ba?? anong nangyayari sayo??

Bebz.. ahhmmm... hindi ano.. sinisipon lang siguro ako..

Bebz... matulog ka na... magpahinga ka na... at kailangan mong gumising ng masaya bukas...

Sige RD,, matulog ka na din hah..

Bebz.. ayaw na ayaw kong malaman na umiiyak ka..

Bebz..... kasi..

Sige bebz.. mahal na mahal kita

Mahal na ma.........

tooot.. tooot.. toooot

 Bigla niyang pinatay ang cellphone nya.. bakit ganun?? sinubukan kong ih dial ulit. pero,, wala eh..

di na nag riring.. Baka naman nalobat lang siya?? oo.. tama kim nalobat lang siya.  Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko, para magsimulang matulog na.. pero.... di ko magawa.. lagi na lang may umaagos na luha.. tapos ang bilis ng tibok ng puso ko na parang naninikip.  Natatakot pa rin ako, kahit na sinabi niya na mahal na mahal niya ako.  Bakit parang pakiramdam ko, yun na ang huling beses na maririnig ko ang boses niya.  bakit ganito??

Magdamag din akong nag-isip ng nag-isip.. hanggang sa di ko namalayan na napagod na ang aking mga mata sa pag-iyak, at sa konting oras ay nakatulog ako na dala ang takot at pangamba.....

Time after time......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon