00001

27 1 0
                                    

"Hindi ka magkokoloheyo"

Parang gumuho ang mundo ko sa narinig galing sa bibig ni Mama. Nanlamig ako, parang namamawis at nawalan ng lakas! I don't know what to feel and say.

Nakaplanado na ang lahat! I strive so hard in my Senior high-school and Junior high-school para makapasok sa magandang university at makatanggap ng scholarship.

"M-ma" nanginginig ang boses kong sasabihin.

"Huwag ka ng mag inarte dyan Airyn! Wala tayong pera! Magsisimula ng mag-aral ang kapatid mo! Kaya huwag ka ng magkolehiyo! Wala na naman yang kwenta" walang awang sabi ni Mama kaya sunod-sunod na tumulo ang luha ko.

"Ma!...Kailangan kong mag-aral ma! Paano ang mga pangarap ko sa buhay!...Paano...paano ko kayo eh aahon sa hirap kung hihinto ako-"

"Bakit? Sa pag-aaral! May kikitain kang pera? Mabubuhay tayo nyan? Tignan mo si Henry! Kahit hindi nakapag tapos! Nakatulong sa mga magulang nya!"

"Ma! Iba pa rin kapag nakapagtapos ka ma! Maraming opportunity, malaki ang sweldo-"

"Wala tayong pera Airyn! Hindi naman kita papatigilin sa pag-aaral kung mayroon tayong pera pero wala!"

Napapikit ako ng mariin at napakuyom and aking mga kamao!

Tiniis ko ang pangmamaliit nya sa akin, yong tinawag nya akong kung anu-anong mga pangit na pangalan! Hindi pagbibigay sa akin ng atensyon! Hindi pag bibigay sa akin ng allowance noong senior and junior high school ko! Pangmamahiya nya sa akin kahit ang raming tao! Tiniis ko pero ito?

"Ma! Parang-awa mo naman! Kahit ito lang! Hindi lang naman para sa akin to!" Sigaw ko talaga kaya nakatanggap ako ng sampal.

"Sarili mo lang talaga ang iniisip mo! Sinabi ko na! Wala tayong pera! Hindi ka makapag-aral! Humanap ka ng trabaho!" Sigaw rin ni Mama sa akin.

Napaupo ako sa sahig dahil sa panghihina. This is not right, this is so unfair! Hindi to pwede! Ang mga pangarap ko! Hindi pwede to.

Tulala ako sa aking kwarto, iniisip kung anong kahihinatnan ng buhay ko kapag hindi ako makapag koleheyo.

Si Ana na hanggang grade 10 lang dahil nabuntis, ngayon nagtatanim na ng palay sa bukid, palaging nangungutang kahit nagkandakuba-kuba na sa pag-t-trabaho wala pa rin, kulang pa rin, nagkakautang pa rin.

Si John, hanggang grade 11 lang dahil tumigil sa pag-aaral dahil ayaw nya na, nasa kulungan na ngayon dahil gumamit ng pinagbabawal na gamot.

Si Christian na huminto sa pag-aaral dahil hindi na kaya ng financial nila, ngayon kung anu-anong raket ang ginagawa. Construction, taga lako ng balot o di kaya taga hugas sa karenderya, magsasaka pero mahirap pa rin sila!

Mama is insane! Hindi pweding ganito lang ako! Mas lalo kaming maghihirap! Hindi pweding hanggang dito lang ako!

Napatalon ako nang sunod-sunod na mensahe ang natanggap ko sa GC namin!

Ashly shared a link

From Ashly:

Everyone! Mag register na kayo! Paunahan ito! May scholarship! Free dorm at allowance bastat matalino ka!

Ivan:

Puta! Saan na lang kami pupuluting mga bobo?

Ashly:

Mag-asawa ka na lang!

Chaska:

Try ko lang to! Hindi ako mayaman pero try ko lang baka swertehin ako!

Nelia:

Ako rin! Baka maawa si Lord!

Jessa:

Mga bobo! Click the link na! Sayang ang pagkukuda niyo!

Just Like HowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon