00008

11 1 0
                                    

Hindi na ako pinansin ni Belle simula ng araw na yon, kahit nasa dorm kami, hindi rin nya ako pinapansin, binaliwala ko na lang at nag-aral na lang ako.

Sanay naman akong hindi pinapansin ng mga taong malalapit sa akin kaya okay lang at wala naman akong dapat ikabahala kong bakit ganyan sya sa akin, wala naman akong ginawang masama.

At nakaka-offend ang sinabi nya kay De Lara na wala namang ginawang masama! Ni libre na nga ako nang tao kahit nabawasan ang allowance nya tapos ganon pa ang naririnig ko tungkol sa kanya.

At tuwing lunch at dinner naman, palagi kaming magkasama ni De Lara dahil pagkalabas ko nasa labas na sya naghihintay o di kaya nasa may hagdan nakipagdaldalan habang naghihintay.

Siguro yan rin ang isa sa mga dahilan kaya hanggang ngayon hindi ako pinapansin ni Belle but wala naman kaming ginawang masama at tyaka wala naman kaming relasyon ng Kuya nya para umakto syang galit sa akin na para bang nag cheat ako!

I see that, she wants me to be her Kuya's girlfriend, wala naman akong paki dahil hindi naman yan ang priority ko but the thing is, sana hindi nya diniscribe ng ganon si De Lara.

"Hanep ah? Nag baon ka talaga ng rice?" Namamanghang sabi ni De Lara nang nilagay ko ang Tupperware na puro kanin sa table namin.

Nasa isang karenderya kami ngayon, sabi kasi nya libre ang sabaw nila rito at ang sarap pa ng pagkain, wala naman akong magagawa dahil hindi ako lulubayan nito kapag hindi ako sumama.

"Para tipid! Ang mahal ng rice nila tapos kulang pa"

"Ibang klase talaga" he mumbled pero kumuha rin mg kanin sa tupperware.

Tahimik lang akong kumakain habang sya daldal ng daldal dahil ang dami raw nyang nadiskubre sa mga system-system ng computer, mga coding and so na hindi ko maintindihan!

"Tyaka! Tinuru-an rin kaming mag hack! Ang gara din! Kapag kailangan mo ng pera sabihin mo sa akin. Eh h-hack ko ang Bangko Central ng Pilipinas!"

"Joke ba yan?" Malamig ko lang sabi.

"Hindi! Seryoso yan! Kailan pa ako nag joke na tumawa ka!?" Nakangiwi nyang sabi. Napailing na lang ako.

"But anyway, napapansin ko ah...bakit hindi ka na sinasama nong Dela Vega at tatlo nyong kasa-kasama noon?" I shrug.

"Iwan at hindi rin naman ako sumasama dahil hindi ko trip ang mga trip nila" pagsisinungaling ko dahil ayoko namang sabihin sa kanya ng totoo.

"So trip mo ako dahil sumasama ka sa akin?" Hirit nya.

"Napipilitan" he scoffed.

"Wow! Buti nga sinasama ka ng ganito ka gwapo eh! Hindi mo ba alam na ang daming nagkandrapa sa akin na makasama ko sila tapos ikaw? Sinunsundo ka pa sa classroom mo at hinahatid tapos napipilitan ka lang?" Reklamo nya. I look at him and sip my soft drinks.

"Sila ang isama mo" he sigh at bumalik na lang sa pagkain.

"I remember...hindi ka pala marunong manlambing...so iisipin ko na lang na gusto mo na sila ang isama ko dahil nag seselos ka!" He said while eating. Napataas tuloy ang kilay ko.

"Excuse me?" Taas kilay kong sabi.

Me? jealous? Wala na sa vocabulary ko ang word na yan! Hindi na ako nagseselos! My mother trained me so well. Kung ang binibigay sa iba ang atensyon na binibigay nila sa akin, then so be it, I don't care.

"Bakit? Dadaan ka?" Inis kong dinuro sya ng tinidor kaya natawa ang ugok.

"Nga pala! Wala kang klase 2:30 -4:00 diba?" I nod.

Just Like HowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon