[01]

5.2K 54 2
                                        

Chapter 1.






" Kahel, pakabuti ka doon ah?" Payo sa akin ni mama. Sila nalang ni Geo ang natitirang pamilya ko sa mundo.


Ayaw ko pag usapan ang tungkol sa ama namin. Lilipat ako sa Manila dahil kinuha ako ni tita Malet dahil siya na raw magpapa aral sa akin.

Tita Malet ang dating amo ni mama nung nagtrabaho siya duon dati. Para naman daw makatulong siya sa amin ay siya na sumalo sa pagpapaaral ko na sinag ayonan naman ni mama.



Mahirap maging mahirap lalo kang naghihirap.


Nasa van ako ngayon. Pagkatapos kong magpaalam sa dalawa ay medyo naging emosyonal ako dahil mamimiss ko sila. Ang sinasakyan kong van ay kay tita Malet, tawagin ko na daw siyang tita dahil parang anak naman daw turing ko sa kanya.

Medyo madilim na ang paligid ng huminto ang van sa tapat ng isang malaking gate. Tanging ako at ang driver lang ang nasa loob ng sasakyan hanggang sa kusang bumukas ang malaking gate. 


Hindi ko alam na medyo mayaman pala ang tita Malet. Nakikita ko lang kasi ang mukha niya sa video call kaya hindi ko aakalain na malaki pala ang bahay nila.



Nang nakapasok na sa loob ang van ay ang pagbaba ng driver at pinagbuksan ako ng pinto ng van. Pagbaba ko pa lang ay humampas sa sakin katawan ang malamig at preskong simoy ng hangin.


" Pasok na noy," sambit ni manong driver.

Pumasok ako sa loob ng malaking bahay at ang gagara ng mga gamit sa loob. Especially ang antiques na vases sa iba't ibang parte ng silid. Hindi ko inaasahan na may second floor pala ang bahay ni tita.


Natauhan ako nang bumaba si tita mula sa malaking hagdan. Suot ang puting dress na bumagay naman sa kanya. Nasa mid 30's na si tita at matuturi ko ring maganda pa rin siya.



" Welcome home, Kahel" pagkalapit niya sa akin ay niyakap niya ako.


" Feel at home, Kahel. May kwarto ka na rin. Alam mo ba your mom so kind to me. Kaya naman papaaralin kita sa isang prestigious school dito sa Pinas."



" Ay hala po, nakakahiya naman. Kahit public school na lang po," ani ko.


" Ano ka ba. Para na kitang anak at pinangako ko sa mama mo na ipapalasap ko sa'yo kung paano makapag-aral sa isang prestigious school. Di ba alam mo yung Guilavon High?" Tumango ako sa tanong niya.



" See? Your mom told about your dream school. You have no choice because you're already enrolled."


Ngumiti ako sa sinabi niya. Niyakap ko siya at medyo napaluha ako dahil dream school ko talaga iyon. Isa sa kilalang highschool ang Guilavon.



" Oh come on. Maliit na bagay, marami ka pang mararating sa buhay kaya pagbutihin mo." Tumango ako sa sinabi niya.



[BLHS1] We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon