Naramdaman ko ang pagtapik ni Mama Leah sa balikat ko, kaya't nagising na ako. Sabi ni Mama Leah, bumaba na daw ako at naghanda na daw siya ng breakfast, magmadali daw ako at baka ma-late ako sa school. Monday nga pala ngayon, may pasok na naman. Namiss ko din si Teacher namin sa Social Studies ah,, friends kami nun eh, si Teahcer Terror. Nag-unat-unat lang ako, at nag-enhale -exhale pa tumingin ako sa bintana at mukhang ilang minuto na lang sisikat na si Mr. Sun, tumila na din ang ulan, then napansin ko nasa kama na ako??/ ang natatandaan ko sa sopa ako natulog kasi tulog si R-D dito, anong nangyari, at nasaan si R-D, panaginip lang ba ang lahat?? Ay!! engot ka naman Kim, imposibleng panaginip lang yun, noh, tignan mo nga may sipon pa ang unan mo, sipon???? ewwwwwww... sipon ni R-D,nagmadali na akong tumayo, nag-knock knock ako sa kwarto ni R-D, pero wala siya so bumaba na ako, gutom na ako eh. Nakita ko si R-D, kumakain na siya ng breakfast. Pero pansin ko na hindi siya makatingin sa akin, Bakit naman?? dahil sa nangyari kagabi?? ok lang naman yun, kasi after all friend ko na siya.
"Good morning R-D!! " with a big smiley face pa ako nyan..
"Good morning!"
"R-D, ok ka na ba?"
"Oo naman, yung kagabi?? wag na natin uling pag-usapan yun ha. nakakahiya eh"
"Ah, wala namang nakakahiya dun eh, ahmmm. pero sige. R-D, sabay tayo pumasok ah!"
"Ayaw ko nga, ayaw kitang kasabay, baka makita pa tayo ng mga chicks ko sa campus eh"
"Oh ano naman?? anong issue??"
"baka isipin nila gf kita. Ano na lang sasabihin nila?? wala akong taste??"
"Ah ganun?? oh ito sayo"
"aray ko naman, batuhin ba naman ako ng pandesal?? oo na sabay tayo, eh paano si Cedrick kamo??"
"Ayyy oo nga pala si Popoy!! eh di sabay tayong tatlo"
"Ah... wag na lang, una na lang ako sa school, may gagawin pa kasi ako na activity eh, alam mo naman 1st section. gusto ko maperfect yun eh. sige ligo na ako"
"Teka tapos ka na bang magbreakfast?"
"Yup, ah Kim thank you hah, i love you"
Nagtatakbo na si R-D, pataas ng hagdanan...Di ako nakapagsalita , napatulala na lang ata ako nun, nung nag-i love you sha. Then,,,
"Kim., wag ka ng matulala dyan, joke lang yun . uy!! pero syempre thank you talaga hah!"
Joke lang pala. Ano ba yan, nakita nya na nakatulala ako, kainis naman.. Akala ko totoo. Ayyyy.. chos!! joke nga lang di ba?? si R-D, mag-ah i love you sa akin, in my dreams. Tska teka di ko naman siya gusto eh, kaya di dapat ako paapekto. Tama!! di dapat. Matapos magbreakfast, go to my studio na agad si ako. Hahaha ang bathroom. then dali daling nag-ayos at nagbihis. And olah!! Dear school, I'm coming na!!!
R-D'S POV____________
Paggising ko, natameme na lang ako, nandito ako sa kama ni Kim, at ayun nagbalik ang ala-ala ng kagabi. Nakakahiya naman kay Kim, nahihiya talaga ako sa nangyari, pagtingin ko sa sopa, nandun siya. Lumapit ako, tinitigan ko siya, at halatang pagod at puyat siya. Kasalanan ko ito. Kaya naman binuhat ko siya papunta sa kama niya, 4 am pa lang naman, kaya makakatulog pa siya ng mahimbing, tinitigan ko lang siya, ang ganda ganda niya. Inilapit ko ng bahagya ang mukha ko sa mukha niya, at dahan dahang idinampi ang labi ko sa labi niya. Tsaka ako nagtatakbong umalis at pumunta sa kusina. Di ko mapigilan eh, hinalikan ko siya. Pero di naman niya yun alam eh. Sigurado ako. Nakita ko si Tita Leah nagluluto siya ng almusal namin ni Kim, sinabi ko na hindi na ako makatulog kaya bumangon na ako sa higaan, pero di ko binanggit ang nangyari kagabi. Ayaw ko ng madagdagan ang hiyang nararamdaman ko ngayon. Tinulungan ko si Tita Leah sa pagluluto. At mga dalwang oras din ata, nagising na si Kim, nahiya akong batiin siya, o tumingin man lang sa kanya. Pero talagang kakaiba si Kim, siya ang unang bumati sa akin. Nawala ang pagkahiya ko sa nangyari sa kagabi dahil sa maganda niyang bati at ngiti.
"Good morning R-D!! "
"Good morning!" yun na lang ang nasabi ko.
"R-D, ok ka na ba?" ano ba yan?? tinatanong ba niya kung ok ako dahil sa kagabi??
"Oo naman, yung kagabi?? wag na natin uling pag-usapan yun ha. nakakahiya eh"
"Ah, wala namang nakakahiya dun eh, ahmmm. pero sige. R-D, sabay tayo pumasok ah!" talaga wow!! heaven na naman oh! si Kim niyaya ako na sabay daw kami. Magpakipot kaya ako??
"Ayaw ko nga, ayaw kitang kasabay, baka makita pa tayo ng mga chicks ko sa campus eh"
"Oh ano naman?? anong issue??" wala namang issue dun Kim eh, kasi matagal ko na ring pangarap na makasabay ka pagpasok sa school.
"baka isipin nila gf kita. Ano na lang sasabihin nila?? wala akong taste??" yabang ko talaga dude!!
"Ah ganun?? oh ito sayo" Batuhin ba naman ako ng pandesal..
"aray ko naman, batuhin ba naman ako ng pandesal?? oo na sabay tayo, eh paano si Cedrick kamo??" kasi naalala ko si Cedrick, baka mabanggit niya kay Kim ang sinabi ko na liligawan ko si Kim.
"Ayyy oo nga pala si Popoy!! eh di sabay tayong tatlo" ang akward kaya nun kim.
"Ah... wag na lang, una na lang ako sa school, may gagawin pa kasi ako na activity eh, alam mo naman 1st section. gusto ko maperfect yun eh. sige ligo na ako"
"Teka tapos ka na bang magbreakfast?"
"Yup, ah Kim thank you hah, i love you" Grabe nasabi ko talaga yun. Pasaway ang dila ko eh, kung ano anong nalabas na salita..
Nagtatakbo na ako pataas ng hagdan, pero bago ako pumasok sa kwarto, sinilip ko si Kim, nakatulala siya. Hala, lagot baka iwasan niya ako.. kelangang umisip ng paraan...,
"Kim., wag ka ng matulala dyan, joke lang yun . uy!! pero syempre thank you talaga hah!" kulit ko talaga .. yabang pa!!
at ayun dali dali akong nag-ayos at umalis. Di ko na inintay si Kim, gusto ko sana siyang makasabay pero. Ayaw ko pa talagang makita si Cedrick, kasi nakakailang, alam ko naman na mahal niya si Kim higit pa sa pagiging bestfriend eh.
Pagdating ko sa school, as usual, daming girls na bumabati sa akin, sanay na ako eh, sarap kaya ng feeling na popular ka sa almost all girl students ng campus nyo. Hangin ko talga pero totoo naman eh. Pagpasok sa classroom. sinalubong ako ni Sophia. Mag-usap daw kami sa garden. para walang tao. SA garden kasi, konti lang ang tumatambay dun eh, kasi kalimitan ang mga students makikita mo sa musical hall, or kaya sa court, or kaya sa dancing hall sila natambay. Umuna na siya sa garden, kaya sumunod na lang ako.
"R-D, break na tayo"
"Hah??"
Nagulat ako. Talaga makikipag-break na siya.?? Yes naman!! Pwede ko ng simulang ligawan si Kim.
"Bakit ka ngumingiti?? masaya ka talaga na magbreak tayo noh?? We'll wala naman akong magagawa, alam ko na hindi mo na ako mahal! at ako din may iba na akong gusto"
"Talaga Sophia?? May iba ka na?"
"actually, matagal ko na siyang gusto, at one time, na realized ko na siya talaga ang gusto ko"
"Masaya ako para sa'yo Sophia"
"Salamat R-D, pero friends pa rin tayo hah?"
"Oo naman Sophia, masaya ako dun"
"We'll thanks sa lahat hah!, I think I need to go na"
Bigla na lang umalis si Sophia. Buti na lang nakahanap na si Sophia ng iba. Sino naman kaya yun?? Maswerte ang lalaking yun kay Sophia. OO maswerte talaga siya. Babalik na din sana ako sa classroom namin .. kaya lang nakita ko sila.. magka-usap.. ano kayang pinag-uusapan nilang dalwa?? Siya ba ang sinasabi ni Sophia na gusto niya??