00048

3 0 0
                                    

"Parang tanga naman Airyn! Bilisan mo dyan! Ang tagal-tagal!" Reklamo ni Kristine.

Sinundo nila akong dalawa ni Analayn dito sa bahay dahil nasa kulungan na daw ang magaling kong nanay! Inaresto lang kaninang alas 10:00 ng umaga kaya itong dalawang to ginulo ako!

Hindi pa naman alam ni De Lara na aalis ako dahil hindi ko talaga inasahan na pupunta ang dalawang to dito at muntik ko pang makalimutan na ngayon pala aarestuhin ang magaling kong nanay!

I am so overwhelmed by what happened on Saturday! Ni ang mga pinagsasabi ko non at kung paano ako umiyak ay sariwa pa rin sa akin!

I didn't know kung paano lumabas yon sa bibig ko! Basta na lang lumabas ng wala sa oras! Iniinis ko lang naman si Belle non dahil naiinis ako sa pinagsasabi nya kaya dapat mainis din sya.

Then, all of the sudden, nagdrama ako. Inalo pa nga ako ni De Lara ng ilang oras bago ako tumahan at nakatulog sa byahe. Pagkagising ko, wala na. Nasa kwarto na ako!

I asked him a lot of things. Sinagsagot nya naman ako but still hindi ako naka move on! Gusto ko malaman kung anong reaction ni Belle, kung anong pinagsasabi nya tapos anong reaction nya pero ang Clyde, sabi nya hindi nya alam dahil ako lang ang kanyang tinignan! Napakalandi!

"Airyn! Ang tagal mo dyan ah!" Kalampag na naman ni Kristine.

"Sandali kasi!" Inis kung sabi. Kinalampag nya ulit ang pintu-an bago ako binigyan ng katahimikan.

I stared my reflection in the mirror cause I felt so weak right now! My mother is in jail, and I am going to witness her in that situation and above all, makikita ko ulit sya.

It's been 4 years since I last saw her, wala pang magandang memories kasama sya but I cannot forget how she treat me, how she yell at me, how she slap me and lock me to my room without food and water.

But I cannot forget too how I strive hard during my elementary, junior high school, and senior high school just to hear from her the I am so proud of you...

Hindi ko rin makakalimutan kung paano ako manglimos ng atensyon, pagmamahal, pag-alalaga mula sa kanya!

I am so very insecure, overthinker, and so jealous before, that's why I live in the darkness before.

I kept proving and proving myself to them para ma notice lang nila ako, papansinin, mamahalin, yong ipapa-feel nila na belong ako, na parte ng pamilya noon but wala pa rin. Every time I achieve my goal, I got honors, certificate at kung anu-anong nagawa sa buhay, wala lang sa kanila, ganon pa rin ang trato nila.

Yong feeling na masayang-masaya ka dahil may medal ka, may certificate at may naabot ka sa buhay at excited kang umuwi para ibalita sa nanay mo para maging proud sayo pero my mother just put my report card, medal or certificate sa kung saan-saan na para bang wala lang yon sa kanya.

I keep on doing like that for years until na realized ko na ayaw nila sa akin, may galit sila sa akin, hindi nila papansinin...Masakit but living like that for years nasanay na rin ako at naging walang pakialam sa kanila.

"Sa wakas! Natapos ka rin!" Ani ni Kristine at pumalakpak pa.

Hindi ko na lang sya pinansin. Dinampot ko lang ang bag ko at naunang lumabas sa kanya.

Narinig ko pang nag reklamo sya kay Analyn sa ugali ko but still she followed at daldal ng daldal! Kung paano raw sila naghintay ng ilang minuto! Akala nya daw nag make up ako at sobrang ganda ng sinuot eh nag jeans lang naman daw ako at shirt tapos ang tagal tagal matapos. Napaka-ingay!

I don't like to talk right now sa totoo lang cause my mind is looking forward what will happen if I see my mother.

I don't know kung anong gagawin ko, anong sasabihin ko at anong sasabihin nya kapag nagkita kami cause I never expect na sa ganitong sitwasyon kami magkikita ulit.

Just Like HowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon