Palagi akong nakaramdam na walang nagmamahal sa akin, na parang ako ay isang walang halaga at hindi kailanman magiging mahalaga sa kahit sino man. Lagi akong nag-iisa, walang kasama, walang taong makakasama sa aking mga pagsubok at paghihirap. Pakiramdam ko, ako ay isang malaking pabigat sa mundo, na wala akong silbi at wala akong halaga.
Araw-araw, nakikita ko ang iba't ibang tao na may mga mahal sa buhay, na may mga taong nagmamahal at nagaalaga sa kanila. Habang nakikita ko sila, lalo lang akong nasaktan at nalulungkot, dahil alam kong hindi ko iyon mararanasan.
"Nasaan na ngayon si Airyn!? Bakit hindi man lang nakapagwalis rito? Wala pang sinaing at ulam!" Sigaw ng aking mama.
I sigh and slowly, tumayo ako at binuksan ang pintuan ng aking kwarto. Agad nanggalaiti si Mama nang nakita ako.
"Hindi mo ba alam mag linis? Hah? Bulag ka ba at hindi nakita ang mga kalat rito!? Puro, aral-aral pero wala namang napapala! Linisin mo to dito kung hindi ipapakain ko sayo yang mga kalat dyan"
I sigh again at naglinis na naman. Kanina pa kasi ako naglilinis at ginulo ng kapatid ko, I didn't expect na ganito pa ka kalat!
"May pandesal akong dinala doon anak! Kumain ka muna!...Jusko kong bata ka! Pawis na pawis ka na" marahang sabi ni Mama sa bunso naming kapatid.
I sigh again. Kung ako pa yong batang Airyn, umiiyak na yon ngayon dahil sa inggit at ang rami ng what if sa utak non pero dahil rin sa mga ginawa nila sa akin parang wala na akong emosyon na nararamdaman ngayon.
Dito sa bahay, ramdam na ramdam ko talaga ang favoritism! Ang bunso namin, favorite nyang buhusan ng pagmamahal, ako naman, paborito nyang talakan at kinagagalitan! Nakakainis lang.
I longed for parents love pero wala eh, si Papa, iwan ko kung nasaan, sabi ni Mama namatay na raw, sabi naman ng mga kapitbahay umalis raw at hindi na nakabalik dahil may bagong pamilya.
Iwan, pagod na pagod na nga rin ako sa buhay eh, hindi pa ako nakapag concentrate sa pag s-study! Kaya ang baba na ng score ko sa quizzes, oral recitation at exams!
Nakakapagod na kasing gumawa ng paraan para mahalin nila ako! Tratohin ako kagaya ng pag trato sa kapatid ko but no kaya nakakabaliw! I just wanted to be love but they cannot give me that thing cause it's not an asset to them, it's a liability.
BINABASA MO ANG
Just Like How
RomansaA young woman had been struggling with feelings of being unwanted and unloved. She often felt alone, as if no one was by her side. Each day was a challenge, and the weight of her solitude seemed overwhelming. Despite her efforts to connect with oth...