00047

4 0 0
                                    

Nakahalukikip lang ako habang nakatingin kay De Lara na abala sa pagkain ng chocolate cake.

Pagkabili kasi namin ng cake, strangely, I want him to eat it, una, ayaw nyang kumain but it makes me sad at naiyak ako kaya pagkarating namin sa restaurant kung saan magkikita kami ng mga Dela Vega, agad nyang kinain ito.

They are talking about something related to business kaya hindi ako nakinig sa kanila but everytime they will asked De Lara, I immediately became attentive kaya pinandilatan ko si De Lara kaya he requested na kakainin muna nya lahat ng cake bago sumali sa usapan.

"Airyn, iha. I heard nag-aaral na ang kapatid mo, if you don't mind, magbibigay kami ng scholarship?" Mrs. Dela Vega said gently.

I look at her and almost raise my brow nang nakita ko si Tita na nakatingin sa akin sa aking peripheral vision kaya hindi ko natuloy.

"Salamat but hindi na kailangan" seryoso kong sabi.

"Ah...I understand"

I look De Lara again na umiinom na ng tubig. I look at his plate at nakitang ubos na ito kaya binalingan ko na ng tingin ang mga taong nasa harap ko.

"Iha, nais ko lang sanang humingi ng tawad sayo. I am so sorry sa lahat ng ginawa ng anak ko...What do you want? I can give you everything...Name it, just accept our apology "

"Mommy!" Rinig kong bulong ni Belle sa tabi nya.

I look at her and tilted my head. Napaayos naman sya ng upo and rolled her eyes.

As expected kaya useless ang pagkikita nato eh dahil alam ko, hihingi lang ng tawad ang babaeng yan dahil inutos sa kanya and kalaunan, gagawin na naman ulit. Napaka useless talaga!

Kilala naman siguro nila ang anak nila. Sana ma realized nila na itong meeting nato ay useless lang dahil sa ugali ng anak nila!

Instead na mag m-meet pa ng ganito, na napaka time consuming! Sana nilabas na lang nila ang anak sa ibang bansa para hindi na makagawa ng masama sa amin o di kaya dinala nila sa simbahan at pinaligu-an nila ng holy water para bumait o di kaya dinala nila sa mangagamot baka gumaling! O kung anu-ano pa, mawala lang sya sa buhay namin!

Sana naisip nila yan! Dahil kahit anong gawin nila! Kahit eh settle pa nila to o di kaya bigyan kami ng milyon-milyong piso! Hindi yan magbabago!

Pinanganak sya baliw, mamatay syang baliw. Yan lang naman ang cycle ng tao!

"I can offer you a good job too! Marami akong connections! You want to work in banks? Abroad? Or anywhere-"

"We have a company ma'am and she's not allowed to work. She's pregnant and we are busy preparing for our wedding and our house" Sabat ni De Lara.

Hilaw na ngumiti si Mrs. Dela Vega.

Ang swerte rin nang Belle nato! Palaging may taga linis ng kalat nya! Nandyan si Atticus na kayang iwan ang lahat para sa kanya. Nandyan rin parents nya para mag-sorry para sa kanya. Ang swerte!

Dapat greatful na sya dahil may pamilya syang ganyan! I dream of that kind of family! Yong susuportahan ka sa lahat ng gagawin mo, kalokohan, kasalanan o pangarap man yan, nasa likod mo sila palagi! Pero sya? Psh! Naninira pa ng tao para lang mahalin sya ng lalaking wala namang paki sa kanya.

She should cherish every moment in her life to her family, she has a wonderful and loving parents and brother! May sakit sya kaya dapat doon nya inaksaya ang oras nya sa pamilya nya!

Pero dahil wala syang utak, bobo at baliw! Gusto nyang magulo, masakit, at palagi syang hindi pinipili na buhay! Ang tanga!

Nasa kanya na lahat eh! Pera, pamilya, negosyo! Ano pang hinihiling nya? Pagmamahal sa ibang tao na puro sakit lang ang dulot sa kanya?...ang tanga talaga!

Just Like HowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon