Chapter 54

133 1 2
                                    

Umuwi ako sa bahay, para magpalit ng damit.  AT dali dali akong pumunta sa bahay ni Kim.  Ayaw kong sayangin ang mga panahon na sana'y masaya at magkasama kaming dalwa.  Ayaw kong magaya kami kay Mama na halos dalwang taon lang nagkasama.  Gusto kong ipaliwanag kay Kim ang lahat, gusto kong mag sorry, gusto kong humingi ng 2nd chance.. dahil..... dahil.... Mahal na mahal ko pa siya. 

Pagdating ko sa bahay nina Kim, si Cedrick lang ang naka usap ko... ayaw akong kausapin ni Kim.  Galit na galit pa rin sya sa akin.

"RD, pre.. bakit kasi ayaw mong tulungan kita na magpaliwanag kay Kim ng lahat?? sigurado naman ako na maiintindihan ka nya."

"Cedrick, gusto kong patunayan sa sarili ko na kaya kong harapin lahat ng mga nagawa ko,  gusto kong maayos ko ito. dahil ako ang may kagagawan ng lahat ng ito. Ayaw ko ng maging mahina pre!"

"Pero RD, galit na galit sayo si Kim, alam mo ba yon.  Akala niya basta basta mo na lang siya iniwanan,. Mahirap para sa kanya ang kausapin at harapin ka ngayon.. at kung laging ganito, hindi kayo magkakaayos"

"Hindi ako aalis dito, hanggat di niya ako kinakausap.. Kim!!!!! Kim!!!"

"Teka RD, wag ka ngang mag sisigaw dyan. chilllaxxx lang pre..!! lalong di ka nyan kakausapin eh"

"Kim!!!!"

"Hoy!! gusto mo bang upakan kita dyan?? ano to teleserye?? pre.. mabuti pa umuwi ka na lang muna, bukas ka na lang bumalik,, hapon na din naman,"

"Pero Cedrick, hindi ko na kaya ,, gusto ko na syang makita.. Miss na miss ko na si Kim, gusto ko ng makausap at mag explain sa kanya, gusto kong magsorry.."

"RD, pwede ba na.............."

"Poy!!! ..."

KIM'S POV

"Kim, anak, nandyan si RD sa labas, kausapin mo na sya anak.. "

"Ma!! "

"Anak, hayaan mong magpaliwanag siya sayo"

"Pero Ma,,  ayaw ko na po.. pagod na pagod na po talaga ako"

"Kim, bakit ba hindi mo hayaang magpaliwanag sayo si RD?"

"Poy?? nakalimutan mo na ba?? nakalimutan nyo nang lahat??"

"Kim?? di naman namin nakalimutan yon eh, ang sa akin lang, hayaan mo siya na magpaliwanag, para malaman mo ang dahilan kung bakit ka nya iniwan noon?? "

"Poy!! Para saan pa?? nasaktan na ako,, ang sakit sakit eh"

Niyakap ako ni Mama,, at hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko.. Hanggang ngayon pala, apektado pa rin ako.. Akala ko, nakalimutan ko na ang sakit, akala ko nakalimutan ko na lahat, akala ko din nakalimutan ko na siya.... Wala akong magawa kung hindi ang umiyak,, umiyak na lang.. lagi.... 

"Poy!! saan ka pupunta??"

"Kay RD, papauwiin ko na siya.."

"Poy..."

Pinuntahan ni Poy si RD, papauwiin na niya???? tapos ano,, uuwi nga si RD.. mababakla na naman buntot nya,, iiwan na naman niya ako???  Bakit ba laging ganito..?? sana di na lang siya bumalik... 

"Anak, mabuti pa magpahinga ka na muna hah!!"

"MA,, iwanan nyo na po muna ako.. gusto ko pong mapag isa.."

"Oh sige anak,, basta pag may problema,, tawagin mo lang ako,, "

Nagnod nod na lang ako, tango tango,,.  Kinuha ko si Bebe Mau, ang doll na binigay ni RD nung iniwan nya ako.  Simula nung nag college ako, tinago ko na ito sa box.. Ayaw ko na kasing makakita ng bagay na makakapagpalungkot sa akin... PEro... Si Bebe Mau lang kasi ang lagi kong niyayakap noon, tuwing iiyak ako.. at tuwing nalulungkot ako.

