Nakakainis talaga si R-D,. Bakit nga ba feeling ko ang bilis bilis ng tibok nito??? (hawak ko kasi ang dibdib ko, at ramdam ko ang dugudug nito). Siguro kasi nabigla lang ako sa pagyakap sa akin ni R-D. OO nabigla lang ako,. Yun lang yun!! tama,, yun lang..
*ring,, ring,, ring*
Popoy calling.........
Poy!!!
(Bash, anong ginagawa mo ngayon?)
ahm, eto nakahiga lang sa kama .. bakit?
(punta ako dyan, nood tayo ng movie, boring dito sa bahay eh)
Ah, Poy!! oo nga pala nandito sina Mama at DAd!!
(talaga bakit di mo sinabi sa akin kanina?)
Kasi nakalimutan ko sabihin, eh.. ahmm may kasama sila.
(Kasama??)
Si Roi!!
(Roi!!!?????)
OO, ah.. eh..
(pupunta ako dyan hah!!)
Pe..pero....
*toooot.. toooot.. tooooot*
Para syang si Mama ang hilig magbaba ng Phone..
*grrrrugggggg*
ay! pasaway na tyan oh. Gutom na!! Di ko namalayan madilim na nga, lumubog na ang haring araw. For short kelangan ko ng bumaba para mag dinner at magpakabusog. Kailangang masulit ko ang niluto ni Mama, for sure masarap yun, minsan lang kasi siya umuwi, kaya minsan minsan ko lang din natitikman ang mga pamatay niyang luto sa sarap.
"Basha!!!!!"
At ang magaling kong bestfriend na si Popoy, talagang sinalubong pa ako mula dito sa pagbaba ko ng hagdanan. Ang O.A parang ngayon lang ako nakita kung makatawag ng Basha.
"Poy??"
"Ikaw!!!"
"Ako????"
"Oo., Basha ikaw..... malamang alangang sabihin kong ikaw. tapos ako??. ikaw nga"
"Oh!! anong kasalanan ko Poy ??"
"Cedrick at Kim, mag dinner na, halika na kayo"
"Ah, oh sige po Mama Leah, tara na Poy!"
Ano bang kasalanan ko dito kay Popoy???. Ayyy pamaya ko na lang sya kakausapin, gutom na talaga ako. Naamoy ko na ang mabangong adobo ni Mama.
"Good evening po Mama, Dad, Tita buti po nandito kayo"
"Oo tinawagan ako ng Mama mo, dito na daw kami mag dinner nitong anak kong si Cedrick"
"Wow Tita ang bango bango ng adobo nyo, the best"
"Sus.. si Popoy, lahat naman sayo the best eh"
"Kim, syempre luto yan ng Mama mo eh"
"Oh sya, kumain na tayo, mag-aayos pa ako ng mga gagamitin namin, for the trip, Kim, tulungan mo ako hah"
*Nod*Nod*
Tango-tango na lang si ako, kasi di na ako makasalita, full loaded na ang bibig ko eh.
*arggggg*
"Oh, juice Kim,"
"Ah,, ,,,,,,,,,"
"Thanks Roi..... Roi??????"
"Kim, bakit parang gulat na gulat ka na nandito pa ako?? kala mo ba umalis na ako?"
"Ah, di naman. Di lang kasi kita napansin dyan eh. AHmmmm.. nasaan si Tito Aljon?"
"Ah, Kim. kumain ka na lang, "
"Yeah, sabi ko nga po Dad!"
*arrrrrrgggggg*
"Excuse me!! Busog lang.."
"Lagi ka namang busog Kim, sanay na!! pa excuse me excuse me ka pa dyan"
"Alam mo Poy!! best bestfriend of the world ka talaga. "
Tawanan sila lahat. Pati si Roi, tawa ng tawa. Nakakahiya tuloy, 2 times na ako dumighay sa harap nya. Baka ma-turn off sya sa akin. Ayyyyy.. erase erase. Ano naman kung ma-turn off sya. I don't care. Uhmmmmm.. sarap sarap talaga, busog na busog ako. Haaayyy.. sana lagi na lang nandito si Mama at Dad, ang sarap kayang kumain ng kumpleto ang family, tapos kasama pa ang bestfriend ko, at si Tita, kasama pa si Roi. ^_______^
"Kim. bakit ka nakangiti dyan?"
"Ahmm.. eh... masaya,, masaya ako,, ano naman sayo Roi?"
"Wala lang.,"
Lahat na lang napapansin ni Roi sa akin ah.. siguro tinititigan nya ako??? Roi?// Staring at me??? naku imposible yun, ayyyy.. teka bakit ko ba iniisip si Roi. Nakakainis.
"Ahmm.. Excuse me, tapos na po akong kumain, mag totoothbrush na po muna ako hah"
"Ah, sige Kim, pamaya punta ka sa kwarto ko, tulungan mo ako ah?"
"Yessss Ma!!"
Toothbrush... toothbrush... Bakit ba ako ganito??, bakit parang di ako mapakali?? parang kinakabahan, na parang ewan. Meron ba ako??? ahmmm.. wala naman eh,, next week pa ang period ko, ano ba yan. Poooottttteeeekkk.. anong meron?? anong pakiramdam ito??.
*Tok, tok, tok*
"Kim??? Kim??? si Popoy ito, open the door"
*crrrug,, cruuuugg,,* <<<<<<<<----nagmumumog yang sound na yan!! hahahahah LOL
":Ahhhhhhh!! Bakit Poy!! wait lang hah"
Ano namang kailangan ng Popoy na ito, may pag katok pa. Talaga!!
Bubuksan ko na sana ang pinto kaya lang may narinig akong nag-uusap sa labas ng kwarto. Mukhang si Popoy at si Roi. So, chichismis muna ako. Ano kayang pinag-uusapan nila?? close na agad sila?? eto ako ngayon, nakasandal yung ulo sa pinto, nakaharap ang malaking tenga.
"Roi anong sabi mo??"
"Poy nasabi ko na di ba, di ko na kailangang ulitin"
Ulitin anong ulitin?? ano ba yan nahuli na ako sa issue.
"Roi, paano?? kelan pa??"
"Poy!! di ko na kailangang sabihin sayo kung kailan pa, ok??, sige pasok na ako hah! "
"Roi teka, buksan mo ang pinto, mag-usap tayo"
ano ba yan, wala akong naintindihan, basta ang alam ko lang pumasok na si Roi sa kwarto nya at di na sinagot ang tanong ni Poy na paano??? at kelan??? ano kaya yun.. wait buksan ko na ang aking si pinto hah!! kunwari inosente lang, walang narinig. Open!! open!!
"Poy!! bakit ka naiyak??"
"Ah, wa---wala, masakit lang bigla ngipin ko, sige uwi na ako"
"Poy!! teka lang.. oy, oy!!"
Ano ba yan, nagtatakbo na si Popoy palabas. ano kayang problema nun,. Bakit umiiyak yun, 1st time in history ah. Makita si Poy, umiiyak???? AWwwww.. nag-aalala tuloy ako. Gusto ko sanang kausapin si Roi, para magtanong kung anong nangyari, kaya lang si Mama bigla akong tinawag, magsisimula na daw kami mag-ayos ng mga things para sa trip nila ni Dad, maaga kasi sila pa flight bukas eh. Habang nag-aayos kami ni Mama, bigla bigla ko pa ring naaalala ang pag-iyak ni Popoy. Sabado naman bukas, so bukas ko na lang aalamin ang lahat. Ang lahat?????? Ewan na lang........