"Salamat po! Gutom talaga ako nang higit isang linggo! Salamat Tita!" Madramang sabi ni Kristine kay Tita na nakangiting binibigyan sya ng pagkain.
Hinihilot ko na lang ang ulo ko dahil sumasakit sa babaeng to at sa hiyang naramdaman para sa kanya! Akala mo naman walang pera para hindi makakain!
"Naku! Ano ka ba, wala yon. Kumain ka lang. Mabuti at napadalaw ka rito para naman malibang tong anak ko" nakangiting sabi ni Tita.
I blink at napatingin kay Tita na naka ngiti kay Kristine dahil anak?
Ilang beses ko na syang narinig na tawagin akong anak pero nagugulat pa rin ako at hindi makapaniwala at ang epekto sa akin ay pare-parehas pa rin! Pagkagulat, na parang may humaplos sa puso ko, na iwan, hindi ko maiintindihan.
"Naks!" Kristine tease me kaya pinanlakihan ko sya ng mata. She laugh.
"Mahiyain po talaga tong kaibigan ko tita kaya pagpasensyahan nyo na pag hindi namamansin o di kaya tahimik lang sa gilid! Grabe ang pagka-introvert nito! to the highest level! Ni hindi ko nga alam na nagka boyfriend to! Biro mo Tita, second year hanggang natapos kami sa college namin, wala akong alam na nagka-jowa to!"
Napatikhim na lang ako nang umupo si Tita sa harapan namin. Walang kupas talaga ang bibig ng babaeng to.
"Talaga iha?" May tuwang sabi ni Tita kaya napatitig ako sa kanya.
"Opo! Like kung hindi ko sya nilapitan nong second year kami, nong bagong lipat sya! Naku! Tita, baka walang kaibigan to dahil nahihiya sila sa kanya! Buti na lang makapal ang mukha ko"
They laugh while I am just looking Tita na interesadong-interesado sa pinagsasabi ni Belle at nakangiti pa na para bang tuwang-tuwa sya sa nalaman.
Si Clyde lang ang kaiisang taong ganyan ang reaksyon kapag may nagk-kwento tungkol sa akin. Sa magulang ko, sa kapatid, sa kamag-anak palagi akong parang hangin, wala silang pakialam sa akin o kung ano ng nanyayari sa akin. And I never expect na bukod kay Clyde, may ibang taong interesado sa buhay ko at natutuwa kong sino ako.
I look away nang naramdaman kong namasa ang mata ko.
This past few days, palagi na lang ganito ang nararamdaman ko! Kaunting bagay naiiyak na ako, kaunting bagay na ayaw ko, galit na galit ako,maybe because I am pregnant.
Nag-usap lang sina tita kung anu-ano, nakikinig lang ako sa kanila dahil hindi ako makasabay sa kanila,tough tatanungin naman nila ako kaya doon lang ako nakakapagsalita!
"Ang bait ng Nanay ng fiance mo friend" Commento nya nang lumabas kami at tumambay sa may pool area nila.
"Yeah"
"No wonder ang gaan ng vibe ng fiance mo! Yong tipong ano kasi sya eh, may awra na naka-intimidate, na napaka-out of reach dahil ang taas tapos pag nagsalita sya boom! Naiba ang atmosphere!...kaya pala! Ang bait pala ng nanay! Buti nakatagal sya sayo no?"
"Ang daldal mo"
"Whatever! Pero may cheka ako sa office gurl..." She thrilled at umayos ng upo.
"Ano?"
"Grabe ang galit ng jowa mo! Like yong psycho lang ang nanakit sayo pero buong empleyado na nakasaksi, ayon! Pinagalitan dahil wala daw umawat!"
"Ano!?" Hindi makapaniwala kong sabi. She nod.
"Oo! Pinadampot yong kapatid ni Atticus sa pulis! Hinaharangan na nga si sir eh baka may gawin doon sa babae, galit na galit talaga sya as in! Kaya hanggang ngayon sa opisina kapag nandyan si sir parang dumaan si kamatayan! Wala talagang hihinga dahil kung mapansin ka ni sir bang! Your fired!" Puno ng aksyon nyang sabi.
BINABASA MO ANG
Just Like How
RomanceA young woman had been struggling with feelings of being unwanted and unloved. She often felt alone, as if no one was by her side. Each day was a challenge, and the weight of her solitude seemed overwhelming. Despite her efforts to connect with oth...