"Bebe Mau, sobrang miss kita... Ang alikabok mo na.. di na kasi kita napalitan ng damit at nalinisan, simula nung itago kita sa box eh.  Sorry ha. pati ikaw nadamay pa.. Sige papalitan kita ng damit mo,, may mga dress ka naman eh,, di ko lang ipinapasuot sayo,, pero sure ako matutuwa ka Bebe Mau..   "

"Kim!!! Kim!!"

Bigla akong nagulat nung may nagsisigaw sa labas.. Nalaglag ko tuloy si Bebe Mau,, kasi naman,, scene maker talaga yung RD na yon eh. 

"Kim!!!"

Aba at inulit pa hah!! si Popoy naman kasi eh, ayaw pang pabayaan na lang yung tao kung sa gusto nya na wag umalis sa labas e di wag.. bwisit. naman., Pinahid ko yung luha ko at naglakad papunta sa pinto ng bahay,,

"Poy!!!..."

"Kim??"

"Poy!! hayaan mo na siya, mabuti pa umuwi ka na sa inyo, hayaan mo siya dyan.."

Tapos bigla kong sinarado ang pinto.. Ang bad ko ba??? kasalanan naman nya eh.. ayaw pang umuwi.  Umakyat ako sa kwarto, at sinilip ko sila sa Bintana.  Masunurin talaga si Best,, umuwi na nga siya.  Ang takot lang nun sa akin pag di sya sumunod eh.  PEro si RD..  di pa rin siya umaalis.. Adik ba talaga siya..?? mag gagabi na oh.. Sigurado ako, mapapagod din yan,, aalis din yan.. iiwan din niya ako.. iiwan nya ulit ako...  Luha,,,luha... ito na naman .. ano ba namang luha ito.. di na naubos.. Humiga ako sa kama, ang bigat bigat ng pakiramdam ko,, ang sama sama ng loob,, ko kasi bigla bigla bumabalik sa isip ko ang lahat ng nangyari nung araw na iyon.. ang araw na iniwan niya ako.. iniwan niya akong mag isa.. iyak. lang sige lang kim.. iyak pa.....

Biglang bumuhos ang malakas na ulan..

"Kim!! Anak, si RD di pa umuuwi, papasukin ko na siya dito sa loob,, kausapin mo na"

"Ma!! Hayaan nyo na po siya,, matanda na siya"

"Pero anak..."

Di na lang ako nagsalita, at iniwan ako ni Mama,, siguro dahil binigyan ko siya ng "gusto ko pong mapag-isa looks" at na gets naman yun ni Mama.. Sumilip ako sa bintana.. ang dilim dilim na sa labas, gabi na at umuulan pa,, nakita ko si RD nakaupo lang siya dun sa labas ng gate ng bahay.  Bigla akong kinabahan, at napaiyak na lang,, dahil naalala ko na takot nga pala siya sa ulan.. TAkot siya .. natatakot siya sa ulan....

BAkit ba ganito ang nararamdaman ko... naawa ba ako?? nag-aalala?? mali ito.. di dapat ganito... nung iniwan niya ako.. umulan din noon,, umuulan,, umuulan...

Nagbalik ako sa kama at nagtalukbong ng kumot at unan... ayaw ko na!! Ayaw ko na sa kanya... Niloko niya ako... sinaktan... Gusto ko na siyang kalimutan.... 

Patuloy lang ang pagpatak at lalong paglakas ng ulan... Ilang oras din,, ilang oras na....

"Kim!! anak.."

Napabaligwas ako nung biglang pumasok si MAma sa kwarto at tarantang taranta na tinawag ako..

"Ma ?? ba-bakit po?"

"Si RD!!!"

"Ma anong.............."

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nasa ospital ngayon sina Mama... Bigla kasing nawalan ng malay si RD, at ang init init niya.. Pero di ako sumama dun,, Nagkulong lang ako sa kwarto magdamag,, pero bakit ganito?? nag-aalala pa rin ako sa kanya hanggang ngayon... Halos di na ako nakatulog sa kaiisip.. nakokonsensya ako... Bakit ba kasi ang tigas ng ulo niya at di na lang siya umuwi??? Nakakainis siya.. nakakainis talaga... Tumayo ako sa kama, maliwanag na,, wala na yung pasaway na ulan... Si Bebe Mau,, nasa sahig... at may napansin akong isang papel...

Isang madumi at malukot na papel...  Saan naman galing itong papel na ito.. Sinubukan kong buklatin ng dahan dahan ang papel, kasi parang mapupunit na ito.. medyo madumi na, kasi parang nabasa na natuyo itong papel, pero mababasa pa naman ang nakasulat....

Time after time......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon