00027

6 0 0
                                    

"Kagaya ng palagi mong pinagagawa sa akin bro kapag may bagong employedo, nag background check ako dito kay Rosario" seryoso pang sabi ni Atticus.

Halos maiyak na ako sa kinauupu-an ko dahil sa hiyang nararamdaman, takot, panginginig at kung anu-ano pa! Lalo pat ramdam na ramdam ko ang titig ni De Lara sa akin!

I didn't know na sya pala ang boss rito! Hindi naman kasi binggit at hindi rin naman ako nagtanong! At ang gagong Atticus na to! Hindi man lang nagsabi! Shit!

"Itong babaeng to! Napakatigas ng ulo! Kung hindi mo pagbabantaan na gawing mesirable ang buhay mo, hindi susunod sa akin!"

"Atticus! Namumuro ka na sa akin!" Hindi mapigilan kong pagtaas ng boses dahil sa pinagsasabi nya!

Nakakainis! Kita namang wala ng interest ang tao sa akin tapos ganyan pa ang pinagsasabi! Kaya ayoko talaga sa mokong na to eh! Nakakabwesit! Ang sarap sipain sa mukha.

"Kita mo na bro? Lumalaban sa tatay nya! Ang hirap-hirap magpalaki sa batang to! I bet, she never use the money I used to give her, millionaire na to!" Walang kwenta nyang sabi kaya patago ko syang sinapa sa paa nya.

Ni hindi na nga ako makatingin kay De Lara dahil sa hiyang nararamdaman, ganyan pa ang pinagsasabi! Plus! Ni hindi ko narinig ang boses ni De Lara kaya alam kong wala na talaga syang paki sa akin!

Dahil! Kung may paki pa sya sa akin, kung ang dati pang De Lara ang nandito, sumasabay na yon sa kalokohan nitong si Atticus! Knowing his attitude! Mas malala pa yon kay Atticus but today? Walang response kaya wala na talaga!

But I am so very thankful na ganito ang naabot nya sa buhay. This is the life I want him to experience kaya masaya na ako, kontento na ako kahit hindi nya na ako mahal, worth it pa rin ang sacrifices ko.

"Kanina ka pa sipa ng sipa!" Nanunukso nyang sabi. I glared at him.

"And another thing bro, bukod sa katigasan nya ng ulo, hindi rin ako pinagbubuksan sa unit nya kapag dadalaw ako buti na lang at may kaibigan syang baliw na baliw sa akin kaya-"

"Ang kapal ng mukha mo!" Putol ko talaga sa kanya nya. I heard De Lara low chuckled kaya natikom ko ang bibig ko at yumuko dahil parang namula ang pisngi ko sa narinig mula sa kanya.

"Hay naku! Dalaga na ang anak ko!" Madramang sabi ni Atticus kaya inis ko syang tinignan. He laugh at nagbasa na naman sa dala nyang folder. Nag aksaya talaga ng oras sa walang kwentang bagay.

"Pasensya na bro. Proud lang ako pero bukod sa katigasan ng ulo at walang galang nito!-"

"Ano ba yang pinagsasabi!? Kahit kailan ka talaga ang bobo mong abogado!" Inis ko na talagang sabi dahil hiyang-hiya na ako sa sarili ko.

"Hah! Ako pa ang bobo! Hoy Airyn Celeste baka nakakalimutan mo na lahat ng kasong hinawakan ko, panalo ako-"

"Mangarap ka lang-"

"Bakit ba kontra ka ng kontra sa akin? Kailan kita tinuruang sumagot sa magulang mo?...Saan ba ako nagkulang? Pinakain kita ng tama! Pinag-aral-"

"Tumahimik ka na!" Inis kong sabi at hindi na talaga kaya at umalis na sana nang bumungga ako sa isang matikas na katawa kaya napaatras ako at namilog ang mata sa gulat.

"Yan lang pala ang makakapagtahimik sayo eh" natatawang sabi ni Atticus.

Nanalalaking mata akong umangat ng tingin kay De Lara. Mula sa napaka intimidating na aura, malamig na tingin at parang hindi marunong ngumiti nyang mga labi, his expression changed.

He's eyes sparkled and his lips smile kaya napakurap ako at napaatras, kumakalabog na ang puso sa kaba.

"Thank you for everything, specially for the sacrifices. Sorry for not being there, bawal pa kasi, ayokong maghirap ka ulit, masakit pero naging worth it naman lahat diba?" He's eyes watered kaya mas lalo pa akong nagulat.

Just Like HowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon