Nandito ako ngayon sa kwarto nakaharap sa laptop at nag pe facebook, ang dami dami kong friend requests, kaya lang tinatamad ako mag accept eh, hayaan ko muna na nakapending sila dyan, puro babae lang naman yan, panigurado. Syempre gwapo ako. Alam ko naman yun, dahil laging sinasabi sa akin yan ng mga flirt na babaeng nakikilala ko. Isa lang naman ang di nakakapansin sa kagwapuhan ko eh. Isang babaeng masungit, makulit, pilosopo, madaldal, matalino, mabait, friendly, hindi sya maappeal, pero maganda sya. Simple lang kasi ang ganda nya eh, walang ka effort effort sabi nga nila. Kahit nakalugay o naka pony tail ang buhok, walang make up, lipstick o lip gloss man lang, maganda pa rin sya. Siya ang batang babaeng nakilala ko nung grade 2 ako. Schoolmate ko sya mula elementary hanggang ngayon na high school na kami. AT mula nung ipagtanggol nya ako sa aking mga kaklase, dun ako nagsimulang mahalin sya. Nakakatawa noh. grade 2 nainlove na agad.
"Akin na yan, akin na!!"
"Ayaw nga namin, amin na lang itong sandwich mo"
"Pero inihanda yan ng mama ko para sa akin,"
"Roi, inihanda ng mama mo? pero dahil na sa amin na ito, kami na ang may ari nito"
"Teka, pero gutom na din ako eh, "
"Mayaman ka naman Roi, eh, bili ka na lang"
"Pero wala naman akong pera eh. "
"Wala ahahahahah. kawawa ka naman"
Pilit kong inagaw ang sandwich at juice ko sa tatlo kong malalaki at sigang kaklase. Talon ako ng talon, takbo ng takbo para maabutan sila. hanngang sa natakid ako sa isang bato, nadapa ako at nasugatan, nagsitawanan lang mga kaklase ko at umalis na sila. Wala akong nagawa kung hindi ang umiyak. Hanggang nakita ko ang isang batang babae, sinisigawan nya ang tatlo kong kaklase. Hindi ko alam kung anong sinabi nya at biglang nagtakbuhan ang mga kaklase kong yun,. Lumapit sa akin ang batang babae at ibinigay ang sandwich at juice ko.
"Wag ka ng umiyak, ito na ang pagkain mo, wag kang mag-alala di ka na aawayin ng mga kaklase mo"
Di ako makapagsalita, nagulat kasi ako kung paano nya napatakbo ang mga kaklase ko. Ang laki laki nila kumpara sa maliit na batang babaeng ito. Napatulala na lang ako., Hanggang sa iabot nya sa akin ang kanyang panyo.
"Bata, ito na ang panyo oh. Magpahid ka na ng luha mo. Ano nga pa lang pangalan mo?"
"Ah... ak---ako.. si Romnick Dee"
"Ako naman si Kim, anong grade mo na"
"Grade 2 na ako"
"Ah talaga?? ako din, siguro section A, ka.. kasi ako B ako eh. sige Romnick dyan ka na hah, baka hinahanap na ako ng Bestfriend ko eh"
"Ah,, eh...."
Nagtatakbo na sya palayo sa akin,. Nakaramdam ako ng saya. Ang ganda ganda niya, sana magka-usap pa ulit kami ni Kim. Mula ng araw na iyon, lagi akong pumapasok ng maaga, para makita si Kim, tuwing nakikita ko sya lagi syang may kausap, iba't iba nga eh. Ang dami dami nyang mga kaibigan. Minsan nakita ko sya na nakaupo sa labas ng gate mag-isa lang sya dun. Lalapitan ko na sana sya kaya lang may isang batang lalaki na lumapit sa kanya at sabay na silang umalis. Palagi kong sinisilayan si Kim, magkatapat lang naman kasi ang mga classrooms namin, palagi ko siyang sinusundan. Masaya ako kapag nakikita ko siyang tumatawa at masaya. Lagi naman siyang masaya eh. Ni hindi ko pa sya nakitang nalungkot o nagsimangot. Nung nag graduate nga kami ng Grade 6, nilapitan ko sya, sasabihin ko sana congratulations kaya lang sa dami nyang kaibigan, di na nya ako napansin.
"Hi Kim!"
"Hello...??"
"Ah Kim... cong..........."