"Hayyyy,, Popoy, nakakapagod din pala mag kwento noh!! Siguro naman alam mo na gets na gets mo na kung bakit ako nag cutting classes kanina?. Si Mr. yabang dapat talaga makalimutan na siya ni Sophia."
"Bash!! wag mo sabihing makikialam ka na naman.. pabayaan mo na sila"
"Poy!! pero mula kanina kaibigan ko na si Sophia, kaya problema niya, problema ko na din"
"Pero ibang usapan yan Basha!! Relasyon nila yan, at sila lang ang makakalutas niyan, kuha mo??"
"Awww.. Popoy wag mong ih-tap ang ulo ko, nagugulo ang buhok ko"
"Hahahah, nagugulo pala hah, oh ito, lalo nating guluhin"
"Ah, gusto mo guluhan ng buhok,, sige eto sayo.."
Kulit talaga ni Popoy, pero mas makulit ako. Kaya ayun kahit mahaba ang buhok ko,mas naging mukhang basahan ang buhok nya, naka - gel kasi eh nakakatawa talaga siya.
"Kayo talagang dalawa, hahahahahah, tingnan nyo itsura nyo ang papanget nyo.. hahahahahaha... oh siya baba na kayo at igagrahe ko na ang kotse"
"Basha!! nakakatawa ka daw sabi ni Manong Bertz"
"Tayo daw dalwa, bingi ka talaga,, ahahahah"
"Oo na lang, sige na uwi ka na sa inyo, mag - aral ka Bash, 4 subjects, puro may long test!!"
"Poy!!! favor??/ hindi ko kasi alam kung anong diniscuss ng teachers eh, di ko alam kung anong aaralin.. kaya baka pwe........"
"Oo na. tuturuan na kita, punta na lang ako dyan sa inyo pamaya ng konti, may gagawin pa ako eh"
"Yehey!! the best ka talaga Poy!! I love you"
"I love you too.. Kim"
"Yeah I know.. sige intayin kita hah!! wag mo akong iindyanin Poy!!!"
Tumalikod na si Poy, tapos ikinaway na lang nya yung kamay nya, ba bye sign ng patalikod.. may problema ba yon,. Pamaya tatanungin ko siya.
"Oh Kim????, anong nangyari sayo??? sa buhok mo???"
"Mama Leah, kasi mahangin po sa labas??, "
"mahangin,,?/ di naman ah"
"Joke lang mama Leah, kasi po, nagkulitan kami ni Poy!!, guluhan ng buhok , ang galing galing ko nga po eh, yung buhok nyang tirik tirik, ayun parang forest.. ahahaha ang gulo"
"Ah ang kukulit nyo talaga.. oh sha!!! magpalit ka na ng uniform mo, maghahanda aq ng miryenda sa mesa ,, oh kamusta ang study hah?"
"Ahmm.. mama Leah, ok lang naman po, sige po bihis muna ako"
ano ba yan, Ok lang??/ Ok ba yung tinulugan ko ang Social Studies, tapos may test bukas, tapos nag skip ako ng 3 subjects ngayong hapon na magbibigay din pala ng long test bukas. Ok lang ba yun??/ Di bale nandyan naman si Best friend.. keri ko ito, keber lang yan.. "FIGHTING"
POPOY'S POV_______
Nag I love you sa akin si Basha!! sabi ko I love you too.. pero sure ako, wala lang sa kanya yun. Nalungkot ako, kaya tumalikod na lang ako, at nagba bye sign. kaya ito ako ngayon nagkaproblema ako ng di oras. Kasi naman totoong may long test kami sa 4 subjects, kaya lang hindi ko alam kung anong diniscuss ng mga teachers eh. Aaminin ko na nag cutting classes din kasi ako sa last 3 subjects namin, kasi naman pag pasok ko sa room, wala pa ang mahal kong bestfriend, eh ang alam ko nauna sya sa akin, kasi iniwan niya ako sa canteen, nag mukha nga akong tanga dun, kasi tawa ako ng tawa. Eh di ayun nga wala sya dun eh., mag ih start na ang lesson, so lumabas na ako para hanapin siya, hanap dito, tingin doon, wala ah.. hanggang naalala ko ang garden.. Tama! sa garden, siguradong nandun sya, malapit na ako sa garden pero tinext ko muna sya, baka kasi magkasalisi kami, baka pag dating ko dun sya naman ang wala at bumalik na sa room, eh di ako naman ang hahanapin nun, pero wala eh, walang reply, pag punta ko sa garden...
Teka anong ginagawa ni Basha sa likod ng halamang yun, tapos mukhang kinakabahan siya ah.. may lumapit na lalaki. Yun yung sa canteen ah.. tama siya yun.
"Hei, sino ka?? anong ginagawa mo dyan??"
"Ah,, ah... eh.. ih.. oh..uh!!"
"alam mo kung balak mong kabisaduhin ang a-ba-ka-da, di ba dapat umaattend ka ng class mo??"
"Ayyy.. oo nga pala speaking of class, my klase na kami, sige hah, una na ako"
Galing talaga magpalusot ni Basha.
"hep!!"
Teka teka bakit hila-hila ng lalaking yun ang braso ni Basha.. pupuntahan ko nga.. pero teka, gusto kong malaman ang mga nangyari, papabayaan ko muna. Nagtago ako dito sa may likod ng puno. Mula dito tanaw ko naman ang mga nangyayari, kaya lang di ko masyado rinig.
"Ahmm. bakit?? aray!! masakit, bitiwan mo ako"
nasasaktan na ata si Basha ko!!! tapos bigla siyang binitawan nung lalaki, may sinabi siya, kaya lang di ko talaga marinig. Tapos may babaeng umiiyak, si... si.. . tama sya nga yung babaeng yun, yung nakasabay ko sa canteen kanina nung umoorder ako. Kanina ko pa sya napapansing malungkot. Ano kayang nangyari?. nilapitan siya ni Basha, pero di pa rin tumitigil yung babae. napangiti tuloy ako ng di sinasadya kasi naalala ko nung si Basha ang umiiyak noon, ganyan din siya noon, di mapatigil sa pag-iyak. Nag-uusap silang dalwa dun, haaayy.. wala akong marinig, nakakangawit na dito. Umupo na lang muna ako dun sa may puno, intayin ko na lang matapos yung pag-uusap nila. Hanggang napatingin ako sa oras, 4 pm na pala! hindi na kami naka attend ng classes namin, lagot na. Uwian na din, tinext ko na si Basha. At nagreply sya na dun ko intayin sa exit. So tumakbo na lang ako dun, para di nya mahalata na nasa garden din ako. Nagtext sa akin si Rye, may long test daw bukas.
Kaya ito ako ngayon, may problema. magpapaturo sa akin si Basha para sa long test namin, eh di ko nga din alam ang diniscuss ng teachers eh, iniintay ko pa ang mga text ng classmates ko, about lessons na dapat pag-aralan.
*beeepppp*
At sa wakas may nagreply din. Beep once lang alert tone ko.
From: Shiela
Pages 32 to 36 sa book ng MAPEH, music , sa Arts 63-65 next week ang test sa Health at P.E.
*beeepppp*
From: Rye
Tol, sa TLE pages 43 to 52, long test yan pre, at sa Mathematics pages 56-63 tol geh.. aral na ako.
Haay ang bait talaga ng loveteam na ito, Shiela at Rye, Yeah.. couple sila. 4 months na din siguro. HAyyy.. kelangan ma-aral ko muna lahat ng iyon, para pag dating ko kina Basha, kahit papaano, may maituro ako.