"Huwag kayong mag-alala, gagawin ko lahat para managot ang dapat managot. Hindi to tatagal, may mga ibensya na at statement mula sa biktima. Tatawagan ko na lang kayo for the updates"
I sigh and nod.
"Thank you po" magalang na sabi ni Amalyn.
I look at her at nakitang medyo umaliwalas na ang mukha nya, hindi na miserable at umiiyak! Buti na naman dahil nakakairita syang tignan.
"See you around" Ani ng attorney at naunang umalis.
I look at Analyn na nakahinga ng maluwag. May be she thinks that she is free now and no one can harm her! But she's wrong, the hardest battle in this lifetime is your self and I hope she will win that battle.
"Mag-aaral ka"
Halos mabuga nya ang kanyang iniinom at nanlalaki ang mata.
"Po?" Gulantang nyang sabi.
"Mag-aaral ka. Make sure na makakapagtapos ka, makahanap ng matitirhan at huwag bumalik sa nanay mo! Dahil sa oras na malaman kong gumawa ka ng kalokohan, lagot ka sa akin" malamig kong sabi.
I sigh heavily nang nakitang namasa ang mata nya. Napakaiyakin talaga! Nakakabwesit.
"Talaga po?"
"Don't take any scholarship from other people. Ako magpapa-aral sayo! Make sure na hindi ka magbubulakbol! At, doon ka manatili sa unit ko para may maglilinis doon araw-araw. Kapag dumalaw ako doon at napakadumi malilintikan ka sa akin" pagbabanta ko sa kanya.
Kumurap sya at biglang tumayo akala ko kung saan pumunta pero bigla akong niyakap kaya nanlaki ang mata ko sa gulat.
"Thank you po! Salamat po, promise po hindi ko sasayangin ang pagkakataong to! Salamat po!... Magtatapos po ako! Lilinisan ko po ang unit nyo araw-araw! Wala kayong makikitang kahit na anong alikabok doon! Salamat! Salamat!" Umiiyak nyang sabi.
I sigh at inalis ang pagkakayap nya sa akin dahil namamasa ang mata ko. Damn this hormones!
"Siguraduhin mo lang" I mumbled.
Inihatid ko muna sya sa unit bago umuwi kina De Lara at nag search ng mga school na malapit lang sa unit ko. Sa dati ko sanang school pero hindi ko kayang tuition doon.
At sana lang huwag mausog utak non at tulungan ang nanay nya dahil ako talaga ang uumpog sa ulo nya para matauhan.
Our mother is a witch! Imbes na sya ang Mag p-protekta sa amin, sya ang s-suporta sa amin, sya pa yong dahilan kung bakit napahamak kami at hindi naabot ang pangarap!
Laking pasalamat ko talaga na lumayas talaga ako noon dahil kung hindi, hindi ko alam kung saan na ako pupulatin ngayon!
"Iha? Nandito na yong designer daw sa kasal nyo" tawag ni Tita sa akin.
Kinuha ko muna ang link ng school para makapag-enroll na online yong Analyn and message it to her bago ni labas ang bisita.
"Good morning ma'am! Here's our brochure, pwede po kayong pumili kung anong gusto nyong theme sa kasal nyo or pwede rin naman pong magsabi ka sa amin kung anong gusto mong theme" Nakangiting sabi ng bakla.
I just nod and silently flip each pages.
Naging abala tuloy ako maghapon lalo nang nakiusyoso na din si Tita kaya mas lalo kaming natagalan.
"Kayo na ba lahat mag-aasikaso? Mula sa food? Venue? Or so what?" Pormal kong tanong. Palakibigan naman syang tumango.
"Opo ma'am, just tell us po kung saan nyo gusto mag venue, saang simbahan tapos po mag f-food tasting rin kayo and soon on so fort but all in all kami na bahala sa lahat"
BINABASA MO ANG
Just Like How
RomanceA young woman had been struggling with feelings of being unwanted and unloved. She often felt alone, as if no one was by her side. Each day was a challenge, and the weight of her solitude seemed overwhelming. Despite her efforts to connect with oth...