Parang nawala lahat ng lakas ko pagkatapos kong mag suka, nakasandal na lang ako sa dingding ng cr habang nakaupo kaharap ang kubita.
"Nasusuka ka pa ba mahal? Anong nararamdaman mo? Hey!" Nag-aalalang tanong ni De Lara.
Hindi ko na napansin na nandyan pala sya. All I can think is ang sama-sama ng pakiramdam ko at parang lalabas lahat ng kinain ko.
I shook my head at tumayo, agad naman syang nataranta at inalalayan ako.
"Okay lang ako..." mahina kong sabi. He shook his head.
Hinayaan ko na lang syang manood habang naglilinis ako sa sarili ko. Alalang-alala kasi ang bumalot sa mukha nya kaya hinayaan ko na lang sya.
"Magpahinga ka muna rito...Kukuha lang ako ng makakain mo...what do you want to-"
"Maglakad-lakad lang ako, yon ang bilin ng nanay mo para hindi raw ako mahirapang manganak"
"No! Masama ang pakiramdam mo baka mapaano ka pa..."
"It's part of my pregnancy, ikaw...matulog ka pa dyan, mamaya pa naman duty mo mukhang puyat ka" mahinahon kong sabi. He sigh heavily.
"I'm sorry kung hindi na kita nalutu-an ng adobo...sabi kasi ni Mama tulog ka na raw" I smile.
"Okay lang...inaalagan naman akong mabuti ng parents mo kaya ikaw...magpahinga ka rito dahil may trabaho ka pa!"
"Nope! Sasamahan kita sa labas"
"May trabaho ka pa"
"So?"
Kibat balikat na lang ang response ko kaya kaming dalawa ang naglakad paikot sa bahay nila tapos lumabas kami at bumili ng tinapay sa hindi kalayuang bakery.
I never thought na ang sarap pa lang gumala ng ganito kaaga, nakaka-fresh ng utak, ang peaceful ng paligid at ang sariwa ng hangin!
Baka gawin ko na to araw-araw! Ang sarap sa pakiramdam...
"Mahal..." pagbasag ng katahimikan ni De Lara. I look at him habang nginguya ang tinapay.
"Hmmm?"
"Sorry ang tagal kong umuwi. Minsan inuumaga na talaga ako dahil sa dami ng trabaho kaya pasensya ka na at hindi ko kayo maalagaan ng baby natin..."
I blink and look at him curiously mukhang big deal na big deal talaga sa kanya na hindi ako nilutu-an ng adobo.
"Okay lang...naiintindihan ko naman"
"And I am so sorry if hindi ko sinabi na may problema ako noon..."
My eyes widen in fraction. He look at me at kinuha ang isa kong kamay.
"I'm so sorry...ayoko lang kasing mam-mroblema ka, ayokong masaktan ka, ayokong nagagalit ka kaya hindi ko sinabi noon...I am sorry, I thought mas mabuting hindi mo malaman para hindi ka na madamay pero mali pala ako..."
Kumibot ang bibig ko dahil gusto kong magsalita pero hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.
I lost of words dahil confirm na confirm na narinig nya ang sinabi ko sa kanya habang tulog sya!
Akala ko he's asleep pero mukhang hindi! Dahil nagsabi sya sa akin ngayon nang ganyan kahit hindi ko tinanong sa kanya.
"I'm sorry for everything..."
"Hey-"
"No, don't say na hindi ko kailangan mag sorry pero mahal, kailangan ko, I felt guilty everytime na-alala ko kung paano ko naghirap ng wala ako, hindi ka pa naka-graduate sa tamang taon dahil sa akin, I'm sorry" he sincerely said at yumuko para hindi ko makita ang mukha nya.
BINABASA MO ANG
Just Like How
RomanceA young woman had been struggling with feelings of being unwanted and unloved. She often felt alone, as if no one was by her side. Each day was a challenge, and the weight of her solitude seemed overwhelming. Despite her efforts to connect with oth...