Chapter 52...

164 1 1
                                    

Mabilis na nagdaan ang oras, araw, buwan at taon.    Si Mama, nasa hospital sya ngayon.  Nakatingin sa mga pictures namin nung mga araw na magkakasama kami ni Dad, namamasyal, naglalaro, kumakain.  Sinubukan kong maging masaya sa mga araw na nakakasama ko si Mama,  sinubukan naming bumuo ng mga masasayang alaala na mababaon ni Mama kung sakaling kunin na sya ni God.   Masakit man na isipin na mawawala na si Mama, kahit papaano, sinusubukan kong maging malakas ang loob at pigilang lumuha sa tuwing kakausapin at yayakapin ako ng Mama ko na mahinang mahina na. 

Minsan kelangan ko pang magkulong sa kwarto para lang umiyak. . umiyak ng umiyak.  Ang bigat bigat ng kalooban ko.  Hindi ko kayang mawala si Mama pero hindi ko naman kayang baguhin ang katotohanan na iiwanan nya na kami ni Dad. 

isang taon at 8 buwan kaming nagkasama ni Mama.  Pero sa mga panahong iyon, naparamdam nya sa akin na masayang magkaroon ng ina.  Ako???? sa mga sandaling iyon ba naparamdam ko sa kanya  kung gaano ko siya kamahal?? kung gaano ako kasaya na nakasama ko sya?? kung gaano ako kasabik magkaroon ng isang ina??? Sobrang sakit!! ang sakit sa kalooban na makita si Mama na nakangiti akin kahit na hinang hina na siya.  Wala na naman akong magawa kung hindi ang yakapin sya.  Yakapin sya sa bawat minutong kasama ko pa siya.

Ilang linggo din na nanatili si Mama sa ospital.  Hanggang sa dumating ang kinatatakutan kong araw...

"Anak,, halika dito kay Mama"

Dali dali akong lumapit kay Mama, niyakap nya ako ng napakahigpit.  Paulit - ulit niyang sinasabi sa akin na masaya siya at nakasama nya ako.  Mahal na mahal nya ako... 

"Anak,"

"Bakit ma?"

"Sino si Kim?'"

"Ma??"

"Nakwento sa akin ng Dad mo, si Kim.."

"Ma, si Kim po, ang babaeng minahal ko, bata pa lang ako, maganda po siya, mabait, malambing, malakas ang loob, Ma., masarap siyang mahalin... siya po ang babaeng gusto kong makasama sa pagtanda ko"

"Anak gusto ko kapag nawala ako, bumalik ka na sa Pilipinas, gusto kong kausapin mo sya, gusto kong maging masaya kayong dalwa. patawarin mo ako kung nalayo ka sa kanya para sa akin, anak mahal na mahal kita."

"Ma,, mahal ko din po kayo"

"masaya akong mawawala anak.. masayang masaya"

"Ma!! mahal na mahal po kita."

niyakap lang ako ni Mama.  Di sya nagsasalita, pero ramdam ko ang tibok ng puso nya.  Nakayakap lang ako sa kanya.  Ayaw kong bumitaw,  ayaw kong lumayo sa kanya nung mga sandaling iyon.  Gusto ko lang pakinggan at pakiramdaman ang tibok ng puso niya.  Hanggang sa tumulo na lang ang mga luha ko.. bumigat ang pakiramdam ko.  Yung paligid parang nag slow-mo nung naramdaman kong,, tumigil sa pagtibok ang puso ng Mama ko....

"Ma!!!!"

Inalog alog ko si Mama.. Alam kong wala na,, alam kong tapos na... pero,, nagbabakasakali ako..

"Ma!!!! MA!!!!!"

Biglang dumating si Dad at ang doktor....

Niyakap ako ni Dad,  mahigpit na mahigpit.  Umiiyak siya.. iyak siya ng iyak habang nakayakap sa akin..  Ramdam ko ang sobrang sakit na alam kong dobleng sakit ang kay Dad.   Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong kalungkutan sa Dad ko. 

Nandito kami ngayon ni Dad, sa sementeryo, kinakausap si Mama sa puntod niya.  Dalwang buwan na ang lumipas mula nung iniwan kami ni Mama.  Si Dad, ngumingiti siya pero kita sa mata nya ang sobrang lungkot.  Nagpapaalam na kami kay Mama ngayon para bumalik sa Pilipinas.  PAra ipagpatuloy ang aming buhay dun baon ang masasayang alaala namin na kasama si Mama/..

Pagdating namin sa Pilipinas, naging abala na ulit si Dad sa business nya, pero kahit ganun, naglalaan na siya ng oras para sa bonding naming dalwa.  Ang laki na ng pinagbago ni Dad.  Ako naman, nagtake ako ng exam, para makakuha ng high school diploma.  And thanks God, pumasa naman ako, at ngayon kasalukuyan akong nag aaral sa kolehiyo under business administration. 

Si Kim, lagi ko siyang sinusulyapan sa bahay nila mula sa malayo.  Gustong gusto ko siyang puntahan at yakapin.  Pero di ko magawa dahil na rin siguro alam kong galit na galit sya sa akin at di ito ang tamang panahon para harapin ko siya. 

Minsan nakita ko si Cedrick, at Sophia.  Galit na galit sila sa akin sa pag iwan ko kay Kim.  Ang daming suntok na natanggap ko mula sa kamao ni Cedrick.  Pero kahit ganun binigyan  nila ako ng chance na magpaliwanag.  Madali nila akong naunawaan, at kasabay nun, ikinuwento nila sa akin ang mga hirap at lungkot ni Kim nung wala ako.  Pinipilit nila ako na kausapin si Kim at magpaliwanag daw ako.  Pero di ko magawa.  Wala pa akong lakas ng loob.. lalo na't nakikita ko na masaya na si Kim ngayon.

6 buwan na puro sulyap at habol lang ako kay Kim.  Mga panakaw na sandaling nagpapangiti sa akin, tuwing makikita ko siya.  Masaya ako na nakikita siyang masaya at masigla..  Siguro ayos lang kahit hanggang ganito muna ako.  Hanggang tingin at sulyap lang muna.  Mag iipon pa ako ng lakas ng loob para ako mismo ang kumausap at humingi ng tawad kay Kim.

Hanggang sa nabalitaan ko na ikakasal na pala ang makulit na couple na sina April at Hiroshi, pumunta sila sa bahay para ibigay ang invitation.  Abay ako sa kasal nila.  At ang partner ko ay si Kim.  Halo halong emosyon ang naramdaman ko, saya, lungkot, takot, kaba at sigla.  Sinabi nina April na hindi daw alam ni Kim na ako si Romnick Dee.  Babaeng yun talaga.  Ang tagal naming nagkasama di pa pala nya ako Kilala.  Napangiti ako. at natuwa na din, atleast alam kong sisipot siya kasi di niya ako kilala. 

Time after time......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon