"Uwian ba ng babae ngayon Airyn?...At wala ka ring respeto ano! Hindi ba pumasok sa kokote mo na magpaalam? Hah? Ano to? Nagrerebelde ka na ba?"
Nakatungo lang ako habang nakikinig sa talak ni Mama. Gabi na ako nakauwi dahil ang tagal ng bus, traffic pa kaya nakatanggap ako ng hampas ni Mama at mga talak.
It's worth it though! At least officially enroll na ako. Ang kailangan ko na lang gawin ay maghanap ng part time para may pamasahe ako at may kunting pera kapag klase na.
"Sinasabi ko sayo Airyn! Papalayasin talaga kita! Total wala ka namang silbe rito, palamunin ka pa! Hindi marunong tumulong!....magluto, maglinis at maglaba hindi mo pa magawa! Inuna mo pa ang maglakwatsa!"
Ngumiwi lang ako at mariin tinignan ang sahig. Hindi na tatalab sa akin yan! Masaya ako na nakapag enroll na ako. Though wala yong pangarap kong course at least makakapag-aral ako!
Talak ng talak si Mama hanggang matulog ako, binaliwala ko na lang mas importanteng mag-isip kung saan ako mag t-trabaho, sa pangalawang week na ang start ng klase kaya kailangan kong mag ipon.
"Saan ka na naman pupunta? Ang daming labahin dyan! Mag laba ka!" Sigaw kaagad ni Mama.
"Maghahanap ng trabaho" matamlay kong sabi. Mama look at me.
"Mabuti at pumasok yan sa isip mo! Rebelde-rebelde pa! Maging practical ka na ngayon para naman may ambag ka rito sa bahay"
Napakuyom ang kamao ko dahil sa narinig. I need a support! No matter how painful of what she did to me, I still need support!
"Para makapag-aral ako" dagdag ko. Malakas na hinampas ni Mama ang lamesa.
"Akala ko ba matalino ka? Hah? Mahirap bang intindihin na wala tayong pera? Hindi tayo mayaman?...Airyn! Walang yumayaman sa pag-aaral!"
"Pero maraming taong nakinabang. Ma! Mas maganda pa ri kapag nakapag-aral ka! Mabilis lang ang pera hindi ka pa mahihirapan sa trabaho-"
"Sarili mo lang ba ang iniisip mo? Wala na nga tayong halos makain, ni pambayad ng kuryente wala tayo tapos mag-aaral ka pa?"
Bumuntong hininga ako.
"Iwan ko ma" pagod kong sabi at umalis ng bahay.
Nakakapagod makipag-away sa kanya! Gusto ko lang naman mag-aral! Bahala sya. Kung ayaw nya talaga, ako magpapa-aral sa sarili ko kahit itakwil nya ako sa pamilya, wala akong pakialam makakapag-aral lang ako.
I will prove to her na yayaman ako dahil nakatapos ako pero sa ngayon tiis-tiss muna.
"Magpasa ka lang ng bio data" ani ng isang enterprises. I nod at agad bumili ng bio data at nag fill up ng form.
Agad ko itong pinasa at nag hanap ulit ng ibang enterprises para in case hindi matanggap doon may reserba.
"Tatawagan ka na lang namin, siguraduhin mo lang naka on lageh ang phone mo" Ani ng isang manager.
I sigh heavily. Dapat makapag trabaho na agad ako bukas! Malapit ng pasukan!
"Ma'am, pwede bang magtanong tungkol dito sa wanted tindera?"
Napatingin naman sa akin ang isang tindera!
"Oo naman, halika ka rito, sasabihin ko kay ma'am"
Nasa isang palengke ako ngayon particularly sa isang sari-sari store! Kahit dito man lang makapasok ako! Kunti na lang ang panahon eh.
Bibili pa ako ng gamit sa school! Mga dadalhin ko doon sa dorm! Wala akong aasahan sa Mama ko kaya kailangan kong gumawa ng paraan!
Tinignan ng kanilang amo ang bio-data ko. Tahimik naman akong nakatayo sa harap. Naghihintay na magsalita sya.

BINABASA MO ANG
Just Like How
RomanceA young woman had been struggling with feelings of being unwanted and unloved. She often felt alone, as if no one was by her side. Each day was a challenge, and the weight of her solitude seemed overwhelming. Despite her efforts to connect with oth...