Fake Guy?????

294 4 3
                                    

Nandito ako, saan??? dito!! sa labas ng gate ng bahay ni Basha, as usual di ba sabay kaming papasok sa school ni Basha.  Kahapon ang daming nangyari, nakipagdate si Basha kay R-D at ako naman nakakwentuhan ko si Sophia.  Ang bait bait niya.  At maganda pala talaga siya.  Naniniwala na ako kung bakit siya ang may koronang Ms. Campus.

Read the flashback<<<<<< a first Sunday of Popoy without Basha!!

flashback................

It's Sunday,  my favorite day of the week.  Maaga akong gumising, kasi magsisimba kami ni Basha ngayon.  Magana akong nagbreakfast, kasi sobrang sarap ng niluto ni Mama na Champorado, at mabilis din akong nagbihis at pumorma.  Look at the sky, ang ganda ang daming shapes na napo form, ang sikat ng araw hindi masyadong mainit, kulimlim lang.  Cool, ang perfect ng araw na ito.  Nagmadali akong pumunta sa bahay ni Basha, para sunduin siya, pero pagpasok ko dun si R-D, ang bumungad sa akin.

"Cedrick, mukhang may lakad tayo ah?"

"R-D, ahm.. sisimba kami ni Basha ngayon"

"Pero Cedrick..."

"Pero ano??"

"Ma-ma-- may date kami ni Kim ngayon eh"

"Hah? ganun ba? di man lang sinabi sa akin ni Kim ah!"

"Ah, di ba niya nasabi?? baka nakalimutan lang niyang sabihin"

Wala ng ibang salita ang lumabas sa mga bibig ko.  Basta ang alam ko lang, ang lungkot lungkot ko na, nasira na ang araw ko.  Nagtatakbo ako palabas ng bahay ni Kim at nagsimulang maglakad sa di alam na patutunguhan.  Basta gusto kong lumayo. 

"Cedrick!!, Cedrick!!"

Teka, may tumatawag sa akin,. sino naman kaya yun?  Paulit-ulit niya akong tinawag. 

"Cedrick! uy...!!"

"Teka sino ka?"

"Sino ako?? nakalimutan mo na?? ako si Sophia Mariano, at ikaw si Cedrick Guevarra, ang bestfriend ni Kim Jean Perrer"

"Ah, oo naalala ko na"

"Cedrick anong ginagawa mo dito?? alam mo lapit lang dito ng bahay ko oh, mga 15 minutes walking distance"

"wala magsisimba sana ako eh, teka. ikaw anong ginagawa mo dito?"

"Ahmm.. wala naman nakatambay lang dun sa favorite tambayan ko. ayun, tingin ka doon oh!"

"Ah, favorite mo pala yan, ang green garden park.  Bakit naman favorite mo dyan?"

"Cedrick, bago ko sabihin, pwede muna magtanong?"

"Oo naman ano yun?"

"Sisimba ka pa ba ngayon?"

"Ah, hindi na siguro,  tinatamad na ako eh"

"Ah. ganun ba! oh! sha mabuti pa samahan mo ako"

"Teka! wag mo akong hilahin"

"Bagal bagal mo kasi eh"

Ang kulit din pala nitong si Sophia, grabe kung makahila sya, parang si Basha lang ah.  And oh! dinala nya ako sa boring na green garden park.

"Ayan, upo ka Cedrick"

"saan?"

Biglang umupo si Sophia sa damuhan, at sabay hila sa kamay ko.  Kaya ayun napalagapak na ako, at napa-upo, sakit sa pwet nun ah.

"Ahmm.. ang ganda dito noh?"

"Maganda?? ang boring kaya dito Sophia, puro bulaklak lang nakikita eh"

Time after time......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon