00046

1 0 0
                                    

The lawyer explained to us what will happen after ma arrest ang nanay namin pero umiiyak si Analayn kaya hindi na lang ako nakinig dahil naiirita ako sa kanya.

Hindi deserve iyakan o kaawan yon! Dahil sa mga pinagagawa nya sa amin, but still she cried!

Bahala sya sa buhay nya ang importante sa akin makulong na yon para ma realize nya ang mga mali nya sa buhay! At mga pagkukulang nya sa amin!

At sana kapag na realized nya na hindi nya kami guguluhin dahil baka kung ano pang magawa ko sa kanya.

Natapos na lang mag explain ang si Attorney ang Analyn umiiyak pa rin kaya nakabusangot akong lumabas.

"Tapos na?" Napatalon ako ng biglang sumulpot si De Lara sa kung saan.

"Akala ko bumalik ka na sa trabaho?" Gulat kong sabi at hinawakan ang dibdib ko sa gulat.

Siraulo talaga ang lalaking to.

"Walang maghahatid sayo pabalik"

"Kaya kong umuwi..." Natigil ako sa pagsasalita ng maalala ko na wala akong pera kaya nilahad ko ang kamay ko at umiwas ng tingin.

"What are you doing?" Taka nyang sabi.

"Wala akong pamasahe. Pahingi" nakanguso kong sabi at umiwas ng tingin.

"What?" Natatawa nyang sabi kaya nag-init ang pisngi ko at binaba ang kamay.

"Edi huwag kang magbigay! May paa naman ako!" Inis kong sabi at lalagpasan sana sya ng agad nya akong hinarangan.

"Lakas mong mang-away kanina tapos-"

"Ano?" Inis kong putol sa kanya. He smile.

"Of course, Bibigyan kita...Bili tayo ng gamit ni Baby?" Biglang offer nya.

"May trabaho ka!" Mariin kong sabi.

"Okay na, inasikaso ko na yon kaya tara?" Kumunot ang noo ko pero hinila nya na ako. I look back Analyn na kumaway sa amin. Isa pa tong tanga!

"Teka" Ani ko at tinuro si Analyn.

"Oo nga pala"

Dahil sumabay sa amin si Analyn. Tumahimik ako sa kotse at hindi nagsalita. Tough nagtatanong si De Lara kay Analyn kung saan sya mag-aaral at kailangan magsisimula ng klase hindi ako nakisali.

Ang importante, pinag-aaral ko sya at nag-aaral sya. I don't care kung kailan magsisimula o kung saan, basta nag-aaral sya at nakapagtapos! Bahala na sya sa buhay nya.

Hinatid muna namin sya sa unit bago kami dumirtso sa mall.

Iwan ko sa lalaking to kung bakit bigla nag-aya na bumili ng gamit ni baby eh wala pa ngang isang buwan. Hindi pa namin alam ang gender kaya iwan ko talaga dito sa lalaking to!

Kung nagtrabaho sana sya ngayon edi nabawas-bawasan ang trabaho nya! Ang engot talaga.

"Here" aniya at nilahad sa akin ang isang card.

"Anong gagawin ko dyan?" Taka kong tanong.

"For you..."

"Huh?"

"Sige na para mabili mo ang gusto mo at magagamit mo kaya sige na"

I blink at tinignan ang card na binigay nya.

"You mean..."

"Hmmm...Tara na! Excited na akong mamili!"

"Paano ka?...sayo na lang to!" Ani ko at akmang isasauli ko sa kanya pero hindi nya tinanggap at pinakita ang wallet nya sa akin na may ibang Card at may itim pang kulay.

Just Like HowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon