Chapter 2.
Kahel
"Salamat kuya sa bagong cellphone na pinadala mo!"
Ramdam ko ang saya ni Geo ng bilhan ko siya ng bagong cellphone.
" Salamat din nak sa perang pinadala mo. Sigurado ka bang hindi magagalit tita Malet mo?"
Umiling ako sa sinabi niya. Dahil may bago na cellphone namin ay nagawa na namin mag video call.
" It's okay lang ma. Huwag mo lang sabihin para po safe."
Nakita ko naman ang pag ngiti ni mama. Sa loob ng mahabang panahong ngayon ko lang nakitang ganun ngumiti si mama. Masaya ako na nakatulong ako kahit kunti.
Gabi na rin ng umuwi si tita Malet at kanina na rin ako tapos kumain. Maaga akong matutulog dahil ayaw kong ma late sa unang araw ko sa klase.
Maaga akong nag asikaso at si manong Ben ang maghahatid sa akin sa school. Alas singko palang ay nasa byahe na ako dahil ayoko talaga ma late. Especially unang araw ko ngayon.
Transferee ako sa Guilavon pero mabuti nalang at second week palang ng klase. So means hindi pa ako huli sa mga subjects. Ilang minuto rin ang byahe papunta roon.
" Mag te-text nalang ho ako kapag magpapasundo na ako," tugon ko at tumango siya. Pagkababa ko ay bumungad sa akin ang malaking building na nasa loob ng malaking gate na nasa harapan ko.
Huwag kang kabahan Kahel.
Ngumiti ako bago pumasok sa loob. Hinanap ko ang Class 12A dahil iyon ang section ko. Sa wakas makaka pagtapos na rin ako sa highschool.
Mga ilang silid-aralan na rin ang nilibot ko hanggang sa nahanap ko na ang silid-aralan ang para sa akin.
Hindi nga ako late pumunta rito ay late naman ako sa klase. Isang babaeng mataba at medyo masungit dahil pustura nito sa harap.
" G-good morning po," pag agaw ko sa atensyon nila.
" And why are you late? Hindi porket transferee ay dapat late ka na!" Nagulat ako sa bulyaw niya sa akin. Nakakatakot siya.
" Uhm sabi po kasi ni principal ay mga 7:30 na ako pumunta rito para hindi raw ako ma awkward kung mauna naman," pagdadahilan ko. Tila natigilan ang titser at bumalik ang tingin sa mga estudyante.
" Walang mangyayari kung tatayo ka lang riyan. Introduce yourself politely, gently, and not sarcastically."
Pumunta ako sa unahan at kinakabahang magsasalita. " Ako nga pala si Kahel Merendez, 18."
Nagsenyas siya na maupo sa likod dahil hindi pa naman final ang sitting arrangement. May sinulat siya sa board at lahat ng mga kasama ko at kanya-kanyang bulong.
" Before I discuss this matter. I would like to introduce to you myself again, especially sa bagong transferee. I am Eula Wilsom, your adviser in this class. Regarding the rules and regulations, mister Merendez, just read the handbook I'll give it to you. Hmm?"
Tumango ako sa sinabi niya. Ganito na kapag nasa prestigious schools? Or kami lang?
" About the written on the board, the faculty discussed that every grade level having a activity called ' Green House Act: Save Mother Earth.' would be conducted this week. Especially this is your project in my subject. Kung ayaw niyo bumagsak, participate."
" Nakasulat na sa board ang need dalhin, kakailanganin, alalahanin, gagawin, at mga babala sa activity. Oh— I forgot! Sa Mt. Pasuy tayo gagawa ng activity so be ready, especially the fees."
Napatulala na lang ako sa nakita kong babayarin sa activity. Saan ako kukuha ng 3,500 na pera?
Binigay ko na kay tita Malet ang credit card and for sure barya lang sa mga kaklase ko ang 3, 500 na yan.. ang yayaman.
" Anyways hindi makakapasok ang iba niyong ibang subject teachers dahil may urgent meeting about something. So, don't make any mistakes and mister Merendez come with me."
Tumango ako at sumama sa kanya lumabas. Iniwan naming maingay ang classroom at tanging takong lang ni ma'am ang gumagawa ng ingay.
" You're from miss Malet right?" Natauhan ako ng magsalita si ma'am.
" O-opo," sagot ko. Narinig ko ang pag ismid niya.
" Called me auntie." Nahinto ako sa sinabi niya. Humarap siya sa akin at ngumiti. Ang ganda niya pala ngumiti.
" I'm her older sister."
Tila natigilan ako sa sinabi niya. What?! She's freaking sister of tita Malet??
Hindi ko namalayan na tinatawag na pala ako niya kaya agad akong tumakbo. Pagpasok namin sa office niya ay duon ako lalo nagulat.
" Yes, I am the principal here."
Hindi nag sink in sa utak ko na same surname pala sila ng tita Malet. Binigay niya sa akin ang handbook at isang resibo.
" Para saan po ito?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
" Malet, texted me kanina na babayaran niya ang fees sa trip natin."
Halos maluha ako sa sinabi niya. Hindi ko pa nga nasusulusyunan ang problema ay may gumawa na. They both alike, they are kind.
" S-salamat po," ani ko.
" Pasensya na pala sa inakto ko kanina. Ganun lang talaga ako kasi naman ang kukulit ng mga bata ngayon." Napangiti ako sa sinabi niya.
" So be ready okay? Siguro this Friday ang activity."
Tumango ako sa kanya at nagpaalam na umalis na. Naglalakad na ako papalabas ay bigla bumukas ang pinto ng opisina. Niluwal nito ang isang lalaking matangkad, medyo maputi, gwapo, mapupulang labi, at agaw atensyon niyang scar sa leeg.
Nahinto ako nang may naalala ako. Siya ba yun? Pero hindi. Hindi ako sigurado. Mabilis akong tumakbo papalabas at umalis sa loob.
Nanghina ako, pamilyar ang scar na iyon o nagkataon lang?
Natatandaan ko na. May nahiwa akong leeg noon. Hindi kaya siya iyon? Pero imposible dahil hindi niya ako kilala.
Aksidente ang lahat ng iyon.
Hindi ko matandaan ang buong detalye, arggh.
Napaupo ako sa sahig dito sa corridor. Sumasakit ulo ko sa pagbiglang pag alala ng mga dapat matagal ko ng kinalimutan.
Dahil lahat ng mga ala-alang iyon ay nandun ang alaala niya. Mga ala-alang sumira sa amin, nagpadurog sa amin.
