Chapter 25.
Kahel
Napuyat ako ng dahil sayo Kaizen. Jusko akala ko kung napano na. Lumaklak lang pala, pero bakit naman siya nagpakalasing?
Kinaumagahan ay nasa ospital pa rin kami. Ewan ko ba sa kanya kung bakit niya ako pinapahiga sa tabi niya pero umayaw ako kasi.. magalaw ako matulog hehe.
" Nakalimutan ko, mamaya na pala darating sina mama sa bahay niyo." Saad ko habang inaayos ang mga gamit na dala ako.
Discharge na yang lalaking yan haha. Maya-maya ay pumasok ang kaibigan niyang si Azrael kasama ang isang lalaki mga ka same age ko rin ata.
" Bro, what's up?" Nakipag fist bump pa siya kay Kaizen. Napansin ko na may inabot ang lalaking kasama niya.
" Pinapadala ni dad." Binigay ni Azrael ang isang mamahaling wine kay Kaizen na ikatawa naman niya. " Panget ng beer, bro. Masarap yan."
" Last na yun, bro. Hindi ko pala kaya." Natatawang sambit ni Kaizen. Hindi ko namalayan na nakangiti na rin pala ako.
" Bakit ka ba naglasing? Tapos ininom mo lang ng isahan. Loko ka talaga." Natatawang sambit ni Azrael. What? Isang inuman lang?! Crazy Lemon.
" Oh, Kahel, thanks for taking care of my bro." Tumango ako sa kanya. Ewan ko ba kung bakit pero alam ko need niya ng help from me. " Anyways, this is Raslen—my personal assistant."
Yumuko ang lalaki sa katabi niya. Medyo mag ka height lang kami. Ilang sandali ay nagpaalam na sila na mauuna na sila. Isang oras din ang lumipas ng lumabas na kami sa ospital.
" Sabihin ko ba kay tita nangyari sayo?" Umiling agad siya sa tanong ko.
" Baka mag worried lang siya doon. She's in meeting pa naman." Tumango ako sa kanya. Sakto ay kakarating lang ni manong Ben at sumakay na kami.
" Bakit ka nga ba naglasing?" Tanong ko sa kanya. Nakatingin lang siya sa labas habang pinapanuod ang dinadaanan namin.
" Curious, Orange?" Tumingin siya sa akin. Umismid lang ako sa kanya. " Joke, malungkot lang ako kagabi."
Ah okay. Namuo ulit ang katahimikan sa pagitan namin. Nang huminto ang kotse, kasabay nun ang pagpatong ng ulo niya sa balikat ko.
" I need something to sleep on." Napangiwi ako sa sinabi niya. Sus, para-paraan ka lang eh.
Hinayaan ko na lang siya matulog sa balikat ko. Gosh, nakakangalay ah.. ang bigat ng ulo niya. Biglang nag vibrate ang cellphone ko.
Yuno texted me. 'Meet me at the library, babe, please.'
Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung pupunta ba ako o hindi. Naalala ko ang sinabi ni Charlie.
Hindi na niya ako madadaan sa soft words niya. Sinaktan na niya ako, ayoko ng maulit pa iyon.
—
Bumaba na kami ni Kaizen at pumasok na sa pinto. Ang bilis ng pintig ng puso ko sa saya. Pagpasok namin nakita ko sina mama at Geo.
Maluha-luha akong niyakap silang dalawa. I miss them so much. " Miss ko na kayo." Naiiyak kong sabi.
" Miss na namin ang cute naming tagapagtanggol." Naiiyak na sambit ni mama sabay ngiti.
" Hello po." Singit ni Kaizen sabay nagmano kay mama. " Kaizen po."
" Ay oo, ikaw yung batang kaibigan noon ng anak ko." Nakangiting sabi ni mama. Hala si mama bukayo rin eh. Nagkatinginan kami ni Kaizen.
" Ah opo." Sagot ni Kaizen.
" Kuya ang gwapo pala ni kuya Kaizen. Di ba crush mo ya—" sambit ni Geo nang pinatikom siya ni mama.
" Naku, kung anong pinagsasasabi ni Geo." Ngumiti lang si Kaizen. Iba rin si Kaizen kapag nandiyan sina mama.
Inutusan niyang magluto si lola Luren ng makakain namin habang kasama ni mama. Sumama naman sa akin si Geo sa kwarto ko.
" Grabe kuya gusto ko rin ng ganito." Namamangha siya sa nakikita niya." Hala, may doggie!"
Agad niyang binuhat si Orange at masayang inikot ikot ito. " Cute niya no?" Tumango siya sa akin.
" Orange? Di ba ikaw yun?" Tumango ako sa sinabi niya. " Si kuya Kaizen nga nagbigay ng name sayo niyan dati e."
Mas lalo akong napangiti ng maalala ko ang bagay na yun. It's been Kaizen after all not Yuno, I thought si Yuno talaga ang childhood sweetheart ko pero hindi pala.
The necklace, the scar, the.. the... Oh emm gee!
Si Yuno ba ang kasama ko the night kung saan may nangyari sa amin. He's wearing the necklace. Oh emm gee!
Nagulat si Geo nang makitang para na akong nababaliw sa kama. Hindi maipinta ang mukha niya.
" Anong nangyayari sayo?" Umiling ako sa kanya. Hindi ma process ng utak ko kung ano ba talaga? Kung hindi si Yuno yung kahalikan ko nung gabi yun. Ibig sabihin si..
" Kuya Kaizen." Tawag ni Geo. Nahinto ako sa kakaisip nang pumasok si Kaizen. Napalunok ako ng laway. Kinabahan ako bigla, ikaw ba talaga yun?
Mabilis kong inalis sa isip ko ang nangyari. Baka panaginip lang pero sabi niya si Yuno yun?
" Mukhang malalim iniisip mo ah, Orange." Halos mapatalon ako dahil nasa tabi ko na pala siya. Wearing his cute smile, napalunok ulit ako. Nagkatitigan kami pareho. " Hey, are you okay?"
" Wala! Wala ito!" Bulalas ko. Nagulat siya sa inakto ko. Bigla niya akong hinawakan sa leeg. Grabe!
" You're not mainit naman eh, are you sick?" Kitang-kita sa mukha niya ang pag-aalala.
Biglang nag vibrate ulit ang cellphone ko. He texted me again. Arrghh, I hate him.
" I know what's going on, usap na kayo." Ngiti niyang sabi. Nabasa niya pala message ni Yuno. " Ihatid na kita?"
—
Nasa school na ako at naglalakad sa corridor. Nagpaalam na rin ako kina mama. Sasama sana si Kaizen pero sabi ko maghintay na lang siya.
Sabi niya magkita raw kami sa library. Alam ko kung saan library iyon kaya agad akong pumasok. Bihira lang pumunta ang mga estudyante rito, ewan ko ba kung bakit.
Habang papalapit ako ay may naririnig akong kakaibang ingay sa paligid. Hanggang sa huminto ako sa pinakadulo at nakita ko silang magsayang naglalampungan.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung sasaya ba ako dahil makakaalis na rin ako sa kanya o masasaktan dahil pinaglaruan niya lang ang puso ko.
Dahan-dahan naman akong umatras pero hindi sang-ayon sakin ang tadhana. Natamaan ko ang isang upuan dahil para matigil sila sa kanilang ginagawa.
Nanlaki ang mga mata ko na galit si Yuno na tumatakbo sa direksyon ko. Takbo Kahel! Nasa panganib ka!