Nakahalukikip at nanliliit ang mata ni Kristine sa akin habang naghahanda ako ng pagkain namin.
Hindi ko kasi sya nilabas kagabi kahit anong kalampag nya sa kwarto ko pero pagkagising ko ng umaga, nandito na sya at nagkakape! Ang kapal ng mukha!
"So...can you tell me-"
"He's my boyfriend" putol ko sa kanya.
"Boyfriend...Utot mo! Ni hindi kita nakitang may katawagan, ka text o umaalis dahil sa lalaki tapos biglang may boyfriend ka bigla?" Confident na confident nya talagang sabi para bang sinasabi sa akin na hinding-hindi ko sya mapapaniwala.
I sigh heavily at nilagyan sya ng plato.
"Kung ayaw mong maniwala...wala akong pakialam"
Peki syang tumawa at hindi ako makapaniwalang tinignan.
"Sino naman kasing maniniwala sayo? Boyfriend? Na hire lang sa trabaho may boyfriend na agad?...Hah! Ano yan magic!?"
"Edi huwag kang maniwala" simple kong sabi. Hinampas nya ang mesa at masama akong tinignan.
"Ikaw! Kapag yan may hindi magandang motibo sayo! Sinasabi ko talaga!..." nanggigil nyang sabi.
"He's a good man-"
"Hah! Good man? Good man mo mukha mo! Ni hindi ko nga nakita na nanliligaw sayo, bumisita rito, nag date kayo tapos his a good man?...red flag yan! Red flag!"
Inismiran ko sya at tahimik na lang kumain!
Kung malaman lang nitong babaeng to kung paano ako niligawan ni De Lara noon, sure akong lulunukin nya ang sinasabi nya ngayon!
Maka judge akala mo kilalang-kilala nya ang tao! Kung hindi ko lang to kaibigan sinampal ko na to eh.
"Kita mo? Natahimik ka dahil tama ako!...Akala ko very conservative ang peg mo dahil never kang nag ka boyfriend nong college or fling tapos ngayon boyfriend? Hah! Pakita mo sa akin yan para-"
Natigil sya sa sasalita nang biglang may nag door bell. Which is laking pasalamat ko dahil naririndi na ako kakatalak nya! Okay lang sana kung may sense pero wala!
I look at her at sinenyas ang labas pero tinaasan ako ng kilay ng bruha.
"Bahay mo, ikaw ang magbukas" mataray nyang sabi at nagsimula ng kumuha ng pagkain.
I sigh heavily para pigilan ang sariling sigawan sya dahil ang kapal ng mukha! Sya na nga tong kumakain rito na akala mo may ambag sya pero sya pa ang ganyan.
Tatayo na sana ako para ako nang magbukas ng bigla syang tumayo at parang batang nagtungo sa pintuan.
I sigh again at kumain na lang pero bigla akong napatayo ng biglang sinigaw si Kristine ang pangalan ko.
"Airyn! Halika rito! Oh my God!" Tili nyang sabi kaya agad akong lumabas sa kitchen at takang tinignan ang nangyayari.
My expression change when I meet De Laras's eyes and smile. I blink multiple times.
"Airyn raw ang hinanahap! Gustuhin ko mang maging Airyn pero ikaw yon! Airyn raw! Airyn!" Parang tanga na sabi ni Kristine at tinulak ako kay De Lara.
I heard him chuckled at sinalo ako. Napapikit na lang ako ng mariin dahil sa pinagagawa ni Kristine.
"Good morning...flowers for you" bulong nya sa akin. Umayos ako ng tayo at ngayon lang napansin na may dala pala syang bugkos ng bulaklak at dalawang paper bag.
"Thank you...but, bakit ka nandito?" Taka kong sabi at tinignan ang binigay nya ng may ngiti sa labi.
"To get my kiss-"
BINABASA MO ANG
Just Like How
RomanceA young woman had been struggling with feelings of being unwanted and unloved. She often felt alone, as if no one was by her side. Each day was a challenge, and the weight of her solitude seemed overwhelming. Despite her efforts to connect with oth...