"Okay ka lang ba? Anong ginawa sayo nong Belle? Huh?" Nag-aalalang Saad ni Belle habang tinignan ako mula ulo hanggang paa kung may sugat ba ako o may bali ng buto.
"I'm okay. Lumayo ka na sa akin" malamig kung sabi kaya agad syang sumunod sa akin at padabog na sinalpak ang sarili sa upu-an.
"Na stress ako sa inyo! Masyadong obsessed ang babaeng yon sa jowa mo! Jusko! Kaya siguro sya binigyan ng sakit ni Lord para mapigilan sya sa maiitim nyang balak"
"Kamusta si Analyn?"
"Ayon! Nag-aasikaso ng mga papels nya dahil mag-aaral daw sya! Sobrang excited nang bata na akala mo ang saya-saya sa school!"
"Lumalabas?"
"Oo naman! Pero may curfew yon sa akin! Sumusunod naman at nagpapaalam" I just nod and lazily browsing my phone.
"Make sure na hindi yon magpapagabi. She's still not safe" tamad kong sabi.
"Naks! Ganap na ganap na ate!" Tukso nya sa akin kaya inis ko syang tinignan. Agad naman syang nag peace sign sa akin.
"Ay oo nga pala! May gagawin ka bukas?"
"May appointment kami sa doctor"
Supposedly, ngayon sana pero may naka schedule na kaya nilagay kami bukas kaya today it's so boring.
I look at Kristine.
"Anong tingin yan?"
"Nasa hospital pa ba si Belle?"
"Iwan ko! Close ba kami? Hello?"
"Dalawin natin?" Agad syang umiling sa akin.
"Baliw ka ba? Paano kung may mangyaring masama sayo doon? Lagot ka sa jowa mo!... Ako pala! Hindi naman yon magagalit sayo, patay na patay yon eh! Kaya walang lalabas sa bahay!" Agad nyang angal.
"Bahala ka, ako na lang ang pupunta" kibat balikat kong sabi at dinampot ang sling bag ko.
I heard her cursed at dali-daling sumunod sa akin.
"Saan kayo iha?"
"Pupuntahan po nya-"
"Sa mall po, mag tingin-tingin ako ng mga gamit para sa baby" putol kay Kristine na napairap sa gilid ko. I look tita na napangiti.
"Mabuti yan. Gusto sana kitang samahan pero makikipag kita ako sa may ari ng lupa ngayon, may trabaho si Clyde kaya ako mag-aasikaso...huwag masyadong magpapagod" bilin ni Tita bago kami pinakawalan.
Putak naman ng putak si Kristine na kesyo daw sya ang mapapagalitan sa pinagagawa namin, nababaliw na raw ako dahil dadalawin pa si Belle at kung anu-ano pa. Hindi ko na lang kinibo dahil nakakarindi syang pakinggan.
"Ang bait ng magiging mother in law mo pero ang tigas ng ulo mo! Lagot ka talaga pag malaman nilang dito ka sa hospital pumunta!"
"Just shut up!" Inis kong sabi. Umirap lang ang gaga.
"Sigurado ka ba na dito dinala si Belle? Huh?"
"Dito namin kinuha sina Tita"
"Psh!"
Agad kaming nagtanong kung saan ang kwarto ni Belle na agad naming nakuha kaya mas lalong kinakabahan si Kristine na akala mo may magagawa yong babaeng yon!
We are stronger than her pero sya tong kabado!
"Pag ako nasesante! Susustentuhan mo talaga ako!" Banta nya bago kami kumatok at pumasok sa loob.
Naabutan naman namin si Atticus na tahimik na nagbabasa ng libro at si Belle na natutulog sa kama na naka swero.
Atticus eyes widen at agad napatayo sa kinauupu-an nanag nakita kami. Nilibot ko ang mata ko para hanapin ang magulang nila pero wala ni isang bakas nila kaya bumalik ang tingin ko kay Atticus na papalapit na sa amin.
BINABASA MO ANG
Just Like How
RomansaA young woman had been struggling with feelings of being unwanted and unloved. She often felt alone, as if no one was by her side. Each day was a challenge, and the weight of her solitude seemed overwhelming. Despite her efforts to connect with oth...