00006

8 1 1
                                    

Tahimik lang ako habang kumakain kasama ang magkapatid at ng mga kaibigan ni Belle. Though palagi ko silang kasama kapag nahatak ako ni Belle but they are not my friends, hindi rin naman friends ang turing nila sa akin.

"Grabe! Law student ka pala Kuya? Ang gara! Mahirap po ba dyan?" Magiliw na sabi ni Janice.

Actually kanina pa silang tatlo tanong ng tanong kay Atticus, sagot naman ng sagot ang isa, hindi man lang nahalata na nagpapansin lang ang tatlo.

Magkapatid nga sila ni Belle! Ang mamanhid, hindi man lang makaramdam! Iwan ko sa kanilang dalawang magkapatid! Na s-stress ako sa kanila.

But on the other hand, baka ganyan talaga ang mga mayayaman! Walang kamuwang-muwang sa mundo, kahit na harap-harapan ng ginagamit, nagpapansin para mapansin sila, wala pa rin silang paki, akala nila genuine ang lahat ng tao sa kanila!

I guess kapag mayaman ka, pera, trabaho, companya, mga asset, investor, at mga utang lang importante sa kanila para manatili sila sa taas. At dahil sa ganyang mindset nila, nakaligtaan nila ang kahalagahan ng pagmamahal, oras, at mga aral sa bawat problema na dumating sa kanila.

I promise to myself, if matutupad ko ang mga pangarap ko by God's grace, hindi ako tutulad sa kanila. Kapag may pamilya ako, maglalaan talaga ako ng oras tapos maging cautious sa paligid ko dahil mahirap mag tiwala sa mga tao lalo pa kong nasa toktok ka.

But I am wondering. Bakit ganon ang Mama sa akin? Hindi ako binigyan ng pagmamahal, atensyon at hindi nakaramdam na nasasaktan na ako sa ginagawa nya sa akin?

Hindi kami mayaman, mahirap pa kami sa daga! How come naging ganito ang takbo ng buhay ko? Na kailangan ko pang lumayas para makapag-aral?

Ang speaking of her. Ni wala akong nabalitaan na pinaghahanap ako dahil nawawala. Ni hindi nag m-message ang mga kaklase ko kung saan na ako dahil hinanap ako ng Mama ko, kahit mga kamag-anak ko wala akong narinig.

Mukhang hindi talaga pamilya ang turing nila sa akin! Hindi man lang nag-aalala kung nasaan ako!

They keep on talking and talking, nakikinig lang ako sa kanila. Sinasali naman ako ng magkapatid, tatango lang ako at tipid na sumagot kapag may tanong sila. Yan ang naging set up hanggang sa makauwi kami sa school.

"Mag-ayos ka bukas. Pinapauwi tayo ni Mommy" sabi ni Atticus bago kami makababa ng kotse. Kita ko pa kung paano natigilan si Belle.

"Huh? Grabe naman ilang araw pa lang ako rito! Miss na nya agad ako?" Nakanguso nyang sabi.

Lumabas na lang ako ng kotse at hinantay si Belle. I look the three na nagbubulungan, hindi man lang ako pinapansin kaya confirm, si Belle lang talaga ang kaibigan nila.

"Uuwi pala ako bukas guys! Miss na ako ni mommy eh" anonsyo ni Belle pagkalabas nya ng sasakyan.

"Mamimiss ka rin namin Belle! Ganyan talaga ang mga magulang!"

"Sayang, eh sasama ka sana namin bukas mag mall! Mag a-arcade kami! Tapos mag papa-nails!"

"Oh? Sayang pero kailangan kong umuwi...si  Airyn na lang ang isama nyo! Though tahimik talaga to kasama dahil mahiyaan but she is fun to be with!" Proud pa nyang sabi.

Nakita kong nagtinginan ang tatlo! Halatang hindi sang-ayon sa sinabi ni Belle kaya ako na lang ang umiling.

"Hindi ako mahilig sa ganyan. May a-aralin pa ako"

"Naku! Sayang at hindi kayo makakasama bukas! Pero may next time naman. Belle sama ka na sa susunod ah?" Belle immediately nod.

"Promise!" Masaya nyang sabi.

Just Like HowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon