Nasanay ako sa saya, sa gaan ng pakiramdam at pagmamahal na binigay sa akin ng kasamahan ko sa trabaho at ng amo ko kaya nang Friday na at sa Lunes may pasok na ako, nakakadurog ng puso at nakakaiyak.
Ayoko ng umalis rito, ayaw kong mawalay sa kanila dahil dito lang ako masaya, dito, may pamilya ako, nakaapagkwento, hindi ako outcast. Pumasok na nga sa isip ko na next year na lang ako papasok.
Pero sa tuwing magbabasa ako sa social media. Naaalala ko ang mga pangarap ko, na-aalala ko kung anong goal ko sa buhay.
I need to sacrifice my work here in order to achieve my dreams.
Ashly:
Sana may locker na doon sa school ko para maranasan ko na yong nakikita ko sa palabas at nababasa ko!
John:
Ako na lang gagawa nyan Ashly, kahit walang locker, gagawin kong parang pelikula ang love story narin.
Steven:
Yon oh! Tang-Inang pre!
Ashly:
Iwwww! Kung ikaw lang, magiging single na lang ako forever!
Patricia:
Huwag kayong maglandian sa GC! At huwag rin lumandi ang hindi pa enroll! Hahahhaa
John:
Enroll na ako Patricia! Baka nga mauna pa akong grumaduate sayo eh!
I sigh heavily at pinatay ang phone ko. Wala talagang kwenta ang GC namin kahit kailan! Napaka nonsense ng mga sinasabi nila! Buti na lang hindi ko na sila kaklase ngayon.
My phone beep again kaya tinignan ko pa rin ito kahit alam kong walang kwenta pa rin ang mababasa ko.
Belle Jessica Dela Vega request a message.
Ngumiwi ako at pinindot ko ang request message. My eyes widen nang nakita ko ang bagong GC.
Belle Jessica Dela Vega added you to CBA Warriors Planner
Sky:
Hi everyone
Belle Jassica
Hello rin Classmates!
Napangiti ako at agad na nag send ng like emoticon.
Belle Jessica:
Oh my! Hi Friend Airyn! Accept mo naman kami ni Kuya.
Napatakip ako ng bibig nang sa GC nya talaga menissage yon. Wala bang hiya tong babaeng to?
Sunod-sunod naman nag hi ang mga bagong kaklase ko at menintion pa ang pangalan ko kaya namula ang aking pisngi at binitawan ang phone ko.
"Nakakahiya" I mumbled pero tinignan ko pa rin ulit.
Belle Jessica:
Early kayo ngayong Monday huh? May flag raw, attendance is a must kaya a-attend tayo! See you all sa Monday! @airyn accept mo na ako, please.
Napapikit na lang ako ng mariin nang siningit na naman nya yang pag accept ko sa kanya sa Facebook.
I sigh heavily at wala ng magawa at pinindot ang confirm sa friend request nya at sa kanyang Kuya para tumahimik sya.
Agad naman nyang binalita yon sa GC naming mga first year kaya maraming nag haha sa message nya, Napa facepalm na lang ako.
"Airyn!" Malakas na sigaw ni Mama at narinig ko talaga ang malakas nyang pagsara sa pintuan at halos na sirain ang pinto ng kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Just Like How
RomanceA young woman had been struggling with feelings of being unwanted and unloved. She often felt alone, as if no one was by her side. Each day was a challenge, and the weight of her solitude seemed overwhelming. Despite her efforts to connect with oth...