Our sacrifices are worth it.
Yan palagi ang tinatak ko sa utak ko, nag-aral ako ng maigi, nag pa-part time job at kung anu-anong raket ang ginawa para magka-pera.
Binibigyan naman ako ni Atticus but my pride told me na hinding-hindi ko iyon gagamitin, iniipon ko na lang para kapag sumabatan na ako nong abnormal na yon, eh sasampal ko sa kanya ang pera nya.
But all in all, hindi rin madali, the struggle in school, in life and longing De Lara's presence, love, jokes and silliness ang hirap.
Gabi-gabing umiiyak, hinahanap ang presensya nya sa araw-araw dahil nasanay na ako na sya palagi ang kasama ko sa lahat, ang hirap mag adjust kaya hindi ako makausad-usad but I always put in mind, lahat ng to, worth it. Lalo pang binalita sa akin na maayos na ang buhay ni De Lara at ng kanyang pamilya.
Yan lang naman ang mahalaga sa akin, ang maging maayos na sya and I hope and I pray maiintindihan ako ni De Lara at hindi sya galit sa akin.
"Pang ilang companya na natin to! Puro tatawagan na lang namin kayo ang response! Putcha!" Kristine said isa sa mga kumukulit sa akin nang lumipat ako rito sa Bulacan.
Nasa kabila lang ang unit nya, palagi nya akong ginugulo rito dahil wala syang ulam or kung hindi makiki-aircone daw sya. Though ayaw na ayaw ko na talagang may kaibigan pa pero ang kulit nito eh and until now naghahanap na kami ng trabaho, magkasama pa rin kami.
"Ang ta-taas ng standard teh! Pero ang baba ng sweldo! Putcha!" Reklamo nya at humilata sa sofa.
She's true! Halos isang linggo na kaming naghahanp ng trabaho pero hanggang ngayon, nganga!
Inayos naman namin ang interview! Pero mukhang hindi satisfy sa mga sagot namin! Peste talaga!
Akala ko pagkatapos mong mag-aral, okay na! Magkakapagtrabaho ka kaagad dahil may diploma ka, nakapagtapos pero ito kami ngayon pagod. Ang haba-haba ng pila tapos ang ending puro tatawagan lang daw kami!
I close my eyes and sigh heavily!
Napapagod na rin ako kakahanap ng trabaho! Parang hopeless na dahil puro tatawagan na lang kami ganito ganyan! Nakakairita.
"What if doon na lang tayo kay Atticus!? Putah friend, finance manager tayo doon sa firm nya tapos ang dami pang pogi!"
I glared at her.
"Ikaw, doon ka, maghahanap na lang ako ng trabaho kahit abutin pa ng taon! Huwag lang doon!" Nakabusangot kong sabi.
"Wow! Ang arte! Friend, sa panahon ngayon kapag wala kang backer, wala talaga friend! Wala tayong trabahong matino! Nag offer na ang may ari! Kaya grab the opportunity! Baka ipagtayo pa nga tayo ng sariling companya natin eh!"
Nangangarap ng gising ang babaeng to!
Kung wala lang talagang atraso ang kapatid non sa akin, hinding-hindi ako non tutulungan nang ganito kahit ayaw ko!
I frowned nang lumapit sya sa akin at niyogyog ang balikat ko.
"Ano ba!" Inis kong sabi.
"Sige na friend! Marami akong anak na bubuhayin! Wala pa akong trabaho! Ano tayo rito? Tambay with degree? Putcha! Cum Laude ka pa nyan pero wala pa ring trabaho! Paano naman akong design lang sa classroom natin before?"
Tinampal ko ang kamay nya at bumuntong hininga.
"Ikaw na lang ang magtrabaho doon, ayokong makasama ang mokong na yon!"
Ayoko ng maging malapit sa mga Dela Vega, dalang-dala na ako! Ang buti-buti sayo sa una pero ang ending, may kapalit pala!
"Wow! Ayaw raw pero linggo-linggo binibisita rito!...Umamin ka nga sa akin! May gusto yon sayo no?"
BINABASA MO ANG
Just Like How
RomanceA young woman had been struggling with feelings of being unwanted and unloved. She often felt alone, as if no one was by her side. Each day was a challenge, and the weight of her solitude seemed overwhelming. Despite her efforts to connect with oth...