what a moment????

284 5 0
                                    

"Mama, ingat kayo dun ni Dad hah!, wag po kayo magpapalipas ng gutom, ikaw naman Dad, wag mo papabayaan si Mama hah!, basta lagi kayong mag tetxt or mag ee-mail sa akin hah!, Wag kayong pasaway dun!"

Bigla silang nagtawanan, grabe anong meron, halos lahat sila tawanan lang,.  Kainis!

"R-D anong meron??? bakit kayo nagtatawanan???"

"Kasi Kim, mukhang baliktad ang sitwasyon natin, kung makapag-salita ka eh, Kim, ako kaya ang Mama mo, dapat ako ang nagbibilin sayo ng mga bagay na yan! ^_^.."

"Oo nga my dear Kim, kami pa ng Mama mo ang sinabihan mong wag pasaway??? hahahaha,, hahahha,, katawa ka talaga anak"

"Dad naman eh, concern lang po ako"

"Awwww... alam naman namin yun Kim, basta hah! please take care of your self"

"Yes Mama ako pa!"

Then maya maya bigla na silang tinawag ni Tito Aljon, it's time na daw,.  Hug dito, hug dun,. Basta hug hug lang!!... Nakakasad naman, aalis na ulit sina Mama at Dad.. Punta na sana ako sa car, kaya lang, nawawala si R-D, pasaway talaga yun eh. Bwisit!, san na ba yun, dami dami naman kasi tao dito sa Airport, paano ko hahanapin yung kulugong yun,.  Halos, nalibot na ng mga mata ko ang paligid, pero walang R-D, eh.  Tinext ko si Manong Driver, baka sakaling umuna na dun si R-D.  Kaya lang, reply niya wala eh, wala pa daw si R-D.  Ano ba yan, dapat kasi si Popoy na lang yung sumama eh, speaking of Popoy, masakit pa daw ngipin nya, kaya nagpa-iwan na lang.  Lingon, lingon, wala talagang R-D.  Nasaan na ba yun???

"Kim!!!, Kim!!!"

Teka si R-D?? Nagsisisigaw sya, nasaan ba yun?? 

"Kim!!!!"

"Ay!! kalabaw"

"Hey! girls, she is my girlfriend yung, sinasabi ko sa inyo kanina, she is Kim"

Nabigla ako, girlfriend??? Kelan pa?? Sasabat na sana ako, kaya lang binigyan ako ni R-D, ng *sumakay ka na lang Please look*, so nag nod nod na lang ako sa mga girls na yun, and then ayun, nag disappear silang lahat, with matching sad face at hinayang looks.  Anong meron???

"Hayyy!! salamat Kim hah!"

"Hep!Hep! ang kamay mo? baka pwedeng tagtagin na , nawiwili ka naman sa pag-akbay dyan, wala ng girls oh, wala na"

"Pero baka bumalik pa sila eh, kaya yaan mo munang nakaakbay ako sayo, ok?"

"ayaw ko nga, ano ka sinuswerte?"

"Kim, ikaw nga ang maswerte, "

"At bakit??? with *concious look pa talaga ako*

"Syempre, nakita mo yung mga babaeng yun kanina?"

"Malamang!! may mata eh"

"Whatever"

"Ang kamay mo kasi sabi, whatever ka dyan,eh ano nga ba kasing kasalanan mo sa mga babaeng yun?? bakit ka nila hinahabol?"

"kasalanan?? ang tanging kasalanan ko lang, ay ipinanganak akong gwapo na!! ma-appeal pa!!"

"ewwwww!!! saang tapat?? nasabi mo yun?? wow! sagad ka! sagad!! dyan ka na nga, punta na ako sa Car, "

"Car???"

"Malamang, dun tayo sakay eh, uuwi na ako, kung balak mong magpaiwan at magpahabol sa mga girls na yun, go lang!"

And ayun, si walk out na ang beauty ko, gutom na gutom na ako, at puyat pa, ang aga aga akong gumising kanina, para maihatid sina Mama at Dad.

"Kim!!!. wait! balak mo ba akong iwan?"

"Ewan ko sayo,"

"Taray mo naman"

"Hoy! Mr. R-D, baka nakakalimutan mo yung pagsusungit mo sa akin sa canteen, yung paghila sa braso ko, yung pag-iwan mo sa akin sa garden para patigilin si Sophia na pinaiyak mo, ang pag-agaw mo sa favorite table namin ni Poy, pagtira sa bahay ko, at paghiga sa kama ko"

"Wow!! kasali pa talaga ang paghiga sa kama mo?"

"ah,, ehh,.. amp. ewan ko sayo!"

Nagtatakbo na ako sa car, at ayun parang tutang susunod-sunod lang si R-D, ang kulit nya, grabe, ibang iba sya sa R-D na napakasungit sa school.  Bakit ko nga ba kasi naisama pa sa panunumbat sa kanya ang paghiga sa kama ko eh,? ayan tuloy! ay! ewan.

Habang nasa byahe, kami walang nagsasalita sa amin ni R-D, nakakabingi masyado ang katahimikan.  Pero ayaw ko din naman sya kausap eh, wala syang sense kausap.  Kaya ginawa ko, pumikit na lang ako.  ang haba haba pa ng byahe eh.

"Kim??"

Bakit nya ako tinatawag?? tulog ako oh! tulog!

"Kim!! Kim!!"

Kulit naman, sabing tulog ako, ayaw kong imulat ang mata ko, ayaw kong magsalita, bahala sya sa buhay nya.

"Kim, tulog ka na?? kwentuhan muna tayo oh"

kwentuhan?? ayaw ko nga! tulog na talaga ako, sana naman wag na syang makulit, kasi ayaw ko syang kausap.  after a few minutes, ayun wala ng tumatahol na tuta?? so idinilat ko ang beautiful eyes ko, and look oh! ang tuta tulog na.  Antok na din pala, eh.  Teka, ano bang ginagawa ko, bakit ba lagi ako napapatitig sa kanya?? sa totoo lang ang cute cute nya, ayy!! hindi ang gwapo nya.  Mukha pang mabait, parang ang tino tino nya kung tititigan mo talaga sya ngayon, ang ganda ng lips nya, ang sarap, ang sarap............

_________________

O_O <<<<<<------- ako!!

--.-- ZZZZZZzzzzzzzzz <<<<<<--------- sya!!

Nagulat ako, kasi naman bigla syang gumalaw eh, kaya nagkiss kami, kasi ang lapit lapit ng mukha ko sa kanya eh.  Nakatulala lang ako ngayon oh! nakatingin ako kay Manong driver, kasi baka nakita nya ang nangyari, pero mukhang inosente sya, kasi wala syang reaction.  Si R-D, di ako makatingin sa kanya, kasalanan ko eh, bakit ko kasi sya tinitigan ng malapitan.  Pero, pero, pakiramdam ko tulog pa rin sya, sinulyapan ko sya ng konti.  At ayun nga tulog pa sya, so ibig sabihin, inosente din sya.  Gosh!!! nagkiss kami?? kiss na ba yun?? smack lang naman yun eh, kasi naglapit lang ung lips namin, naku hindi, hindi ako papayag na ang mayabang na R-D na ito ang maging 1st kiss ko, hindi , hindi talaga...

Time after time......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon