Pagmulat ng mga mata ko, nasa kwarto na ako. Teka,..
"RD?? RD?"
"Kim anak.."
"Ma!! si RD po?"
"Kim, si RD?? pinuntahan namin sya sa bahay nila, pero.."
"Ma??"
"Anak magaling pa kumain ka muna, mukhang gutom na gutom ka na eh. Sumunod ka na sa akin sa baba, maghahanda ako ng mainit na soup at gamot."
"Teka Ma.."
Umalis na si Mama. Di ko na sya natanong.. anong nangyari kay RD? Biglang nagflashback sa akin ang nangyari kanina sa school garden, ang lakas ng ulan, ang hangin, walang RD na dumating. Ang luha ko nagsimula na naman oh..
Hindi ayaw kong umiyak, alam kong ok ako, si RD ok din sya, baka may mahalaga lang siyang ginawa kanina, alam kong ok pa kami. Ok kami ni RD. Di ko mapigilan ang pasaway kong mata, ayaw paawat sa pag iyak. kinuha ko kaagad ang cellphone ko. Wala ni isang txt man lang galing kay RD. Lalong bumigat ang kaba at takot na nararamdaman ko. Ano bang nangyayari. ?? Bakit ganito, bakit parang ang bigat bigat ng nararamdaman ko. Sobrang lungkot at pag-aalala. Babae lang ako, bata pa at mahina, wala akong kayang gawin kung hindi ang umiyak ng umiyak.
Bumalik ako sa pagkakahiga sa kama, yung mata ko itinutok ko na sa kisame, pero ang luha ko, ayaw pa rin tumigil sa pagdaloy. Ano ba ito?? bakit ganito ang pakiramdam ko. Gusto kong makita si RD, gusto kong malinawan sa mga nangyayari,. Bakit di niya ako pinuntahan??
"Scrap book!!"
nasaan na yung scrap book?? hanap hanap, wala. Wala dito ang scrap book. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko at ang iyak ko di ko na mapigilan. Pinaghirapan kong gawin yung scrap book na iyon.. Dadating si RD at alam kong maiibigay ko sa kanya yun.
Dali dali akong bumaba, habang umiiyak. Sina Mama nasa kusina, .. Di ko na alam ang gagawin ko. Di na ako nagpaalam sa kanila na aalis ako para hanapin ang scrap book. Sobrang lakas pa rin ng ulan sa labas. Nagsimula ko ng ihakbang ang mga paa ko. Ramdam ko ang bawat patak ng ulan sa katawan ko. Pero kelangan kong balikan ang scrap book.
"Basha"
Si Popoy??
"Basha"
Dali dali siyang sumunod sa akin,. Sinubukan kong tumakbo, . kelangan kong magmadali, sa lakas ng ulan siguradong masisira ang scrap book na ginawa ko.
"Basha, teka lang.."
Hinigit ni Popoy ang kamay ko at inilapit ako sa kanya, pinayungan nya ako at niyakap. Nakaramdam ako ng sobrang awa sa sarili ko. Oo naawa ako sa sarili ko na hindi ko ma explain, basta gusto kong umiyak lang,, umiyak ng umiyak. Ni hindi ko magawang igalaw ang katawan ko at ang labi ko para magsalita. Ang tanging alam ko lang ay umiyak. Gusto kong itigil ang mundo at umiyak na lang.
"Basha, wag ka ng umiyak, tama na. Saan ka ba pupunta hah?? di mo ba alam na sa ginagawa mong yan, pinapahirapan mo lang ang sarili mo?? paano kung magkasakit ka?"
Iyak lang ako ng iyak. Pero yung scrap book..
"Yung scrap book.... kelangan kong balikan ang scrap book"
"Basha, kasama mo iniuwi ko ang scrap book kanina, basang basa na at sira na,. Pero iniuwi ko, dahil alam kong importante sayo yun"
"Popoy, bakit ganito?, bakit di ako pinuntahan ni RD?? bakit niya ako pinabayaan?? inintay ko siya eh.. Popoy.. bakit??"
Di ko na mapigilan ang sarili ko, feeling ko kelangan kong ilabas ang nasa loob ko, feeling ko kasi sasabog na ako. Ang mata ko manhid na, pero patuloy pa rin sa pag iyak.
"Basha!! sorry pero.."
"Pero ano Poy?? Sobrang gulo na ng isip ko Poy. Ni hindi ko alam kung nasaan si RD?? Hindi ko alam kung ano bang surpresang ginawa niya at hindi man lang niya nakuhang puntahan ako, kahit alam niyang nasa kalagitnaan ako ng bagyo na naghihintay sa kanya. Ano Poy?? sabihin mo sa akin?"
"Basha, si RD kasi??"
"Ano nga?? anong nangyari Poy?"
"Pinuntahan namin siya kanina sa bahay nila, pero wala sila dun ng Dad niya, sabi nung kapitbahay ay.... ano... "
"Ano nga Poy!!"
"Umalis daw sila, papuntang Italy"
"Italy?? Poy!! wag mo nga akong lokohin,, anong Italy sinasabi mo dyan,, mahal ako ni RD, dapat sinabi niya sa akin, at di ako basta basta iiwan ni RD, mahal na mahal niya ako.. "
Lalo akong naiyak, ang sama ng pakiramdam ko. Yung tibok ng puso ko bumilis na. Hindi., hindi ako iiwan ni RD. Nagtatakbo ako, habang umiiyak. Si Poy alam kong hinahabol niya ako, pero.. di ko talalga kaya ito, Anung Italy>>? ano ito laro., ano bang level ito, bakit ang hirap. Iyak.. iyak na lang.. teka.. di ako papayag. Pupunta ako sa bahay nila.. pupuntahan ko si RD//? alam kong niloloko lang ako ni Popoy. Sobrang lakas ng ulan. Pero ang mga paa ko, ayaw tumigil sa pagtakbo. Parang anytime sasabog na ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Ang malamang iniwan ako ni RD?di ko kaya.. sobrang mahal ko na siya..
Takbo lang.. takbo Kim,. Si RD. di niya ako iiwan. Lalong lumakas ang ulan. pakiramdam ko mag isa na lang ako sa daan, walang tao, ako lang. Pero, si RD gusto ko siyang makita. Gusto kong patunayan sa lahat at sa sarili ko na hinding hindi ako iiwan ni RD. Alam kong mahal niya ako, dahil ako mahal na mahal ko siya. Nasanay na ako na nandito siya para sakin, kaya di ko kakayaning mawala siya sa akin..
Hanggang sa natisod ako sa isang bato. Ang sakit. Ang sakit sakit. Wala akong maramdaman kung hindi ang sakit.
"Ganito ba?? Ganito ba kasakit ang magmahal??"
Paulit ulit kong binubulong sa sarili ko habang nakaluhod sa gitna ng daanan at patuloy na nababasa ng ulan. Manhid na ang katawan ko sa lamig, pero ang puso, ko kumikirot pa rin. Ang bigat ng pakiramdam ko. Sobra.. sobra..
"Basha!!"
"RD??"
Di ko na namalayan ang mga nangyari,, basta ngayon kasama ko si RD., para kaming nasa gubat... tapos magkahawak kamay namin, tapos, biglang nadulas ako at napabitaw kay RD, pag lingon ko bigla siyang nawala.
"RD,, RD>>"
"Kim, nananaginip ka .."
"Ma,,,"
Ano ba?? tama na.. ayaw ko ng umiyak.. ayaw ko na..
"Kim, wag ka ng umiyak, maaayos din ang lahat"
"Ma..."